You Made Me Live Again ( Part 6 )

You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucket )
You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucke

Halos sirain na ni Miguel ang buhay niya ng mawala si Angela. Hinayaan niya ang sarili na malugmok at nabuhay ito sa bangungot ng nakaraan.

Isang araw umuwi ang kapatid niyang si Manuel galing States. Nagkaroon sila masinsinang pag-uusap.

“Miguel, ayusin mo ang buhay mo para sa kinabukasan mo. Siguro kailangan mong magpa-rehab.”

Kumunot ang noo ni Miguel at salubong ang kilay.

“Rehab? Hindi naman ako baliw ah! Hindi ko na kailangan yun!”

“Miguel, hindi porke’t magpapa-rehab ka, baliw ka na. Kailangan mo yon nang maliwanagan ang isip mo at magising ka sa katotohanan.”

 Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kapatid, napagtanto ni MIiguel na ganun na pala ka lala ang kanyang sitwasyon at kinailangan na niyang magpa-rehab. Pero ayaw niyang gawin ang sinabi ng kuya niya.

Tatlong taon na ang nakaraan mula ng mawala si Angela sa buhay niya. Nabalitaan niya rin na ang kaibigan na sina Dan at Dino ay na sa abroad na at may magandang trabaho. Si Alex naman ay ikakasal na, maayos ang buhay at siya ay napag-iiwanan ng barkada .Hindi siya nakapagtapos.

Pagkatapos ng mga sinabi ng Kuya Manuel ni Miguel,napagtanto nitong kailangan na niyang lisanin ang lugar kung saan sila nagsama ni Angela noon. Maging ang kotse na iniregalo niya kay Angela, naisipan nitong ibenta na. Dahil sa paniniwala niyang mas mabilis siyang makapag move-on at magsimula ng panibagong buhay kapag nawala na ang lahat ng mga alaala nilang dalawa.
Isang gabi sa condo, si Miguel ay pinagmamasdan ang bawat sulok ng condo. Lahat ng mga gamit. Ang sofa kung saan niya madalas nakikita si Angela na dinadatnan na nakatulog sa paghihintay sa kanya. Ang table kung saan si Angela ay naghahanda ng pagkain para sa kanya, maging ang kitchen kung saan siya ipinagluluto. Ang kama sa loob ng kwarto kung saan sila masayang magkayap at magkatabing natutulog noon. Nag-iba na ang itsura ng paligid pagkatapos ng tatlong taon na pagkawala ng girlfriend. Hindi niya na ito naalagaan. Ibang iba ito sa dating condo na malinis at alagang-alaga ni Angela.

 Alam ni Miguel na si Angela ay laking Canada. Pinalaki ng magulang nito na maayos ang pamumuhay. Hindi ito sanay sa hirap at gawaing bahay, pero ng magdesisyon itong sumama sa kanya at makipag live-in, lahat lahat ng mga gawain ay ginagawa niya para lang sa kanya.

Pinagsilbihan siya ni Angela. Ipinaglalaba, ipinagluluto. Halos lahat ng utos nito ay sinusunod ng dalaga. Taliwas ito sa ipinangako niyang paraiso,kaligayahan at karangyaan ng buhay na diumano’y ibibigay niya. Nang mga sandaling yun, aminado ang binata sa maling nagawa. Tila namulat ang kanyang mga mata na walang dapat sisihin kundi siya. Galit siya sa sarili niya at awang-awa sa girlfriend dahil sa kanyang mga kamay, natikman ni Angela ang pagmamalupit nito, ng dahil sa droga at alak. Hindi niya natupad ang ipinangako niya.

 Pikit matang umiiyak si Miguel at napahiga ito sa kama habang hawak hawak ang isang picture frame. Masayang litrato nilang dalawa ni Angela sa loob ng isang simbahan kung saan ikinasal ang pinsan ni Angela na si Jane. Doon din niya isinumpa na magpapakasal silang dalawa sa simbahan na yun pagdating ng panahon.

“I’m sorry, Angela. Naging mahina ako at nagpaka-tanga. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako nagpadala sa tukso ng droga, alam kong hanggang ngayon nandito ka pa sa tabi ko. Babe mahal pa rin kita.”

 Sinabi ni Miguel sa kanyang sarili. Masyadong dinamdam ni Miguel ang sakit at pangungulila ng mga oras na yun, umiiyak siya at walang ibang sinasambit kundi ang pangalan ni Angela.

Tumayo ito at naisipan niyang tawagan ang kaibigan na si Alex.

 ”Hello, Pare, kumusta na? ”

“Miguel, ayos lang. Tagal mong hindi nagparamdam ah. Ano, may problema ka ba?”

”Alex, may kilala ka ba na gustong bumili ng condo at kotse?”

“ Huh? Wala Pare. Pero pwede natin hanapan ng buyer yan. Bakit? Kaninong condo?”

