Yes, I Confess…. I’m CARNIVOROUS …

lechonTanggap ko talaga, pork ang hilig kong lutuin
Mabubuo ang isang buwan na puro ganito ang aking ihahain
Siguro dahil mula pagkabata ito ang nakahiligan namin
Lalo’t barbecue, amoy pa lang ikaw ay tatakawin…

Dinuguan, kilawin , nilaga at pambansang adobo
Sinigang, bopis, kare-kare, at mechado
Apritada, longanisa, sisig at tocino
Papaitan, asado, puchero, at hamonado….

Pork dishes favorites ang pinakamatipid para sa akin na ulamin
Maraming rekado ang pwedeng isahog para sila ay paramihin
Mahaba ang busog, isang batalyon man ang pakakainin
Practical na ulam at samahan mo pa ng kanin ang bawat serving…

Sad to know, ang pag-konsumo nito ang unang ibinawal sa amin
Dagdag pa ang beef na sa health ay nakasasama rin
Dapat ay isda muna na pwedeng pangatin o paksiwin
O, pitso ng manok na mas maganda kung iihawin…

Sa mali kong nakahiligan, dahan-dahan akong napaliwanagan
Nitong Nutrition Center na akin ngayong pinupuntahan
Ang pagkahilig sa karne ay hindi maganda sa kalusugan
Sakit ang dulot nito o di kaya ay maagang kamatayan…

About tulanibebang

a wife and a mother. a businesswoman and a financial adviser. a natural poetess...