Zenayda…ang Babaeng Balyena (Chapter 2)

Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart

“Thank you? Ok ka lang? Bakit sinabi ko ba sa iyo na ihatid mo ko? Sinabi ko ba sa iyo na kunin mo ang wallet ko?”

“Tapos kana? AMEN!” pang-aasar ng binata.

“Umalis ka na!”

“Saka na ako aalis pag tiyak ko na ligtas ka. ‘Yan ba bahay ninyo?”

“Ano ka detective o FBI?” dakdak ni Zenayda sabay lakad papunta sa gate ng bahay nila.

“Soon, superhero ng puso mo!” sigaw ng binata.

“Pangarapin mo si Mommy D huwag ako! Bagsak ka na sa akin.” ganting sigaw ng dalaga.

“Ipapasa ko resume ko bukas sayo Ms. Butingting, pag-aralan mo ha?”

“Sure! Hanapin mo nalang ang sagot sa basurahan!” sigaw ng dalaga sabay sarado sa gate.

Pagpasok niya sa gate biglang may humablot sa kanyang balikat.

Bago pa siya magkapagsalita dinig ni Zenayda ang pag-alis ng sasakyan ni Egerberto at:

“Anong kagagahan ito Zenayda?” sigaw ng isang matandang babae naka suot ng mahabang
duster na itim.

“Aaah..! Aa-ano s-sii kuwan po kaklase ko po ‘yun hinatid lang po niya ako.” tarantang sagot ng dalaga na grabe ang kaba.

“Kailan ka pa pumayag na ihatid ka dito sa tirahan mo?”

“Nagpumilit po kasi! Kinuha ang wallet ko alangan naman kung maglakad ako,” paliwanag ng dalaga.

“Huwag mong kalimutan ang sumpa Zenayda!”

“Hindi ko po nakalimutan La Trining!”

“Mabuti! Maghanda ka na malapit na gumabi, kailangan mo pa siyang puntahan.”

Walang sagot na pumasok sa loob ng bahay si Zenayda. Hindi na bago sa kanya ang naglalakihang kandila na nakapaligid sa sala. Nakahanda na ang mga gamit ng kanyang lola para sa nakasanayan nitong ritwal. Isang ritwal na lihim ng kanilang pamilya.

Malaki ang bahay ng pamilyang Butingting. Isang lumang bahay na ang estilo ay sa panahon pa ng mga kastila. May anim na kuwarto ang bahay nina Zenayda. Sa kwarto ni Zenayda nakasabit ang larawan ng kanyang ina at ama, habang may kargang isang bata na nababalutan ng itim na lampin at ang kanyang ama naman karga ang isang bata, nasa puting lampin.

Pabagsak na nahiga siya sa malaking kama niya.

Tanaw ni Zenayda na nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Hindi nga maipagkaila ang akin niyang kagandahan, isang kakaibang ganda na hindi pangkaraniwan. Habang sinusuklay niya ang umaalon niyang buhok, may isang malamyos na musika naman ang naririnig niya. Isang musika na mula pa pagkabata ito ang tumatawag sa kanya tuwing kabilugan ng buwan.

“Andito naman siya!” malungkot na usal ni Zenayda sa sarili.

Kasabay ng malamig na hangin ay dahan-dahang binuksan ni Zenayda ang pinto sa likod ng sekretong labasan sa likod. Isang pinto na nag-uugnay sa may dalampasigan. Nakapaang binaybay ng dalaga ang mga buhangin, patungo sa may malaking bato. Maliwanag ang buwan at tanging anino lang ang kasama niya at mga alon na nag-uunahan sa buhangin

“Zzznnnayyyyddaaaa!” mumunting tinig na tumatawag sa kanya.

Samantala si Egerberto ay busy sa kanyang computer.

“Bukas ipapasa ko resume ko sana makapasa ito Zenayda! Ganda mo talaga na bulls eye mo puso ko.” sambit ng binata habang tina-type ang pangalan at mga biro niya.

Samantala sa dalampasigan:
Nasa malaking bato na ang dalaga. Tanaw na niya ang mga naglalarong balyena. Kumakanta at panay ang tawag sa kanya. Hudyat na sa kanyang pagtalon!

Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Bogggggg!

Malakas ang salpukan ng mga alon. Lumakas ang hangin at isang bagong anyo ang lumangoy papalayo..

Palayo nang palayo kasama ang mga balyena!

Sa di kalayuan tanaw ni Lola Trining ang pagbabagong anyo ng apo. Mula sa isang magandang dilag na ngayon ay lumalangoy sa malawak na karagatan si Zenayda Butingting ang kakambal ng butanding!

“Makakawala ka rin sa sumpa Zenayda! Malapit na apo, malapit na.” Isang awit na nagmula sa karagatan. Awit na naghahangad ng isang kalayaan, awit na nakisabay sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Isang awit na nanawagan na sana marinig at maintindihan.

Itutuloy…

Ni Jovelyn Bayubay Revilla

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.