You Made Me Live Again ( Part 1 )

You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucket
You Made Me Live Again ( Photo Credit : Photobucket

Lunes ng umaga, nagmamadaling pumasok si Miguel. Ito kasi ang unang araw ng klase. Isa siyang 2nd year Business Management student sa isang sikat na Universit, paaralan ng mga mayayaman at nakakaangat sa buhay.

Si Miguel Madrigal ay 20 years old, bunsong anak ni Ferdinand Madrigal at Maria Cecilia Madrigal.

Marami silang mga negosyo at ari-arian. Kasama na dito ang Resort na hindi na napagtuunan ng pansin, kaya ipinamahala na lamang ito kay Mang Kanor at Aling Meding, ang dating yaya ni Miguel.

Habang nag-aalmusal, tuwang-tuwa ang mag-asawa at nakita nila ang anak na si Miguel na maagang nagising. Mukhang ganado ito sa pagpasok sa eskwelahan.

“Miguel, anak,  mukhang masaya ang gising natin,” sabi ni Don Miguel.

“Yes, Dad. Alam n’yo na, first day of school. Dapat hindi ako ma-late. I’m sure maraming magagandang babae doon.”

“Ikaw talaga, Miguel, kahit kailan hindi ka nagbago. Ang pag-aaral mo ang atupagin mo, hindi ang mga babae na yan ng sa ganun, ikaw na ang magpapatakbo ng mga negosyo natin,” sabi ng kanyang Ina na may halong lambing at pagmamalasakit.

“Mom, ang aga-aga, sinesermonan n’yo na ako. Huwag kang mag-alala, magtatapos ako at gagawin ko lahat yan. Ok, aalis na ako,” sabay halik sa mommy niya.

Si Miguel ay isang chickboy. Ilang beses nang nagpapalit ng girlfriend. Maraming barkada, anak ng mayayaman. Kaya walang babaeng tumatagal sa kanya ay sa dahilan na may pagkamayabang ito at presko. Siya ay guwapo at matipuno ang katawan. Lapitin ito ng babae. Tingin pa lang niya, nakaka- in-love na.

“Hello, Pare, papunta na ako ng school magkita tayo mamaya.” Tinawagan si Miguel ng kaibigan na si Alex.

“Ok, Pare. Ang aga mo, halatang manghuhunting ka na naman ng mga bagong estudyante na papasok.”

“Hahaha, ikaw talaga, Alex, excited akong pumasok. Na-miss ko na ang school at ang barkada.”

Si Miguel, Alan, Dan at Dino ay magbabarkada noon pang elementary. Lahat sila ay Business Management ang course. Magkasundo ang apat at parehas na happy go lucky. Panay ang gimik at good time nila tuwing weekend. Trip nilang mamasyal at mang-biktima ng mga babae. Hindi sila seryoso sa buhay. Nasa parking lot si Miguel, sakay ng kanyang magarang kotse na kulay red. Halos lahat ng gusto ni Miguel ay binibigay ng parents niya. Lumaki itong spoiled at may pagka-pilyo. Marami itong bagsak noong high school dahil hindi ito seryoso sa pag-aaral. Nagpabaya siya, pero siya ay matalino. Pababa na si Miguel ng kotse nang binuksan niya ang pinto.

Biglang sumigaw ang isang magandang babae, sexy at bago sa paningin ng binata. Sakto kasing pagbukas niya ay dumaan ito.

“Shit!! Ang yabang mo! Di mo ba nakita na dadaan ako? Basta mo na lang binuksan yang pinto ng kotse mo?”   sumisigaw na sabi ng babae.

“Ikaw ang tatanga- tanga. Ikaw ang hindi tumitingin,”  pasigaw din na sagot ni Miguel. Napatingin si Miguel sa babae habang yumuyuko ito at pinupulot ang nahulog nitong mga gamit.

“Sino kaya ang babae na ito? Maganda at sexy, kaso mataray,” sabi niya sa sarili. Para siyang nakakita ng babaeng mukhang anghel, pero ubod naman ang katarayan. Biglang umalis ang nagmamadaling babae, salubong ang kilay at ang sama ng tingin kay Miguel.

“Miss! Maganda ka sana kung di ka mataray!” Pahabol na sabi niya sa dilag. Hindi na siya nilingon ng babae. Paalis na si Miguel nang bigla niyang nakita ang cellphone na malapit sa gulong ng kotse niya. Pinulot niya ito at nakita niyang pagmamay-ari ito ng babae. Napangiti si Miguel at sinabi niyang,

“Lagot kang babae ka. Taray mo. Kung hindi ko kaya isauli ang cellphone mo?” sabi niya sa kanyang sarili na parang nakaisa sa babae.