“Etong condo unit ko naisip kung masyadong malaki ito para sa akin. Mag-isa lang naman ako dito kaya ibebenta ko na lang.”

“Wow, Pare . After ilang taon, bakit naisip mo na ibenta yan? Bakit wala kang balak mag-asawa?” Tanong ni Alex na tila nagbibiro ito sa kaibigan.

“Huh!? Pare, basta ibebenta ko na lang. Tapos yung kotse ni Angela. Mura lang. Luma na rin kasi. Minsan ko na lang nagagamit yun.”

“Okay, Pare. Tatawagan kita kapag mayroon ng gustong bumili. Eh ikaw? Saan ka na titira?”

“Ah bibili na lang ulit ako o babalik na lang sa bahay. Bahala na, Pare.”

Desidido na si Miguel na ibenta ang condo at ang kotse ni Angela. Isa ito sa mga hakbang niya, bago pumunta sa resort, para makapag isip ng mag-isa.

Kinabukasan, umuwi si Miguel ng bahay nila at kinausap ang Daddy nito.

“Dad, ibebenta ko na pala ang condo unit na bigay mo. Masyado na kasing

“Miguel, ang sabihin mo, masyado ka nang nahihirapan na tumira doon dahil sa dami ng masasaya at masamang alaala na nangyari doon.”

”Dad. bakit naman yan ang naisip mo?”

“Miguel, anak. Bakit ba hindi mo maamin diyan sa sarili mo na kasalanan mo ang lahat at kailangan mo na talagang magbagong buhay? Bakit hindi mo sundin ang sinabi ng Kuya Manuel mo na magpa- rehab?”

”Dad, okay, magpapa-rehab na ako. Darating ang panahon na makakaahon ako at babangon ako muli.”

”Sana nga, anak . Hangad ko ang pagbabago mo at sana sa susunod na magmahal ka, respetuhin mo at ipangako mo sa sarili mo na hinding hindi mo na sasaktan ang babaeng minamahal mo. Alam mo ba sa loob ng 35 years na pagsasama namin ng mommy mo, ni minsan hindi ko sinaktan ang mommy mo?”

Tahimik na nakikinig si Miguel sa kwento ng ama. Naisip din niya, na sana katulad din siya ng Dad nito na hindi na nanakit at nagkaroon ng mahabang relasyon sa piling ng kanyang Ina.

”’Ah ,Dad. Sana nga makatagpo pa ako ng babae na magmamahal sa akin.”

“Huwag kang mag-alala anak. Alam kong may darating pa, at kapag dumating ang araw na yun, huwag mo na siyang pakawalan pa. Ingatan mo ito at ituring mong biyaya.”

“Opo, Dad.”

Biglang lumapit ang Kuya nitong si Manuel. ”Miguel, tumawag si Samantha, ang ate mo. Baka gusto mo daw na doon na muna sa kanya sa Australia?”

“Ah ganun ba Kuya? Sige, pag-iisapan ko kapag naibenta ko na ang condo at kotse. Gusto ko munang pumunta sa resort. Matagal na akong hindi nakapunta doon. Kuya, baka gusto mo sumama?”

“Ikaw na lang, Miguel. May aasikasuhin pa ako sa opisina at naghahanda narin ako. Babalik na ako ng States.”

Natapos ang pag-uusap ng mag-ama nang biglang tumawag si Alex. Mayroon na daw gustong bumili ng condo at kotse. Binenta niya ito ng may malaking discount, kaya mabilis niya itong naibenta.

”Dad, Kuya, alis na ako. Tumawag kasi si Alex. May gustong bumili daw ng condo.”

“Okey Anak, mag-ingat ka,”Nagmamadaling umalis si Miguel at pumunta ito sa condo niya. Doon naghihintay ang buyer nito.”Pare, Miguel. Sila ang bibili.”

“Ah, halikayo, tingnan niyo ang loob.”
Pinapasok ni Miguel ,si Alex at ang mga bagong kasal na gustong bumili ng condo.

”Ah, ito po ang condo ko. Maganda ito. Bagay para sa inyong dalawa. Malamang dito na kayo makakabuo ng isang magandang pamilya.” Naka-ngiting biro ni Miguel.

Dahil sa magaling itong kumausap sa dalawa, binili nila ito agad pati ang kotse. Package deal.

“Okay, anytime, pwede na kayong lumipat dito.”

“Alex, yong kotse sa parking lot, okay na ba?”

 “Oo, Pare. Nakita na nila. Okey pa naman kaso may mga gasgas sa bandang kanan. Hindi mo ba napaayos yun? Tagal na nun di ba?” Natahimik si Miguel sa tanong ni Alex.

