You Made Me Live Again ( Part 8: The Finale )

You Made me Live Again ( Photo Credit : Photobucket )
You Made me Live Again ( Photo Credit : Photobucket )

Pumunta si Miguel sa simbahan at nagdasal. Ipinagdasal niyang makita niya si Angela. Pumunta siya sa simbahan kung saan sila madalas nagsisimba ni Angela.

 Dininig ng Diyos ang dasal niya dahil sa loob ng simbahan, nakita niya si Angela kasama ang batang lalake. Tama si Alex. Kamukhang-kamukha niya ito. Nilapitan ni Miguel si Angela na gulat na gulat din. Pagkatapos ng anim na taon nagkita ulit ang dalawa. Tinitigan ni Miguel ang bata at laking gulat niyang tinawag itong Migs ni Angela.

 Humingi ng tawad si Miguel kay Angela. Sinabi niyang, “Mapapatawad mo pa ba ako? Sa harap ng Diyos, sa loob ng simbahang ito, Angela. Pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa yo. Patawarin mo ako. Alam kong nasaktan kita, I’m sorry, Angela.” Umiyak si Miguel sa loob ng simbahan.

Sinabi niyang,“Patawarin mo ako kung hindi ko natupad ang pangako ko sa ‘yo na pakakasalan kita sa simbahang ito, Angela.”

Tahimik lang si Angela at nang naramdaman niyang totoo lahat ng sinabi ng binata. Hinawakan niya ang kamay nito at sinabing, ”Pinapatawad na kita, Miguel. Masaya ako at nakita kang maayos na ang buhay kaya puwede ko nang maipagmalaki ka at matawag na ama ng anak natin. Si Miguel Jr.. Siya ang bunga ng pagmamahalan natin.”

 Tuwang-tuwa si Miguel at niyakap ang bata. Hinalikan ito at niyakap nang mahigpit. Masayang-masaya si Angela dahil alam niyang masaya si Miguel. Lumabas sila ng simbahan at dinala sila ni Miguel sa bagong condo nito at doon sila nag-usap. Sinabi na rin ni Angela na nag-asawa na ito. Dalawang taon na silang kasal at binanggit din ni Miguel na may girlfriend na ito. Umuwi lang si Angela sa Pinas para kunin ang mga papeles niya sa school.

Walang tigil ang paghingi ng tawad ng binata kay Angela at pasasalamat sa pagpapalaki nito sa kanilang anak. Naintindihan din niya kung bakit ito itinago ni Angela. Ang mahalaga, napatawad na siya at nakilala na niya ang anak nila.

Ilang araw na lang, uuwi na ang mag-ina sa Canada, kaya isinulit ni Miguel ang pamamasyal kasama ang anak. Pinakilala niya ito kay Alex at sa parents niya. Walang duda, anak niya talaga ang bata dahil kamukhang-kamukha niya ito. Sa pananabik niya sa anak hindi niya nagawang tumawag kay Ara o mag- text man lang. Hindi niya alam na nagtatampo na ito sa kanya kaya hindi na ito bumalik ng Maynila.

Ang hindi alam ni Ara, siya lang ang laman ng isip ni Miguel. Sinadya niyang huwag magparamdam para ma-miss ito ng dalaga at may naisip na itong plano sa pagbalik niya sa resort. Handa na itong mag-propose at pakasalan si Ara ngayong wala nang bumabagabag sa kanyang isipan. Nakita na niya ulit ang babaeng matagal niyang hinanap at mayroon pala silang anak na ikinagulat, pero ikinatuwa naman niya.

Dalawang linggo na nang umuwi si Ara. Magtatakip-silim na habang nakaupo ito sa malaking bato. Pikit matang pinagmamasdan ang palubog na araw, habang sinasariwa ang unang araw na nakita nito si Miguel sa dalampasigan.

 Nakangiting hindi mapigilan ang luha na umaagos sa kanyang mga mata nang may biglang yumakap sa kanya at nagsabi ng “Ara, I love you. Ikaw ang babaeng nagpabago sa akin at ikaw din ang nagpaligaya ng mga panahon na malungkot ako.”

Nakaluhod si Miguel na may hawak na singsing at nagsabi ng, “Will you marry me? Pag di ka nag Yes, itatapon ko itong singsing!” Biro niya.

“Yes Miguel. Magpapakasal tayo dahil mahal na mahal din kita.”

Niyakap ni Ara si Miguel nang mahigpit. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng lahat ng nakaraan nila ni Angela, siya ay paninindigan ni Miguel.

 Si Miguel ang unang boyfriend ni Ara kaya mahal na mahal niya ito nang todo, higit pa sa buhay niya.

 Napaluha si Ara, habang niyayakap si Miguel. Nagulat ito nang biglang may pumutok na mga fireworks iba’t ibang kulay. Pinagmamasdan nilang dalawa sa dalampasigan habang magkayakap.

“Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa ‘yo?”

 “Oo ang ganda Miguel, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.”

 Tumagal ng sampung minuto ang hinanda niyang fireworks. Malalim na ang gabi kaya’t para itong mga bituin sa langit at nagsilbing liwanag sa buong kapaligiran. Napakagandang pagmasdan.

 Naghalikan si Miguel at Ara. Nagpalitan sila ng matatamis na halik sa isa’t isa. Damang-dama nila ang init ng kanilang pagmamahalan. Saksi ang dagat sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Isang wagas na pag-ibig ang nabuo sa resort na dating binabalewa ni Miguel. Hindi niya sukat akalain na dito pala niya matatagpuan ang babaeng naging dahilan ng kanyang pagbabago at maitama ang maling nagawa sa unang babaeng kanyang minahal.

 Nang gabi ding yon ay nagkaroon ng salo-salo sa resort. Nagkasiyahan ang mga tao at kasama ni Miguel ang parents niya para mamanhikan na rin at hindi rin nawala ang barkada nitong sina Dan, Dino, at Alex.

Pagkatapos ng salo-salo ng gabing yun, masinsinang kinausap ni Mang Kanor si Miguel at sinabing,

“Sir Miguel, maipapangako mo ba sa akin na aalagaan mo at mamahalin ang anak kong si Ara?” Tanong nito sa binata.

 ”Opo, Mang Kanor, gagawin ko yun . Mahal na mahal ko ang anak n’yo,” sagot ni Miguel nang walang pag-aalinlangan.

Tinitigan siya ni Mang Kanor tila pinagmamasdan at pinag-aaralan ang kanyang kilos at galaw.