Nagkita-kita na ang magbabarkadang Miguel, Alex, Dan at Dino sa canteen kung saan sila madalas tumambay.

“Kumusta na, Pare? Dahil first day ngayon, si Miguel ang manlilibre,” sabi ni Dino na mahilig mangantiyaw.

“Dahil first day, busy si Miguel sa kakahanap ng mabiktima! Hahaha!” Sabi naman ni Dan, na may pagka-komedyante.

“Hay naku! Sige, mag-order lang kayo. Sagot ko lahat.” Sabi ni Miguel sa mga kaibigan.

“Pareng Dan, wala akong nabiktima. Ako ang nabiktima ng mataray na babae. Biruin n’yo sinigawan ako,”  sabi ni Miguel na parang nagsusumbong sa mga kaibigan.

“Sino yun?” tanong ni Alex na curious na curious.

“Hindi ko kilala, pero ito yong cellphone niya. Napulot ko,” natatawang sabi ni Miguel.

“Natingnan mo na ba ang mga pictures diyan? Maganda ba?” pilyong sabi ni Dino.

“Hindi ko binuksan, pero isasauli ko ito sa kanya pag nakita ko siya,” sabi ni Miguel.

“Anong itsura ng babae? Maganda ba? Pag nakilala mo pakilala mo naman ako nang maligawan ko,”  pabirong sabi ni Dan.

“Dan, di ka magugustuhan nun. Mataray at hindi pumapatol sa pangit yon!” Nakangiting biro nito sa kaibigan.

Pagkatapos nilang kumain, umalis na ang magbabarkada papunta sa room nila. Laking gulat ni Miguel. Ang babae na tinarayan siya at may-ari ng cell phone ay kaklase pala nila.

“Alex, nakikita mo ang magandang babae na yan? pabulong na sabi ni Miguel sa kaibigan.

“Saan?”  tanong ni Alex na pamasid-masid.

“Yang nakasuot ng kulay black na damit, reddish brown ang buhok at kamukha ni Angel Locsin.”

“Oo nga noh? Ang ganda! Bagong estudyante yan. Ano kaya ang pangalan niya?”

“Pare, siya ang mataray na babae na sinasabi ko sa yo,” excited na sabi ni Miguel.

“Siya ba yan? Lapitan mo at tabihan mo na, Pare,” sabi ni Alex kay Miguel na pinagmamadali ang kaibigan.

“Huwag na! Ang taray niyan baka masigawan pa ako.” Biglang lumingon ang babae, kunot noo ito, salubong ang kilay nang makita si Miguel. Halatang bad trip ito sa binata.

“Oh pare, bakit ka dinadaga? Nakakapanibago ka naman, takot ka pala sa mataray. Lapitan mo at isauli ang cell phone niya,”  sabi ni Alex na nagbibigay ng lakas loob kay Miguel.

“Huwag na. Mamaya na lang, paglabas natin. Sigurado akong matataranta yan pag nalaman na wala na ang cell phone niya.”

Sinadya ni Miguel na ‘di na muna ibigay ang cell phone ng dalaga para makaganti siya kahit paano sa pagtataray nito sa kanya. Nang lumabas na sila ng room, naunang umalis ang mga kaibigan niyang si Alex, Dan at Dino. Nagmamadali ang mga ito; diumano’y may pupuntahan pa.

“O, Miguel, tawagan mo ako mamaya, pag nakilala mo na kung sino si Ms Taray, hehehe,”  sabi ni Alex.

“Ok sige, wag kang mag-alala, ikaw ang una kong tatawagan,” sabi ni Miguel na hindi mapakali sa mga sandaling yun.

Pagkatapos ng klase, dali-dali lumabas ang babae. Sinundan siya ni Miguel. Sa bilis nitong maglakad hindi sila nagpang-abot at bigla itong nawala.

“Nasaan na kaya yun? Ang bilis maglakad. May sa pusa pala ang babae na yon kaya siguro si Garfield ang screen saver niya.” Napangiti ito habang kausap ang sarili.

Gustuhin man niyang isauli ang cell phone, di niya naman ito maibalik sa dalaga dahil ang bilis nitong nawala. Kaya umuwi na lamang si Miguel sa kanyang bahay. Lingid sa kaalaman ni Miguel, ang dalaga pala ay naghahanap ng cell phone niya sa parking lot kung saan nahulog ang mga dala nito kaninang umaga.

“Oh shit! Bad trip talaga ang lalake na yun. Kainis! Kaklase ko pa pala ang loko na yun. Malamang nandito lang phone ko. Nahulog ang mga gamit ko dito kanina. Bakit ba ‘di ko napansin yun?’   sabi ng dalaga sa kanyang sarili na abala sa paghahanap ng kanyang nawawalang cell phone. Palakad-lakad ito at nakatingin sa baba, nang biglang lumapit ang janitor at nagtanong.