Naalala niya kasi na ang gasgas sa kotse ay kagagawan ni Angela nang minsang nag-drive ito. Hinanap siya magdamag at hindi siya nakauwi. Nagkaroon ito ng gasgas ng nasagi ni Angela ang basurahan sa tabi ng daan. Matagal na itong sinasabi ni Angela na ipaayos niya subalit lagi itong tumatanggi at lagi niyang sagot ay, “Next time na. Kung gusto mo ikaw na magdala sa shop.”

Nagtataka si Alex at natahimik ang kaibigan, “Miguel. Pare. Ano, ibebenta mo talaga condo at kotse? Pwede pa magbago ang isip mo. Baka ayaw mo.”

“Huh? Hindi Pare, may naalala lang ako.”

“Okay maglilipat lang ako ng mga gamit ko. Ang mga painting kasi dito kay Angela yan. Ililipat ko na lang sa bahay muna.”

Pagkatapos ng araw na yon naging busy si Miguel sa pagliligpit at paglipat ng iba niyang gamit kasabay na rin nito ang paghahanap niya ng bagong condo na malapit sa company nila. Naisip niya kasi na magtatrabaho ito sa company nila, kung sakaling maayos na ang lahat at magkaroon ito ng lakas ng loob na magsimula ng panibagong buhay.

 “’Dad, naibenta ko na ang condo. Kumuha ako ng maliit na condo malapit sa company. Yun ang pinambili ko. Gusto mo ibabalik ko ang sobra?” Biro ni Miguel sa Ama. Tumatawa ito at nakita itong nakangiti sa kanya.

”Huwag na Miguel, sa yo na lang yan. Basta huwag mo ubusin sa pag-iinom, baka naman magpapa-inom ka na naman at hindi mo mamalayan wala ka nang pera. Isipin mo na may mga barkadang opportunista. Nariyan lamang kapag meron ka kapag wala kana basta ka na lamang iiwan.”

Mga pangaral ng ama sa anak. Tila naliwanagan ang isip nito at umaliwalas ang kanyang itsura sa mga payo ng ama.

”Yes, Dad. Tama lahat ng sinasabi mo. Talagang totoo ang lahat ng yan”

 Nagpa-rehab si Miguel ng isang taon. Tinanggap niya sa sarili niya na kailangan niyang magbago para sa kabutihan niya at para sa ikabubuti na rin ng mga mahal niya sa buhay. Nag-enroll din siya sa Anger Management class. Desidido siyang magbago at makapagsimula ng panibagong buhay. Tanggap niya  na walang mabuting maidudulot ang droga at ang pagsama sa mga maling barkada.

 Pagkatapos niyang matapos ang drug rehabilitation niya, naisip ni Miguel na magbakasyon sa tahimik na lugar. Naisip niyang pununta sa private resort nila sa Batangas.

 Nagpaalam na si Miguel sa ama at pinaghahandaan nito ang pagpunta sa Resort.
Tumawag ito sa Mommy niya na kasalukuyang nasa opisina ng mga oras na iyon.

 “Hello, Mom. Kumusta ka na?”

 “Okay lang ako Miguel . Bakit may kailangan ka bakit napatawag ka? Himala!”

“Mom, wala naman. Magpapaalam lang ako sa yo. Pupunta ako ng resort bukas. Doon na muna ako. Baka gusto mo sumama?”

“ Masyadong busy dito sa opisina, ikaw nalang ikumusta mo na lang ako kay Mang Kanor at Aling Meding. Anak, tingnan mo na rin ang sitwasyon ng resthouse dun at nang sa ganun, maipaayos na kung kinakailangan.”

“Okay, Mom. Sige balitaan ko na lang kayo pagbalik ko.”

 Pagkatapos nilang mag-usap niyaya nito si Alex na mag-inuman sila. Pumunta siya sa bahay ni Alex at doon sila nag-usap at masayang nag-iinuman.Napag-usapan nila ang nakaraan. Ang mga kasiyahan nilang magbabarkada.

 “Pare, nakakamiss naman ang barkada. Wala na sina Dan at Dino. Akalain mo ang dalawang pasaway na yun ay nauna pang nag-asawa.”

“Oo nga Miguel at ikaw naman itong naunang makipag live-in, wala pang asawa hanggang ngayon.”

“Oo nga Alex, bilog ang mundo at naiba na ang ikot nito.”
Pinayuhan ni Alex si Miguel na huwag na itong makipagkita pa kay Kurt.

 “Pare, iwasan mo na ang taong yun. Walang pagbabago sa buhay mo hanggat didikit ka sa kanya. Anu, Pare? Habang buhay ka na lang ba ganyan?”

“Tama ka Alex. umiiwas na rin ako sa kanya. Gusto ko nang magbagong-buhay. Salamat Pare at kahit kailan hindi mo ako iniwan.”