 Tinapat siya ni Mang Kanor, “Ah, Sir Miguel ,tatapatin na kita. Hindi mo ako masisisi kung ako’y makaramdam ng pag-aalinlangan. Hindi kasi lingid sa akin ang ginawa mo sa dati mong nobya ang iyong pananakit at panloloko.” Nagbago ang timpla ng mukha ni Miguel. Bigla itong namula at nakaramdam ng hiya sa sarili.

 “Mang Kanor, bata pa po ako nang mga panahong yun. Inaamin ko po, kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Nagkamali ako at matagal ko pong pinagbayaran ang lahat ng aking kasalanan.”

Inabot ni Mang kanor ang kanyang kamay at sinabing.” Mabuti kung ganun, Sir Miguel.”

Natuwa si Miguel sa narinig dahil ramdam niyang panatag na ang loob ni Mang Kanor at handa na itong ibigay ang kamay ng kanyang anak na si Ara.

“Ah Mang Kanor, pwede ko ba kayong tawaging Itay?” Biro nitong nakangiti.

“Oo naman, Sir Miguel.” Nagtawanan ang dalawa at natapos ang kanilang masinsinang pag-uusap. Sa wakas nasa ayos na ang lahat ng dapat ayusin.

 Nang sumunod na mga araw, naging busy ang mag nobya sa paghahanda para sa kanilang nalalapit na kasal. Napagkasunduan ng dalawa na magpapakasal ito sa Resort. Beach wedding. ang gusto ni Miguel at sinang-ayunan ito ni Ara. Excited na ang lahat sa kasalang ito. Tila wala nang makakapagpabago ng desisyon ng dalawa dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa.

”Sweetie, excited na ako sa kasal natin. Pinapangako ko na ako ang magiging pinaka-mabuting asawa at ama ng mga anak natin.”

Biglang niyakap ni Miguel si Ara at pinaghahalikan sa loob ng kanyang condo. Sinagot siya ni Ara ng halik at naghalikan ang dalawa.

 Sinabi ni Ara na, “Ano yun, sweetie? Mga anak? Mahirap kaya magbuntis. Bakit ilan ang gusto mo?”

 Tumatawa ang dalawa at kapwa kinikilig. Sa kanilang usapan, napaisip si Miguel at matagal itong sumagot sa tanong ni Ara dahil biglang sumagi sa isip niya ang anak nito kay Angela.

“Oh Miguel, bakit tagal mo sumagot? Hmmm isa lang ang gusto kong anak. Gusto ko babae.”

Sumagot si Miguel ng “Gusto ko ng maraming anak. Apat, dahil may panganay na ako. Dagdagan mo na lang ng tatlo. Hahaha.” Tawang-tawa ang binata sa sagot nito kay Ara.

 Tinitigan siya ng nobya at sinabing “Kumusta na anak mo? Bakit hindi mo ipinakilala sa akin?”

 “Eh, paano kasi nagmamadali na silang bumalik sa Canada. Gusto mo doon na tayo mag honeymoon?” Tanong ni Miguel kay Ara.

 “Huh!? Wag na, magastos doon, puwede namang dito na lang.”

 Nakangiti si Miguel at tinitigan si Ara ng malagkit niyang mga mata at sinabing “Dito na tayo sa condo mag-honeymoon, sweetie, ngayon na?! Hehehe.”

 Biglang namula si Ara sa narinig nito nasabi ng boyfriend.”Sweetie di ba nangako ka na walang mangyayari sa atin bago ng kasal? Maghintay ka na lang malapit na ang kasal natin eh,”  sagot ni Ara.

 Biglang kumunot ang noo ni Miguel sa narinig. Inakala ni Ara na masama ang loob nito sa kanya dahil sa mga pagkakataon na gusto ni Miguel na gawin nila ang bagay na yun, tumatanggi ito at siya ang kusang pumipigil sa boyfriend.

Sa mga oras na yun, binigay ni Ara ang kanyang sarili kay Miguel nang walang pag-aalilangan. Isang buwan na lang at ikakasal na sila, kaya bumigay na ang dalaga dahil gusto niyang mapaligaya ang boyfriend .Pinagsaluhan ng dalawa ang init at tamis ng kanilang pagmamahalan.Iito ang gabing matagal nang hinihintay ni Miguel at Ara nang mga oras na yun. Magkahalong kaba at ligaya ang naramdaman ni Ara. Si Miguel naman ay maligaya dahil alam niyang siya ang unang lalake na pinaglaanan ng pagka-babae ng girlfriend.

 Sa condo ni Miguel na nagpalipas ng gabi si Ara. Kinabukasan late nang nagising si Ara, mag aalas-diyes na nang gumising ito at pagkagising niya ay hinanap nito si Miguel. Dali-dali itong bumangon at lumabas ng kuwarto. Tinawag ang boyfriend.

“Miguel, sweetie, nasaan ka na?” Pumunta ito sa kitchen at nakita niyang naghahanda ng breakfast si Miguel.

 “Wow! Ang aga mo nagising, sweetie, para maghanda ng breakfast; ang sweet mo talaga.” Lumapit ito sa boyfriend at tinulungan niya.

 “No, sweetie. Huwag mo akong tulungan. Umupo ka lang at hayaan mong pagsilbihan kita.”

 Habang naghahanda si Miguel ng breakfast nila naisip na naman niya si Angela at sinabi niya sa sarili na “Ni minsan wala akong matandaan na pinagsilbihan ko si Angela. Siya ang laging nagsisilbi, nagluluto at lahat bakit ba hindi ko man lang naisip yun? I’m sorry Angela.” Mga salitang tumatakbo sa kanyang isipan habang tinititigan si Ara na nakangiti at tuwang-tuwa sa kanyang pagsisilbi.

 ”Sweetie, magmula ngayon ikaw ang reyna at ako ang alipin mo.” Biro ni Miguel.

 Kumain na ang dalawa at pinagsaluhan ang isang masayang almusal. Isa ito sa pinaka maligayang araw ng dalawa pagkatapos ng nangyari sa kanila nung nakaraang gabi.

 Pagkatapos ng isang buwan dumating na ang araw na pinakahihintay ng dalawa ito ang araw ng kanilang kasal sa resort. Sinang-ayunan ng langit ang kasal ng dalawa dahil maaliwalas ang panahon. Maging ang dagat ay tahimik. Itinakda ang kasal ng dalawa sabay sa paglubog ng araw.

