You Made Me Live Again ( Part 3 )

You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucket )

 

You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucket )

Sinabi niyang,“Miguel, nandito kami, kumakain. Mukhang matamlay si Angela. Pare, na-miss ka. “

Nakangiti si Miguel habang binabasa ang text ni Alex.

Lalo itong natuwa nang ma-receive ang text ni Angela.

“ Hi, Yabang ! May sakit ka daw? Get well soon.”

Naramdaman ni Miguel ang pag-alala ni Angela kaya nag-reply ito ng…

“Thank you, my Princess! I miss you!”

Habang binabasa ni Angela ang text, nakangiti ito. Tinanong siya ni Karen at ni Alex,

”Hoy, Angela! Bakit ka naka-ngiti dyan?,” tanong ni Karen.

“’Huh? Hmmm, wala, may naalala lang ako.”

“Sino? Si Miguel?,“ Walang pag-alinlangan na tanong ni Alex.

Sinagot niya ng, “Hmmm, oo na nga. Si Mr. Yabang! Nakakamiss din pala ang lokong yun!”

Nakangiti si Alex sa sinabi ni Angela. Tila kinikilig ito at ramdam na may gusto na rin ito sa kaibigan.

“Ah Alex. Totoo bang walang girlfriend si Miguel?”

“Oo Angela! Walang girlfriend yun!”

“ Talaga? Eh sino ang mga babaeng lumalapit sa kanya at lumalandi?” Tanong ni Angela habang tumatawa.

”Angela, may mga crush sa kanya. Gaya ni Karen. “

“ Huh? Hoy, inaamin ko crush ko nga si Miguel, pero mas crush kita Alex,” pabirong sagot ni Karen.

Ang laki ng ngiti ni Alex. Si Karen kasi ang ex-girlfriend niya noong high school at parehas na silang walang karelasyon ngayon, kaya natuwa ito sa narinig.

“Hmm, Alex! Kung iniisip mo na makikipag balikan ako sa yo, nagkakamali ka! Hahaha.”

”Ah, may relasyon pala kayo dati. Kaya pala ang sweet n’yo,” sabi ni Angela.

Biglang sinabi ni Alex na “Eh, kayo sweet din ni Miguel, bakit wala pa kayong relasyon? Hahaha!”

“ Ikaw talaga, Alex! Paano kasi palabiro yang Miguel, paano ako maniniwala sa sinasabi niya, at tsaka hindi naman nanliligaw yun. “

”Ah ganun ba? Eh paano kung ligawan ka? Sasagutin mo?’

Walang nasagot si Angela sa tanong ni Alex. Natahimik lamang ito dahil sa totoo, nang mga oras na yun, pinanabikan niya si Míguel at gusto na nitong makita . Lumabas sila ng canteen na walang laman ang isip ni Angela kundi si Miguel. Pagkatapos ng klase, nag-aabang ng taxi si Angela sa labas nang dumaan si Alex at sinabing,“Angela, sumakay ka na dito. Ihahatid kita.”

“Huh? Huwag na, mag ta-taxi na lang ako.”

“ Sige na, sumakay ka na. Utos ni Miguel na ihatid kita eh.”

“ Oh talaga?”

“Oo. Yan ang utos niya. Ayaw niyang mahirapan ka. Ganun ka kamahal ni Miguel.”

Napangiti si Angela at sumakay ito sa sasakyan ni Alex. Naisip niya, ang sweet naman ni Miguel. Kahit absent ibinilin pa siya sa kaibigan na si Alex. Magmula kasi nang nagkakilala ang dalawa, hinahatid na ni Miguel si Angela. Sa unang pagkakataon, absent ito at nakakapanibago.

Sumakay siya sa kotse ni Alex. Habang binabaybay nila ang daan, biglang isiningit ni Alex na puntahan nila si Miguel.

“Angela kung gusto mo, punta tayo sa bahay nila nang mabisita natin siya.”

Pumayag na rin si Angela at sinabi niyang, “Ok, sige puntahan natin si Miguel.”

(Sorry for the skipped schedule.  Nagmintis po ang auto-scheduling)

Part 4:  http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/12/you-made-me-live-again-part-4/

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.