“Oh pare, Cheers! Bago pa tayo mag-iyakan, ubusin na natin ito at nang maka-uwi ka na rin. Di ba aalis ka bukas? Magbabakasyon ka kamo sa resort niyo?”

“Oo, Pare, matagal na akong hindi nakapunta doon. Napabayaan na ang resort. Sayang nga eh.”

“ Pare, bakit hindi mo pagandahin at ng mapagkakitaan?”

Umuwi na si Miguel at habang nagmamaneho ito, naisip din niya ang nasabi ni Alex. Ang lahat ng mga payo sa kanya ay unti-unti na niyang ipinapasok sa kanyang kokote. Samantalang dati, hindi ito makausap ng matino pero ngayon, unti-unti na siyang nagbabago.

Nakarating na si Miguel sa resort nila sa Batangas. At doon siya umiinom sa dalampasigan. Kausap ang sarili sa dagat at nagsisigaw.

“Angela! Nasaan ka? Bakit mo ako iniwan?!”

Parang sira -ulo ang binata bigla itong tatawa at pumapatak ang luha sa kanyang mata sabay bato ng bote ng beer ng biglang may sumigaw.

“Oh my God, ang bastos mo naman, lasenggo!” Sabi ng isang napadaan na babae.

 Nakagawian na ni Ara ang mamulot ng shells at iba’t ibang klase ng bato tuwing hapon. Si Ara ay ang nag-iisang anak ni Mang Kanor. 20 years old lang ang dalaga. Maganda ,maputi at maganda ang hubog ng katawan.

Biglang pumasok sa isip ni Miguel ang pagiging mataray ni Angela. Naalala niya ito. Titig na titig siya kay Ara at sinabihan ito ng,
“Sorry, hindi ko alam na dadaan ka. Di ka naman natamaan eh.”

“Hindi mo ba ako nakikita, eh ang laki-laki ko?”

Mataray na sagot ni Ara. Bigla itong umalis at umuwi ng bahay. Habang papalayo siya, nagsisigaw ang binata.

“ Miss Beautiful, samahan mo ako uminom!”

“Uminom kang mag-isa!” Pabulong na sagot ni Ara.

 Si Ara na anak ni Mang Kanor ang maghahatid ng almusal kay Miguel kinabukasan.

“Ara, anak, ihatid mo na muna ang almusal ni Sir Miguel.”

“Huh? Nandito ba si Sir Miguel, Tay?”

“Oo, anak. Hindi ko pala nasabi sa yo kahapon, ikaw na muna mag-asikaso sa kanya at pupunta kami ng nanay mo sa bayan mamimili ng makakain ni Miguel.”

Napaisip si Ara sa lalaking nakita nito kahapon, hindi kaya si Sir Miguel yun?

Matagal na panahon ng nakalipas ng huli silang magkita. 11 years old lang siya noon. Hindi niya na rin halos matandaan ang itsura nito.

Hinatid ni Ara ang almusal nitong inihaw na tilapia, kanin at kape. Bagama’t mayaman, hindi ito mapili sa pagkain. Paborito ni Miguel ang tilapia.

Papunta si Ara sa kubo nang makita niyang naghihintay ang binata. Nakasuot ito sando na puti. Matipuno at mamula-mula ang pisngi, Nag-yoyosi ito at balbas sarado. Mabilis ang pintig ng kanyang puso dahil naalala niyang ito ang binatang tinarayan niya sa dalampasigan kahapon. Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang almusal.

Nakangiting pinagmasdan siya ni Miguel.

“Hi Ara, dalaga ka na pala. Hindi kita nakilala. Ang laki mo na. Hindi mo ako kilala?

“Ah, Sir Miguel.” Sagot nito na parang namumula sa kaba at hiya sa ginawa nitong pambabastos nung nakaraan.

“Huwag mo akong tawaging Sir. Pwedeng Miguel na lang. Samahan mo ako sa pagkain ng makapag-usap naman tayo.”

Nahihiya si Ara pero mapilit si Miguel kaya sinabayan niya ito sa pagkain.
Gumaan ang pakiramdam ng binata sa pakikipag usap kay Ara. Maghapon silang magkasama.

Nakalimutan na rin nitong mag-yosi at uminom ng alak sa unang pagkakataon. Naaliw siya sa dalaga. Ang magandang ngiti at malutong na tawa ng dalaga ay nakakabighani para bang anghel ito na siyang nagpapasaya kay Miguel.

Kinabukasan, nag-aya si Miguel na mamasyal sa dagat kasama si Ara. Sa araw-araw na magkasama ang dalawa, gumaan ang pakiramdam ng binata. Hindi niya alam na si Ara pala ay ganun din.

Huling gabi na ni Miguel sa resort. Pagkatapos ng dalawang linggo nitong pamamalagi doon, magkasamang naghapunan sina Miguel, Ara , Mang Kanor at Aling Meding.

( Itutuloy )

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.