 “Anak, ilang oras na lang ikakasal ka na. Iiwan mo na kami ng tatay mo.” Umiiyak si Ara ng makitang umiiyak si Aling Meding.

“ Nay, hindi kita iiwan. Ikaw naman, huwag kana umiyak, Nay.”

Lumapit si Mang Kanor at sinabing parang kailan lang at mag-aasawa na si Ara.

“Oo nga Kanor, sa susunod magiging Lolo at Lola na tayo nito.” Napatingin si Ara at ngumiti dahil naisip niya ang nangyari sa kanila ni Miguel.

”Nay talaga. Apo na agad. Hehehe.” Sagot nito.

Lumabas na sila at pumunta sa dalampasigan at doon naghihintay ang gwapong-gwapo na si Miguel. Habang naglalakad ito papunta sa binata, napaiyak si Miguel. Ganun din naman si Ara. Halos lahat kinikilig at mangiyak-ngiyak sa kasalang naganap.

 Sa wakas, kasal na ang dalawa. Si Maria Ara Mendez ay Mrs.Madrigal na. Ang lahat ng kanilang mga plano pagkatapos ng kasal ay ginawa ng dalawa.

Sa araw mismo ng kasal, ibinigay ng Daddy ni Miguel ang titulo ng resort at ipinangalan sa kanya. Pinaganda niya ito at pinangalanan ng Heaven Beach Resort.

 Isang linggo pagkatapos ng kasal , pumunta ang mag-asawa sa Canada at doon nag- honeymoon.

”Anak ,mag enjoy ka sa bakasyon mo.”

“Opo, Nay. Ibibili ko po kayo ng pasalubong kayo ni Tatay. Ano po ang gusto niyo? ”

“Kahit ano anak, ang mahalaga makauwi kayo dito ni Miguel nang ligtas at masaya. Nasasabik na kami ng Tatay mo na makita ang apo namin.”

”Hahaha. Nay, huwag ka mag-alala, darating din tayo diyan.”

 “O anak, anung oras ang flight n’yo bukas?”

 “Bukas ng gabi , 8 pm.”

 “Ganun ba anak? O sige, ibababa ko na itong cellphone nang makapaghanda ka na. Ikumusta mo na lamang ako kay Miguel.”

 “Opo, Inay, kumusta na rin diyan kay Itay. pakisabi sa kanya uuwi ako agad pagkatapos namin magbakasyon. Bye, Nay.”

 ”Bye, anak.”

 Natapos ang pag-uusap ng mag-ina sa telepono. Si Ara ay naghihintay sa asawa nito. Bukas na ang alis ng dalawa papuntang Canada. Mag-aalas-diyes na ng gabi nang umuwi si Miguel.

 ”Good evening, Sweetie. Sorry, I’m late. May ginawa pa kasi ako sa opisina. Kumain ka na ba?”

 “Hindi pa, sweetie, siyempre hinintay kita.”

 “Ang sweet talaga ng Sweetie ko, at hinintay pa ako. Tara, kumain na tayo. “
Masayang kumakain ang dalawa nang biglang nag-ring ang cellphone ni Miguel.

“Hello, Angela.” Tumawag si Angela kay Miguel dahil gusto nitong kumpirmahin kung tuloy ba ang pag-alis nila ni Ara.

“Hmmm, excuse me Sweetie. Tumawag si Angela.“ Tumango si Ara tanda ng pagbibigay niya ng pahintulot upang mag-usap ang dalawa. Halos naubos na rin nila ang pagkain ng dinner na kadalasang ginagawa ni Ara sa asawa sa tuwing late kung umuwi, kaya’t niligpit niya na lamang ang kanilang pinagkainan.

Si Miguel ay nasa sala at nakipag-usap kay Angela.

 “Yes, Angela. Aalis na kami tomorrow night. Kumusta na si Migs?”

 “Ah, wala siya dito. Sinama ng Mommy ko at Daddy ko. Namasyal sila.”

 “Kumusta na ka na? Pinaalam mo na ba sa Dad mo na pupunta kami diyan?” Saad nito kay Angela na natahimik sa tanong nito. Dahil ang totoo, may sama pa rin ng loob ang parents nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano nito sasabihin kay Miguel.

 “Ah, oo sinabi ko na sa kanila, pero..” Natigilan ito sa sagot niya, kaya si Miguel na lamang ang nagpatuloy ng isasagot nito.

 ”Pero what Angela? Galit sila sa akin?”

 “Huh? Ah, eh…Oo Miguel. Siguro naman naiintindihan mo kung bakit di ba?”

 “Yes, Angela. Naiintindihan ko naman yun. Huwag ka mag-alala. Hihingi ako ng tawad sa parents mo nang sa ganun, mapatawad na nila ako.”

 “Miguel, I’m so happy for you.” Mangiyak-ngiyak si Angela habang sinasabi ang mga salitang yun sa binata.

 “Ako din, Angela . Masaya din naman para sa ‘yo. Kumusta na kayo ng asawa mo ? Oh bakit wala pa kayong anak?”

 “Miguel, hindi na ako mabubuntis pa. Nahirapan ako manganak nang ipinanganak ko si Migs. Sabi ng Doktor, hindi na rin ako puwedeng manganak. Ilang beses na kasi akong nakunan dati.”

 Nalungkot si Miguel sa ibinalita ng dati nitong girlfriend. Parang hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nito. Magkahalong lungkot at sakit sa kadahilanang siya ang nagiging sanhi kung bakit nakukunan si Angela noon. Sa dami kasi ng sama ng loob na ibinigay nito at hindi rin niya na alagaan si Angela sa tuwing nagbubuntis ito, kaya madalas itong nakukunan.

 “Angela, I’m so sorry sa lahat-lahat. Sorry talaga.”

 “Miguel, Oo, napatawad na kita. Di ba pilit ko na ring kinalimutan ang lahat ng mga nangyari ? Ngayong may asawa ka na, alagaan mo at mahalin si Ara.”

“Yes , Angela. Gagawin ko yan. Teka anong sinasabi mong pilit na kinalimutan? Ibig bang sabihin nun naaalala mo ako? Hehehe .”

 “Hay naku, Mr. Yabang. Oo naman. Mahirap kang kalimutan.”

 “Hahaha. Hanggang ngayon, hindi mo talaga makalimutan ang tawag na yan huh!?”

 “Mr. Perfect na ako ngayon. Hehehe.”