“Miss , may hinahanap ba kayo?”

“Opo, Manong, yung phone ko, nahulog dito kaninang umaga, kasi may naka-park na kotse dito, kulay pula. Bigla kasing nagbukas ng pinto ang mayabang na yun. Natamaan ako at nahulog ang mga gamit ko.”

“Ah Miss, si Sir Miguel Madrigal po yata ang tinutukoy niyo. Hindi po yun mayabang, mabait yon. Mukhang mayabang lang.”

“Ah Miguel pala pangalan nun,” sabi ng dalaga. Mabait pala yun? Maginoo pero medyo mayabang. Pero in fairness, guwapo naman.” Biglang napangiti ang dalaga.

“Opo, siya ang may-ari ng pulang kotse na naka park dito. Malamang nasa kanya phone mo.”

“Ganun ba, ok, sige, salamat na lang, Manong. Hahanapin ko na lang uli ang lalaking yun, siguradong makikita ko yun ulit.”

Umalis si Angela at umuwi na ng bahay. Nasa isip niya pa rin ang nawawala niyang cellphone.  Biglang sumagip sa isip niya ang binata na si Miguel at nasabi niya sa sarili na,

“Ang tanga-tanga mo talaga, Angela. Kaya ka siguro sinusundan ng lalake na yun kanina, para isauli ang cell phone mo. Bakit ka pa kasi umiwas?”

Si Angela ay galing din sa mayamang pamilya. Nasa Canada ang parents nito. Doon din siya galing. Naisipan lang niyang bumalik ng Pinas para dito na mag-aral. Kaka-break lang nila ng boyfriend niya. Labis itong nasaktan dahil si Angela ay seryoso pagdating sa pag-ibig.

Pag-uwi ng bahay, tinanong siya ng pinsan na si Jane kung bakit ito mukhang malungkot.

“Oh pinsan, bakit ang lungkot mo?”

“Eh, nawala kasi phone ko, Jane.”

“Ganon ba insan? Baka na-snatch.”

“Hindi, may kumuha. Di lang isinauli agad. Nakakainis, baka tiningnan nun ang mga pictures ko.”

“Bakit hindi niya isinauli sa yo? Di kita ma-gets, pinsan.”

“Basta mahabang kuwento. Mamaya ko na lang ipaliliwanag. Bilis, pinsan! Pahiramin mo ako ng cell phone mo nang matawagan ko number ko at makausap ko na ang tao na yun.”

“Ok, sige, oh, eto na cell phone ko, tawagan mo na, load mo na lang uli ako mamaya, ah.” Natatawang sabi ni Jane.

Nasa loob ng kuwarto si Miguel. Hawak-hawak nito ang cell phone ni Angela. Pikit mata at inaalala ang katarayan ng dalaga kaninang umaga. Hindi mawala sa isip niya ang mukha ng dalaga. Parang nakaramdam ito ng kakaiba. Na love at first sight ang binata kay Angela. Biglang nag-ring ang cell phone na hawak niya. Nagulat ang binata at dali-dali nitong sinagot.

“Hello?” Biglang kumabog ang dibdib ni Angela nang marinig ang tinig ng binata. Malaki ito at boses pa lang nakakabighani na.

“Hi, ako may-ari ng phone na yan. Nawala kaninang umaga.”

“Oo, naaalala kita. Isasauli ko sa yo ngayon, gusto mo?”

“Isasauli mo na ngayon? Gabi na. Magkita na lang tayo bukas sa school.”

“Ok lang naman, maaga pa.”

“Bukas na lang sa school. Magkita tayo at isauli mo sa akin.”

“Okay, see you then.”

“Okay, bye.”

“Ako nga pala si Miguel.” (toot-toot-toot)

Biglang binaba ni Angela ang phone. Buntong-hininga si Miguel at sinabi niyang, “Ang taray naman nito, binaba agad.”

Bago matulog si Miguel, tumawag  muna ito kay Alex at  ikinuwento ang mga nangyari.

“Pambihira! Hindi mo man lang natanong ang pangalan niya?”

“Hindi, Pare. Pinatay agad ang phone niya eh. Wag kang mag-alala, bukas magkikita kami at isasauli ko sa kanya. Makikilala ko rin siya.”

“Pare, talagang makikila mo siya, eh kaklase natin yun, di ba!?” Nagtawanan ang dalawang magkaibigan. Tawang-tawa si Migue, nagpaalam na ito at natulog.

(Itutuloy)

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9