Zenayda…ang Babaeng Balyena (Chapter 4)

Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart

“What is LOVE, Mr. Wison?” seryosong tanong ni Zenayda.

“Love? Isang makapangyarihang bugso ng damdamin, Ms. Butingting. Hindi maipaliwanag dahil kusa mo lang itong mararamdaman sa tamang tao o sa maling nilalang. Love is unpredictable, it’s hard to explain; it’s like smiling despite having no reasons why. Pag mahal mo ang isang tao handa mong talikuran lahat at tanggapin ang mundo niya. At ‘yan ang gagawin ko para sa iyo, Ms. Zenayda,” seryosong sagot ni Egerberto sabay kindat sa dalaga.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Zenayda sa sagot ng binata. At sumunod ang malakas na hiyawan ng mga kaklase nila. Tiningnan ni Egerberto si Zeynada at wala sa hitsura ng dalaga na humanga ito sa sagot niya.

Wala talagang puso ang malditang Butingting na ito. Hindi man lang natamaan sa sagot ko! Don’t give up, Gebe boy, mapaamo mo rin ang si Zenayda Butingting, usal sa sarili ng binata habang inililigpit ang mga gamit niya.

Tumunog ang bell. Dali-daling lumabas si Zenayda. Mahigit tatlong taon na siya sa Saint Lourdes Academy University sa kursong medicine. Pero, ni isa wala siyang kaibigan; ayaw niyang mapalapit sa mga tao, ayaw niyang may makakaalam kung sino at ano siya. Mula sa pagkabata niya, umiikot lang ang mundo ni Zenayda sa bahay, paaralan at dalampasigan. Tanging si Lola Trining lang ang kasama niya at namulatan na taga-alaga sa kanya. Pero, ngayon may isang nilalang na nanggugulo sa tahimik na buhay ni Zenayda.

“Ms. Zenayda, waittttt!” sigaw ni Egerberto.

“Hindi ako taxi na paparahin mo, Mr. Wison.” Nabigla ang dalaga nang biglang lumuhod ang binata sa harapan niya.

“Please?”

“Hindi ako santo para pagdasalan o simbahan ba ito? “

“Just one cup of coffee, Ms. Butingting. Hindi ako tatayo pag hindi ka papayag.”

“Tinatakot mo ba ako, Mr. Wison?” patalikod na sagot ni Zenayda sabay hakbang papalayo.

“Please! Promise hindi na kita guguluhin pa.” sigaw ng binata. ”

“PAGBIGYAN MO NA ZENAYDA!” kantyaw ng nakakita sa eksena ng dalawa.

Huminto si Zenayda….

“Walang paa ang kape para lapitan ka diyan sa drama mo Mr. Wison.”

Dali-daling tumayo ang binata at ngumiti itong lumapit kay Zenayda.

“Thank you.”

“For what?” taas kilay na tanong ng dalaga.

“Sa pagtangap ng paanyaya ko para mag kape.”

“Actually, hindi ako uminom ng kape! When you said na hindi mo na ako guguluhin. So…Hihintayin mo ba ako ang bibili ng kape para sa iyo?”

“Tayo na, I have a favorite place na lagi kong pinupuntahan.”

“You said a cup of coffee at hindi pamamasyal, Mr. Wison!”

“I know, Ms. Butingting, your time is limited. Pero pramis, malapit lang dito ang coffee shop na paborito ko. So, shall we go now?”

Walang sagot ang dalaga at lumakad na lang ito papunta sa sasakyan ng binata. Mabilis namang binuksan ni Egerberto ang pinto ng sasakyan, at ni thank you ay wala siyang narinig mula sa dalaga.

“Seat belt, please. At huwag ka nang sumagot alam kong may kamay ka.”

“Matalino ka rin pala!”

Napangiti nang patago si Zenayda, may kakaibang pintig ng kanyang puso na mahirap ipaliwanag, na ngayon lang niya naramdaman. Kakaibang tibok na hindi pangkaraniwan.

Mahabang katahimikan habang binaybay nila ang Lagusan road.

“P’wede bang magtanong, Ms. Zenayda?”

“Go ahead! Walang namamatay kung magtanong ka, Mr. Wison.”

“Bakit ang suplada mo? Ngayon, lang ako nakatagpo ng amazona na kagaya mo.”

“Alam mo naman siguro na limited ang oras ko hindi ba? Nonsense ang question mo, Mr. Wison.”

Biglang huminto ang kotse na ikinabigla ng dalaga.

“What the…!”

“Opps..Sorry! Nandito na tayo.”

“Akala ko ba sa coffee shop ka pupunta?” Biglang natigilan ang dalaga nang makitang nasa tabing dagat sila pumunta, at mabilis na bumaba si Egerberto.

“Ayaw mo kasing uminom ng kape, kaya dito na lang kita dinala isa sa paborito kong lugar. Dito ako minsan, pag may problema ako, dito ako sumisigaw!” seryosong wika ng binata na umupo sa buhangin. Nanatiling nakatayo si Zenayda hindi makapaniwala sa narinig mula sa lalaki.

“Wala ka na bang ibang sasabihin? P’wede mo na ba akong ihatid sa may bus terminal?”

 

Itutuloy…

Ni Jovelyn Bayubay Revilla

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.