 “Loko ka talaga. Ang yabang mo talaga, Miguel. Hindi kita makalilimutan. Kamukhang-kamukha mo kasi ang anak natin.”

 “Oo nga, Angela. Buti na lang kamukha ko at hindi ni Alex. Hehehe.” Pagbibiro nito kay Angela.

 “Miguel, naalala mo ang ring na binigay mo?”

 “ Bakit nasaan na yun?”

 “Nandito, nakatago pa.”

“Oh talaga? Itago mo na lang. Ibigay mo sa mapapangasawa ng anak natin.”

“Hahaha. Ikaw talaga. Ang tagal pa kaya nun.”

 “Oo nga no? “

 Masayang nag-uusap ang dating magkarelasyon. Tumagal ito ng halos kalahating oras.

 ”Angela, see you soon. Gabi na kasi dito. We better catch some sleep. Wait till we get there, okay?”

“Okey, Miguel ,Bye.”

Pagkatapos ng pag-uusap nila, pumasok si Miguel sa kwarto at kinausap si Ara.
”Oh, Sweetie. Tapos na kayong mag-usap? “

 “Yes, tapos na kaming mag-usap. Sinabi ko na hintayin ang pagdating natin, pero may problema.”

 “Huh ? Anong problema? Yung parents niya, masama pa rin ang loob sa akin.”

 “Huh ganun ba? Okay lang yan sweetie. Dapat harapin mo sila, alang-alang sa anak niyo. Mahirap kasi ang mabuhay nang may mga taong may sama ng loob sa yo.”

 ”Oo nga Sweetie. Ang sama-sama ko pala talaga noon. Ang dami kong nasaktan at nabigyan ng sama ng loob.”

 “Sweetie, okay lang yun. Kalimutan mo na ang lahat ng mga nangyari. Nandito ako para tulungan kang magbago.”

 “Ara, mabuti naman at kahit ang sama ko at wala akong kwentang tao, minahal mo pa rin ako at tinanggap ng buong buo.”

 “Sweetie, mahal kita. Na-love at first sight ako sa gwapo mong yan. Hindi na kita dapat pang pakawalan.”

“Hehehe. Ibig mong sabihin, minahal mo lang ako dahil gwapo ako? Kung pangit pala ako, hindi ka papatol?”

 “Hahaha hindi naman sa ganun Sweetie. Anong magagawa ko mahal talaga kita. Mahal na mahal.”

 Tinabihan ni Miguel ang nakahiga sa kama na asawa at sinuyo ito at pinaghahalikan. Nagtawanan ang dalawa. Animo’y mga love birds ito sa sobrang saya.

 ”Sweetie, matulog na tayo, late na.”

 “Bakit Sweetie? Ayaw mong gumawa ng baby ngayong gabi?”

 “Hahaha, ipagpatuloy na lang natin yan sa Canada.”

 “Huh? Ang tagal naman.”

 “Anong matagal ? Aalis na nga tayo bukas eh.”

 Hinalikan ni Ara si Miguel at niyakap. ” I love you, Sweetie. Good night. Inaantok na ako. Maligo ka na muna bago matulog.” Pang-aasar nito kay Miguel.

 ”Okay Sweetie, maliligo na ako at alam ko naman na amoy daing na ako, pero masarap pa rin. Hahaha.” Natulog na si Ara at si Miguel naman ay naligo. Pagkatapos niyang maligo, nagpatuyo ito ng buhok at tumabi sa asawa at natulog na rin.

 Kinabukasan maagang nagising ang mag-asawa at sabay itong nag-breakfast.
”Sweetie, Good morning. Mamaya aalis na tayo. I’m so excited and I’m sure we’re going to have fun in Canada.”

 ”Yes, Sweetie. Alam kong matutuwa ka at makikita mo na naman ang anak mo.”

 “Oo nga, Sweetie. Sabik na akong makita ang anak ko kay Angela.”

 “Eh tayo. Kailan kaya tayo magkaka-anak?”

 “Hmm, let’s wait and see. After ng honeymoon natin sa Canada, siguro makakabuo na tayo.”

 ”Sweetie, pag nagka-anak tayo, lalake gusto ko ipangalan natin, Miguel ulit.”
“Miguel na naman? Ang dami namang Miguel. Gusto mo ng Miguel the Second.”

 “No, hanggang Miguel the 12. Hahaha.”

 “Ganun? Gusto mo talaga ng maraming anak?”

 Masaya ang asawa sa kanilang pag-uusap. Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga ang dalawa at nag- check ng mga gamit na dadalhin nila sa kanilang pagbabakasyon.

 Maaga silang pumunta sa airport. Bago sumakay ang eroplano, tumawag si Miguel kay Mang Kanor.

 ”Hello, Tay Kanor. Aalis na kami ni Ara.”

 “Hello, Miguel. Oh, mag-ingat kayo huh.”

 “Opo, Tay.”

 Pinasa naman ni Mang Kano ang cell phone kay Aling Meding.
“Nay Meding, babalik kami kasama ang apo niyo. Hehehe. Oh nandito si Ara, kausapin niyo.”

 “Hello, Nay, aalis na kami. Kayo na ang bahala kay Tatay.”

 Sumakay na ang dalawa sa eroplano. Pagkatapos ng mahabang biyahe, nakarating na ito ng Ontario, Canada at nag check-in ito sa Sheraton on the Falls Hotel,  na malapit sa tanyag na Niagara Falls, na karaniwan na pinupuntahan ng mga Honeymooners.

 “Sweetie, ang lamig-lamig pala dito. Pero napakaganda ng lugar na ito.” Sabi ni Ara na naninibago sa sobrang lamig at namamangha sa ganda ng view.

 “Oo, nga. First time ko lang din pumunta dito. Parang mas malamig pa sa States.”

 Nag-enjoy ang dalawa sa pamamasyal nila sa mga pasyalan na malapit sa Hotel. Inuna muna nilang puntahan ang Niagara Falls.

 “Wow, napakaganda ng Falls na ito. Para akong si Lois Lane at ikaw naman si Superman.”

 “Ah, napanood mo rin pala yun? That’s one of my favorite movies. I’m glad that I found my Lois Lane.”

“And you are my Superman.”

Magkayakap sila habang pinagmamasdan nila ang Niagara Falls. Bahagya silang nahamugan ng Falls at masarap ang pakiramdam nila, relaxing and refreshing. They shared a sweet tender kiss and they seem to have found heaven on earth.

 Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi sa Hotel, tinawagan ni Miguel si Angela.

