Zenayda…ang Babaeng Balyena (Chapter 3)

Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart

Lumipas ang isang linggo. Bigo si Egerberto na makita ang dalaga. Wala siyang mapagtanungan dahil walang matalik na kaibigan si Zenayda. Araw-araw siyang nag-aabang sa labas ng bahay nito pero, ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Habang nakaparada ang kanyang kotse, natanaw ng binata ang dalampasigan. Biglang may nakita siyang babaeng tumakbo papasok sa may likod ng bahay nina Zeynada.

“Si Zenayda yun ah!” wika ng binata at agad na kinuha ang bulaklak sa may upuan at mabilis siyang bumaba ng kotse at agad na nag-door bell sa bahay ng mga Butingting.

Ding..dong..Ding..dong.
Ding..ding..ding..dong..

Pipindot pa sana siya nang may biglang bumukas ng gate.

“S-si..no?” ” Hi! Flowers for you!” ngiting bati ng binata.

“Walang patay dito Mr. Wison!”

“Baka may sakit ka kaya napadaan lang ako, para kumustahin ka.”

“Bakit kailan ka naging isang private doctor or nurse ko?”

“‘Yan ang na miss ko sayo Ms. Butingting ‘yang ka suplada at pilosopa mo.”

“Makaalis ka na Mr. Wison!”

“Teka, ito pala ang resume ko Ms. Zenayda.” ngiting wika ng binata sabay abot sa envelope.

“Opisina ba ako?”

“Hahaha! Higit pa doon, kaya paki basa nalang pwede ba?”

“Tapos ka na ba?”

“Oo! I know your time is limited pag ako ang kausap mo. Let me know, kung papasa ba ang resume ko Ms. Butingting.”

“Bye! Mr. Wison!”

“Bye..Ms. Beautiful!” paalam ng binata sabay kindat sa dalaga.

Dali-dali naman pumasok si Zenayda sa loob ng bahay at dumiretso ito sa kwarto niya bitbit ang bulaklak at envelope. May kakaibang ngiti sa kanyang labi. Isang ngiti na hindi niya maipaliwanag. Ngunit, sa may gilid ng pinto may dalawang mata na nakatingin sa kanya. Mata na puno ng pag-alala at pangamba.

Sinarado ni Zenayda ang pinto sa kanyang kuwarto at agad na itinapon ang bulaklak at envelope sa basurahan. Pabagsak siyang humiga sa malambot niyang kama. Pero, may isang kakaibang kapangyarihan na nag-utos na kunin ang envelope at agad niya itong binuksan: Call me: 999655

Kinabukasan…

Maagang pumasok si Zenayda, isang linggo rin siyang nawala sa klase. Habang naglalakad sa may pasilyo ng campus.

” Hi! Good morning! Bakit hindi ka tumawag?” masayang bati ni Egerberto.

” Bakit call center ka ba?” malditang sagot ng dalaga.

” Haha! Aray ko!” maktol ng binata na medyo na pahiya.

” Ihatid na kita mamaya ha?”

” Bakit wala ba akong paa?”

” Haha! Oo, nga pala. Teka, pwede dinner tayo mamaya?” hirit ng binata.

“May bigas at ulam kami sa amin kaya salamat nalang!” malditang sagot ng dalaga sabay talikod kay Egerberto.

“Bibisita ako sa inyo kung ok lang?” huling hirit ng binata.

“Walang patay o may sakit sa amin! Huwag ka ng mag-abala.”ganting sigaw ni Zenayda.

Napakamot sa ulo si Egerberto. Unang karanasan niya ang mapasubo sa malditang babae. Halos kasi sa matipuhan niya ay bumibigay agad. Pero, kay Zenayda Butingting walang epek ang karisma niya.

“May puso ba ang babaeng ‘yun?” usal ni Egerberto sa sarili.

Samantala, pigil tawa naman si Zenayda sa ginawang pambabara niya sa binata. Kailangan gawin niya ang nararapat para tuluyang lumayo ito sa kanya. Ngunit, bakit may kunting kirot siyang naramdaman ng makita ang malungkot na mukha ni Egerberto?

” Zenayda tumigil ka! Hindi ka pwedeng umibig!” usal niya sa kanyang sarili.

Sa loob ng classroom si Egerberto ang naatasan para sa isang talakayan para sa pag-iibigang Romeo at Juliet. Nakikita niyang walang interes si Zenayda sa topic kaya:

” Miss Butingting..Paano mo ipaglaban ang iyong pag-ibig?”

” Sorry, Mr. Wison you asked in a wrong person!” sakristang sagot ng dalaga.

” Really? May puso ka ba Ms. Butiting?”

” Wala!”

“What else?”

” Kaya pala! So, dahil heartless ka, maybe pwede sa atay mo nalang idaan?”

” Why Mr. Wison? Doctor ka ba?”

” Kung gustuhin mo? I can be a lawyer too!”

Malakas ang hiyawan ng buong klase! Kinilig ang karamihan sa palitan ng sagot ng dalawa. Maging ang professor nila ay hindi mapigilang mapangiti.

Itutuloy…

Ni Jovelyn Bayubay Revilla

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.