”Hello, Angela, dito kami naka-check-in sa “Sheraton on the Falls” Hotel. Alam ko malapit lang ang tinitirhan mo dito,kung gusto mo pumunta ka ditto. Isama mo ang anak natin na si Miguel.”

”Welcome to Canada, Miguel. Okay, pupunta kami bukas. Miguel Jr. and I are excited to see you. ”

“Okay, My wife and I are looking forward to seeing you and Miguel Jr.”

Pagkatapos kausapin ni Miguel si Angela. Sinabi niya kay Ara na magkikita sila bukas sa lobby ng hotel.

”Sweetie, magkikita kami ni Angela bukas. Isasama niya ang anak namin, ipapakilala na kita kay Angela.”

“I’m so glad Sweetie at makikita ko na rin sa wakas ang anak mo at si Angela.”

Kinabukasan, naghintay ang dalawa sa lobby ng hotel. 15 minutes late si Angela.

”Oh sweetie. Ang tagal nila. Sigurado ka bang darating yun ?”

“Oo, alam mo si Angela kapag sinabi niya, darating talaga yun.” Hindi alam ni Miguel na kaya natagalan si Angela dahil pinag-diskusyunan pa nila ito ng Daddy niya. Ayaw kasi ng Dad niya na makipagkita pa ito kay Miguel.

“Dad naman, pumayag ka na na makita ni Miguel si Migs.”

 “Angela, para ano pa? Nakita na niya ang anak mo sa Maynila.”

 “Dad, anak namin si Migs.”

 “Oo, anak niyo. Pero ikaw lang ang naghirap at nagpapakahirap na buhayin siya. Nakalimutan mo na ba ang mga nangyari?”

“Dad, baliktarin man natin ang mundo, si Miguel pa rin ang ama ni Migs. Sana maintindihan mo yun, Dad. Ama ka rin naman, di ba? I want Migs to have some bonding time with his biological father and besides, hindi alam ni Miguel na buntis ako nung umalis ako ng Pinas.”

“ Oo. Ama ako at mas may karapatan akong tawaging Ama kaysa sa Miguel na yun! Di ba sinasaktan ka nun?”

“Dad, please. Nagbabagong-buhay na ang tao, sana mapatawad mo na siya.”
Biglang lumabas ang Ina ni Angela at sumabat sa usapan.

”Payagan mo na ang anak mo. Huwag kana tumutol. Panahon na para makausap natin si Miguel. Patawarin na natin siya. Isipin mo na lang na walang Migs kung walang Miguel.”

Tila natauhan ang Daddy ni Angela sa narinig nito sa kanyang asawa. Tama din naman ang sinabi ng asawa niya, kaya pumayag na rin ito pagkatapos ng mahabang pagtatalo.

 ”Oh siya, sige. Ihanda mo ang kotse, Angela, at sasama kami ng M0mmy mo at makikita na rin namin ang ama ni Migs.”

Masaya si Angela at sa wakas ay gumaan na rin ang pakiramdam nito at sa wakas mapapatawad na rin ng ama nito si Miguel, ang ama ng kanyang anak. Minahal ni Angela si Miguel kaya sa kabila ng mahabang taon, nakuha nitong patawarin at kalimutan ang lahat.

Malayo ang tingin ni Miguel at naghihintay ito. Tanaw na tanaw niya sa labas ang isang kotse na kulay itim; si Angela ang nag-drive.

”Sweetie, diyan na si Angela.”

“Saan? “

“Ayan, pababa na sa itim na kotse.”

Nakita ni Ara si Angela napakaganda nito at mukha na ring foreigner sa tindig at itsura nito. Nagsabi si Ara na mauuna na ito na restaurant kung saan sila mag-didinner.

 “I’ll meet you guys there, okay Sweetie? I’ll give you some private time with Angela.” Sabi ni Ara.

“Ok, Sweetie,” sagot naman ni Miguel.

Bumaba si Angela sa kotse kasama ang anak nila. May Valet Service kaya di na niya problema ang i-park ito.

 Nilapitan sila ni Miguel at ibinulong ni Angela,
”Miguel kasama ko ang parents ko, gusto ka nilang makita.”

 Biglang nakaramdam ng kaba si Miguel at halatang kabado ito at namutla.

”Miguel, huwag ka matakot. Hindi ka nila kakainin.” Biro nito sa dating nobyo. Ramdam kasi ni Angela na kinakabahan ito. Sa tagal nilang magkasama noon, nababasa na rin ni Angela ang mukha ng dating nobyo.

Humalik si Miguel sa kanyang anak niya, sabay yakap. Naramdaman nito ang pananabik sa anak. Sumunod namang nakita ni Miguel ang parents ni Angela.

“Good evening, Sir, Ma’am.” Tinitigan siya ng ama ni Angela mula ulo hanggang paa nang biglang sinabi ni Angela sa Daddy nito na siya si Miguel.

 ”Ah ikaw pala si Miguel. Sa wakas nakilala na rin kita.”

Ako po ang ama ni Migs. Sir, sorry po sa lahat ng nagawa ko kay Angela at sa anak namin.” Mangiyak-ngiyak si Miguel habang nagsasalita ito.Tinapik siya sa balikat ng ama ni Angela.

 ”Huwag ka mabahala, Miguel, napatawad ka na namin. Wala nang dahilan para magkasamaan pa tayo ng loob.” Ngumiti ang parents ni Angela. Maging si Angela ay masaya sa nangyaring yun.

“Ah, nagpa-reserve po kami sa dinner sa Fallsview Restaurant sa loob po ng Hotel. Punta na po tayo dun. Nandun na po ang asawa ko. Let’s meet her there. Join us for dinner.”

Pumasok sila sa restaurant kung saan naroon si Ara.

 ”Hi, ikaw pala si Ara, ang asawa ni Miguel.”

Nakangiti si Ara at ipinakilala din siya ni Miguel sa anak nito. Si Migz naman ay tila inosenteng bata at walang alam sa mga pinag-uusapan nila bagama’t ipinanganak ito at lumaki na sa Canada, kaya hindi ito nakakaintindi ng tagalog.
Nag-dinner sila at masayang nag-uusap na wala nang sama ng loob sa panig ng isa’t isa. Pagkatapos ng dinner, umuwi na rin sina Angela, Migs at ang pamilya nito. Nangako si Miguel na ipapasyal nito ang anak, bago sila umuwi ng Pilipinas.

Isang linggo bago sila umuwi, hiniram ni Miguel ang anak nito kay Angela, at pinasyal nila ito ni Ara sa Fallsview Indoor Waterpark . Nag-enjoy ang mag-ama sa pag-swimming kasama si Ara. Sinama rin nila ito sa Niagara falls.

They finally made up for lost time.

It’s funny how time flies. Pagkatapos ng dalawang linggo, uuwi na ang mag-asawa. Natapos na rin ang masayang pagbabakasyon nila ng asawang si Ara. Hinatid ni Angela sina Miguel at Ara sa Airport kasama ang anak nilang si Migs.

”Bye, Angela. Tawagan mo lang ako kung anong kailangan mo para sa anak natin, magpapadala ako buwan-buwan.”

 “Miguel, hindi na kailangan. Okay naman kami ng anak mo.”

 “Kahit na, Angela. Anak ko si Migs at may responsibilidad ako sa kanya.”

 “Ikaw ang bahala, kung yan ang gusto mo.”

Yumakap ulit si Miguel sa anak niya at sinabi nitong magbabakasyon siya ulit at nang makita niya at makasama ito nang matagal sa susunod. Si Ara naman ay tahimik lang. Naiintindihan niya ang sitwasyon.

”Bye, Angela, we better get ready to board the plane. “

 ”Okay Ara. Mag-ingat kayo, Miguel. Ang pangako mo sa akin huh!?”

Nakatitig ito kay Miguel at pinapaalala ang pinangako nito na aalagaan at mamahalin si Ara at hindi niya sasaktan.

 ”Yes, Angela. Pangako ko. “

Kumakaway pa si Miguel habang pinagmamasdan ang anak nito na papalayo sa kanya.Lumipad na ang eroplano kung saan sila nakasakay.

Excited naman sina Mang Kanor at Aling Meding sa pag-uwi ng anak.

 ”Kanor, hindi naman didirietso sina Miguel at Ara dito. Malamang dadaan pa yun sa bahay nina Miguel.”

”Kahit na. Basta sabik na akong makita ang anak natin, Meding.”

 ”Oo, ako din naman. Sigurado akong tatawag si Ara pagdating na pagdating nila.”

“Ako naman, siguradong may pasalubong ako pagdating nila. Hahaha.”

“Hay, Kanor. Kaya ka pala nagmamadali at naghihintay. Excited ka sa pasalubong na imported.”
“Oo, naman Meding. Minsan lang tayo makakatikim ng imported.”

Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa kanilang pinag-uusapan. Pinaghahandaan na nila ang pag-uwi ni Ara at Miguel.

Kinabukasan, dumating na ang mag-asawa sa Pilipinas. Dumiretso sila sa bahay nila Miguel.

 “Ara , kumusta na ang honeymoon n’yo ni Miguel? At ang apo namin si Migs kumusta?”

“Ah,okay naman po. Nagkita na kami, Mom. Marami kaming videos at pictures ni Migs; bukas ipapakita ko sa yo.”

“ Pwede po bang magpahinga na muna kami ni Ara?” Sabi ni Miguel na pagod pa sa biyahe.

“O sige, magpahinga na kayo. Alam kong pagod kayo sa biyahe. You better rest first and regain your energy. ”

Nagpahinga na ang mag-asawa pagkatapos ng mahabang biyahe mula Canada.
Kinabukasan, pagkagising ni Ara, tinawagan nito si Aling Meding.

”Hello, Nay. Nandito na kami ni Miguel . Napakaganda sa Canada, nag-enjoy kami. Nandito na rin lahat ang mga pasalubong ko sa inyo ni Itay.”

“Salamat anak at dumating na kayo. Alam mo bang hinihintay na ng tatay mo ang pasalubong na yan?”

“Hahaha. Si Tatay talaga. Na-miss ko na kayo, nay, nasaan na si itay?”
“Wala dito, maagang umalis. Sumama kay Pareng Isko at Andoy. Pumalaot sila anak. Maganda kasi ang panahon. Mukhang maraming isda ngayon.”

“Huh Nay? Ang tanda na ni Tatay. Sana hindi niyo na pinayagan na pumalaot.”

 “Hay anak. Alam mo naman ang Itay mo, hindi mapigilan yun. Huwag ka mag-alala at sanay naman ang Tatay mo. May sa siokoy yun kung lumangoy.”

“Hahaha, nakakatawa ka talaga, Nay. Pag-uwi namin, ipagluto mo ako ng biko at masarap na tilapia. Na-miss ko na ang mga seafoods diyan sa atin.”

“Huwag kang mag-alala, ipaghahanda kita. Kailan ka ba uuwi dito, anak?”

“Mamaya pagising ni Miguel , Nay, itatanong ko kung kailan kami uuwi.”

”Nay, pakisabi na lang kay Tatay na tumawag ako.”

“Oh sige, anak. Mag-ingat ka diyan, sige, bye.”

Dahil maraming naiwan na trabaho si Miguel, naging busy ito uli. Natagalan ang pag-uwi nila sa Batangas. Umabot pa ng dalawang linggo.

Isang umaga, pagising ni Ara, pupunta na dapat ito sa kitchen para kumain, pero nakaramdam ito ng panghihilo, kaya tumabi ito sa asawa at humiga uli, imbes na kumain na ng agahan. Nauuna kasi siyang magising kay Miguel. Naramdaman ni Miguel ang paglapit ng asawa kaya nagising ito.

”Good morning, Sweetie.”

“Good morning Sweetie. Kailan pala tayo uuwi sa Batangas?”

“Bakit anong araw ba ngayon?” Tiningnan ni Ara ang cellphone nito at nakita niyang Tuesday na pala ang bilis ng araw na nagdaan.

”Sweetie, Tuesday na pala. Sa Sabado na lang tayo uuwi.”

 “Okay sweetie, nahihilo ako at nagugutom na. Kumain na tayo.Tara, kumain na tayo.”

Bumaba ang dalawa at kumain ito ng breakfast. Naduduwal si Ara sa inihandang corned beef with eggs ng kasambahay.

”Sweetie, bakit ang pangit ng lasa. Nasusuka ako!”

”Huh!?” Tinikman ni Miguel ang corned beef and eggs.

 “Hindi naman. Ang sarap nga eh. Di ba paborito mo naman ang corned beef with eggs?”

“Oo, pero ewan ko, nasusuka talaga ako. “

“Sweetie, di na ako kakain. I’ll just have a glass of milk.”

“Oh, bakit sabi mo nagugutom ka di ba? Uminom ka nga ng analgesic. “

Tumayo si Ara at hindi na nito makayanan ang pagkahilo. Pumunta ito sa kusina at nagsusuka. Tumayo na rin si Miguel at hinimas-himas ang likod ng asawa.

”Ano, masama ba talaga ang pakiramdam mo, Sweetie? Dadalhin na kita sa ospital. ”

“Oo, sweetie. Masama ang pakiramdam ko.” Tuloy ang pagsusuka ni Ara at si Miguel naman ay alalang- alala sa asawa nito. Tinawang niya ang kasambahay nila.

 ”Manang, nasaan si Mommy?”

“Sir, umalis na po. Kanina pa bakit po?”

”Eh si Ara kasi nagsusuka. Dadalhin ko sa ospital. Baka panis na yong corned beef at itlog na niluto mo?”

“’Sir, hindi po. Yun pa nga ang corned beef na dala n’yo galing Canada at bagong bili po ang itlog.”

“Ah ganun ba?”

“Sir, alam ko na kung bakit nagsusuka si Ma’am Ara, malamamang buntis na siya.”

“Huh? Ganun ba yun?” Lalong kinabahan si Miguel sa narinig mula sa kanilang kasambahay. Pumasok sa isip nito ang pagbubuntis ni Angela. Sa pagkakataong ito, ayaw niyang makunan ang asawa kaya ninanais niyang alagaan ito, kung sakaling totoo ngang buntis ito.

“Ah sweetie, halika, akyat na muna kita sa kuwarto at nang makapagpahinga ka.”

“Okay, sweetie. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Nahihilo ako.”

Ihiniga ni Miguel si Ara sa kama at hinayaan itong magpahinga. Nang makita niyang nakatulog na ito, tinawagan niya ang kaibigan niyang Doctor at pinapunta ito sa bahay nila at nang sa ganun ay ma-check si Ara.

 ”Sweetie, gumising ka; pinapunta ko dito ang friend kung Doctor para ma-check ka.”

 “Huh? Bakit mo pa pinapunta dito? Sana tayo na lang ang nagpunta sa ospital.”

“Huwag ka mag-alala, Sweetie, kaibigan ko naman siya. Gusto ko lang masiguro na okay ka. Nag-aala ako sa’yo baka mamaya kung ano na pala ang sakit mo. Hindi natin alam.”

Pumasok ang Doktor sa loob ng kuwarto at nag-check sa kundisyon ni Ara. May dala rin itong pregnancy test kit at sinabi kay Ara na kolektahin ang ihi nito sa toilet, para ma-check kung buntis ito.

Paglabas ng Doktor, kinamayan nito si Miguel.

”Congrats, Miguel, buntis na pala ang asawa mo. Bukas, dalhin mo siya sa ospital at nang ma-check siya nang husto.” Tuwang-tuwa si Miguel sa sinabi ng Doctor. Pag-alis ng Doctor, pumasok ito sa kuwarto at pinaghahalikan si Ara.

 ”Sweetie, magiging Tatay na ako, sa pangalawang pagkakataon. Magkakaanak na tayo!!”

 “Oo, sweetie. Masaya ako at buntis na ako, pero ang hirap pala magbuntis, sweetie.”

 ”Huwag kang mabahala. Aalagaan kita at ang baby natin. Excited na ako makita ang magiging anak natin. I love you, sweetie, and i love you, baby.”

 Hinimas ni Miguel ang tiyan ni Ara at pinaghahalikan ito. Daig pa niya ang tumama sa lotto nang mga sandaling yun.

 ”Sweetie, gusto kong umuwi na sa resort at doon na ako magbubuntis kasama si Inay at Itay.”

“Yes, sweetie. Doon tayo magpapatayo ng bahay at pagagandahin natin ang resort.”

“Sweetie, gusto kong kumain ng durian at manggang hilaw.”

“Okay, sabihin mo lang lahat ng gusto mo at ibibigay ko lahat sa yo, Sweetie.”

“Tawagan mo ang Nanay mo at ibalita mo.”
”Huwag na muna. Surprise, pag-uwi na lang natin. Baka himatayin ang dalawa sa sobrang tuwa, Sweetie.”

Sobrang saya ang dalawa sa nalaman nilang balita. Nang araw na yun si Miguel ay hindi mapakali at ibinalita agad ito sa parents niya, maging sa kuya at ate nito na nasa abroad. Isa-isa niyang tinawagan at higit sa lahat ibinalita niya rin sa malapit niyang kaibigan na si Alex.

”Pare, buntis na si Ara.”

“Oh talaga? Pareng Miguel, so kailangan nating mag celebrate.”

“Oo, Alex mag-celebrate tayo. Ibalita mo na rin kina Dan at Dino na magiging Tatay na ako uli.”

“Pare, ngayon lang kita narinig na ganyan katuwa. Ang saya mo, first time?” Biro ni Alex.

”Oo, first time. Wala naman kasi ako sa tabi ni Angela nang nanganak siya, di ba? Pero ngayon magsasama kami ni Ara sa hirap at ginhawa at aalagaan ko ang anak namin.”

Parang sirang plaka si Miguel at paulit-ulit nitong sinasabi kung gaano niya kamahal si Ara at ang magiging anak nila.

Dumating na ang araw ng Sabado. Umuwi na ang mag-asawa sa Resort.

”Nay, nandito na kami ni Miguel.” Niyakap ni Aling Meding si Ara.

”Anak na-miss ka namin ng tatay mo. Kayo ni Miguel.”

”Nay Meding, Tay Kanor, may surprise kami ni Ara sa inyo.”

“Ano yun Miguel? Ang mga imported na alak na pinabili ko? Hahaha.” Tawang-tawa ito sa pagbibiro niya kay Miguel.

“Maliban sa imported na pasalubong, Tay, magiging lolo na kayo. Buntis na si Ara.”

“Talaga anak? Buntis ka na?”

”Opo, Itay. Magkakaanak na kami ni Miguel.”

Walang humpay na kaligayahan ang naramdaman ng mga magulang ni Ara sa biyayang hatid ng kanilang pagbabalik.

Sinimulan na rin ang plano nilang pagpapaayos ng resort at sa pagpapatayo ng dream house nila ni Ara. Isang magandang bahay sa tabi ng dagat na tanaw na tanaw ang buong isla. Dito sila magsasama sa hirap at ginhawa at dito nila ititira ang kanilang magiging anak.

Pagkatapos ng tatlong taon, malaki na ang anak nina Miguel at Ara. Sa loob ng ilang taon ng kanilang pagsasama, ni minsan ay hindi sinaktan at binigyan ng sama ng loob ni Miguel ang asawa nito. Sa tulong na rin ni Mang Kanor at Aling Meding, napalago nila ang Heaven Beach Resort. Ito ang pinangalan ni Miguel dahil diumano’y dito niya natagpuan ang langit sa piling ng kanyang Anghel na si Ara.

Dinadayo ito ng mga turista sa ganda at linis ng resort. Patunay na naaalagaan ito nang husto at may pagmamahal sa kalikasan ang namamahala dito.

Malaki na ang pagbabago ng Resort . Hindi na ito tulad ng dati na walang kabuhay-buhay . Maihahalintulad ito sa dating buhay ni Miguel na masalimuot at puno ng lungkot pero ngayon, napakaganda na ng Resort. Napalilibutan ito ng malawak na hardin na punong-puno ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Mala-paraiso ang resort . Maraming landscape at naglagay na rin ng swimming pool si Miguel at function rooms. Malaki ang naitulong nito sa mga tao sa isla kung saan dito sila namamasukan.

At ang dating hilig ni Ara na namumulot ng iba’t ibang shells at bato ay ginawa nitong business. Gumagawa sila ng mga bracelet, necklace, earrings at mga baskets na gawa sa shells.

Mag-aalas-singko na ng hapon, nakaupo ang mag-asawa at masinsinang nag-uusap sa dalampasigan.

”Sweetie, malapit na ang summer. Sigurado akong marami na namang turista ang pupunta ditto. Marami na naman tayong aasikasuhin at malaki-laki na naman ang kikitain natin,”  wika ni Miguel kay Ara.

 ”Oo nga Miguel. Kapag maraming turista, maraming pera.”

Hawak kamay ang dalawa na pinagmamasdan ang anak nila na naglalaro sa tubig at namumulot ng mga shells.

”Sweetie, tingnan mo ang anak natin . Nagmana talaga sa ‘yo, namumulot din ng shells at mga bato.” Natatawang sabi ni Miguel sa asawa.

”Oo nga, Miguel at ang ganda-ganda pa ng anak natin.”

”Oo ang ganda. Kamukhang-kamukha mo, sweetie.”
“Oo nga pala, Sweetie. Tumawag sa akin si Angela. Balak daw nilang magbakasyon ni Migs dito sa susunod na buwan. Okay lang ba sa ‘yo kung dito muna sila tutuloy?”

“Okay lang, Miguel. Walang problema. Mabuti nga at magkakasama na kayo ulit ng anak mo kay Angela nang sa ganun ay makita na rin niya ang kapatid niya.”

 ”Thank you, Ara.”

“Thank you saan?”

“Thank you, sa lahat-lahat ng pag-unawa mo at pagintindi. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa yo. Sabi ko na nga ba ikaw ang hulog ng langit.”

“Sweetie, ikaw naman ang regalo ng dagat sa akin.”

“Huh, bakit sweetie? Mukha ba akong mandaragat?”

“Hehehe. Hindi yun ang ibig kong sabihin.”

“Eh ano Sweetie? ”

“Alam mo kasi dati, noong bata pa ako, lagi akong nakaupo dito sa dalampasigan, tuwing dapit hapon. Naglalaro ako ditong mag-isa. Madalas wala akong kasama kaya humiling ako sa dagat na sana darating ang araw bibigyan niya ako ng kasama. Tapos dumating ka sa buhay ko at ngayon kasama na kita kaya masayang-masaya ako at dumating ka sa buhay ko, Sweetie.”

”’Owsss, talaga?”

“Eh bakit galit ka sa akin nang unang kita mo sa akin dito dati?” Tanong ni Miguel sa asawa na may halong pang-aasar.

“Eh, Sweetie, nakakatakot ka kaya. Lasing ka, balbas sarado at binato mo pa ang bote. Buti na lang at ‘di ako natamaan.”

“Hahaha! Oo nga ano? Pero tingnan mo ang anak natin, nagmana din pala sa akin, Sweetie. Binabato niya rin ang mga napupulot niyang shells.”

Tiningnan ni Ara ang anak nila. Nakakatuwa itong pagmasdan habang naglalaro sa dalampasigan.

”Andrea Joyce, halika dito, Baby.”

Tinawag ni Ara ang anak nila. Lumapit ito agad at yumakap sa kanya at humalik na rin. Maging sa Daddy niya.

“Baby, tingnan mo ang sunset. Ang ganda, di ba?”

“Yes, Mommy. Ang ganda!”

“Ito din Mommy. Ang ganda ng nakita kung shells.”

Tila ipinagmayabang nito ang nakita niyang shells sa Ama at Ina nito.

“Oo nga, Andrea Joyce, ang ganda ng shells na yan.”

Magtatakip-silim na at kitang kita na ang paglubog ng araw nang biglang tumawag si Mang Kanor.

“Ara! Miguel! Pumasok na kayo nang makapagpahinga na ang Apo ko. Maya-maya lang ay kakain narin tayo ng hapunan.”

“Opo, Tay!” Sagot ni Miguel.

”Tara na, Sweetie, pumasok na tayo at tinatawag na tayo ni Itay.”

Tumayo si Miguel at napatitig sa isang malaking bato.

”Oh Sweetie, Tara na. Teka lang, sweetie.”

Lumapit ito at tinitigan ang nakasulat sa bato doon, nakaukit ang mga katagang “Ara, Miguel, 4ever.”

 Nakangiti si Miguel at tinitigan si Ara. ”Hmmm, bakit ngayon ko lang nakita ito dito?”

”Hehehe. Sweetie, ako ang may gawa niyan. Sinadya ko talagang isulat yan. Hindi kasi nakikita yan kapag high tide.”

Inukit ni Ara ang mga katagang yun, noong araw na umuwi si Miguel pabalik sa Maynila. Kahit hindi pa sigurado si Ara na si Miguel ang lalakeng gusto niyang makasama habambuhay.

”I love you, Sweetie.”

”I love you too, Miguel.”

Holding hands na naglalakad ang mag-asawa papasok ng bahay, habang karga-karga naman ni Miguel si Andrea Joyce. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Pagmamahalan na walang hanggan at ito ang nagpapatunay na bagay pala ang bato sa buhangin.

—Wakas—

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9