Yan ang Tinatawag na “M.U.”

Lahat tayo nakakaranas niyan! Isang estado kung saan nagiging more than friends kayo, pero less than lovers. False relationship daw, ‘ika nga. Ang sarap sa pakiramdam kapag ikaw na ang kinikilig. Puro pick-up lines at quotes sa peysbuk at text. Ang saya-saya mo kahit wala kang kinain nung hapunan basta nakausap mo siya. Yung feeling na gagawin mo lahat, mapasaya mo lang siya.

Pero, gusto mo ba na hanggang dun na lang yon? Ano ba ang point of view natin d’yan sa “Mutual Understanding” na yan? Papaano malalaman kung M.U. na kayong dalawa? Ano ang mga advantage at disadvantage pagdating sa estado na yan? Wag ka mag-alala dahil sasagutin natin isa isa yan.

Gusto mo ba hanggang dun na lang yon?

Ang tagal-tagal nyo na magkasama; halos lahat ng oras kayo na magkasama. Every hour every minute texting and chatting tapos punta sa mall kahit wala namang bibilhin; sabay pa kayo kumakain, palitan ng mga sweet at nakakakilig na mga salita tapos FRIENDS lang? May boypren ka tapos may irlpren siya tapos daig n’yo pa ang mga partner n’yo pag magkasama kayo. Jus ko mga manoy, mga manay, ano ba gusto n’yo; hanggang d’yan nalang? Tapos pag nakakita ng iba eh lilipat na dahil tutal eh ‘di pa naman kayo? Eh kayo bahala kayo kung hanggang saan ang tatag nyo. Sabagay “you will never know” naman, sabi nila.

Ano ba ang point of view natin d’yan sa pagiging M.U.?

Sa totoo lang hindi naman ako eksperto pagdating dito pero para sa akin eh depende kung papaano n’yo dadalhin yung tiwala n’yo sa isa’t isa. Dapat may pagkakaintindihan kayong dalawa at handa kayo sa mga kaakibat na responsibilidad sakaling may mangyari man. Wala naman kasing perpekto, pero alam mo naman yung tama at mali; tsaka kung hanggang saan ang limitasyon mo biliang indibidwal.

Papano mo malalaman kung M.U. na kayong dalawa?

Eto, may mga alam ako kung papaano mo malalaman yan:

1.) Mas pinipili kang kasama kaysa sa iba – eh syempre kaya ka nga n’ya pinili dahil gusto ka n’ya makasama. Ano pa bang rason ang gusto mo para d’yan?

2.) Going to the next level na ang usapan – may mga papromise promise na, date sa isang fancy na kainan, I miss you tapos maya maya eh I like you at pag ‘di pa nadala eh I love you na.

3.) Halos lahat ng problema n’ya lagi kang and’yan – para i-comfort siya tapos pag ikaw naman ang may problema nandyan din siya; palitan lang kayong dalawa.

4.) Magpapapicture na kayong dalawa ang magkasama – Ayan na palitan na ng profile picture sa peysbuk! Ang picture n,ya eh ikaw, tapos ang picture mo naman eh siya. Hanep sa pagkasweet di ba?

5.) Ang pagreregalo – Hindi lang gumagana ‘yan sa birthday. Damay diyan pati Christmas, Valentines, atbp.

Ano ang advantage at disadvantage n’ya?

Simple lang, masaya ka kapag kasama mo siya, pero hanggang saan yung saya n’ya? Nasasabi mo ang mga problema mo dahil sa kanya, kaso mabilis ka rin magselos kapag may kasama siyang babae/lalake kahit wala naman kayong commitment sa isa’t isa. Minsan, napupunta pa ang usapan sa away bati away bati. Di naman pang habang buhay yang M.U. na yan eh kaya wag mo masyadong seryosohin; p’wera na lang kung nagkaprangkahan na at pumunta na kayo sa next level.

Sana eh mag-iingat kayo sa mga sasabihin n’yo at gagawin n’yo lalo na sa mga social networking sites, ‘wag ka magpapadala sa mga damdamin, kaya nga nasa taas ang isip eh’ dahil sa bandang huli eh ikaw din ang masasaktan at sasabihing “sana, ‘di ko na lang yon sinabi”.

 author:   JamsForTheWin

p.e./mj

About JamsForTheWin

Gusto kong makipagusap lagi sa mga tao, oras oras mahilig akong tumingin kung ano meron sa ref, hindi ako madaling magutom pag nasa computer, magulo ang higaan pero aayusin din maya maya tapos magugulo ulet, pumapapak ng milo pag walang nakatingin at marami pang iba! o eto eto add nyo ko tapos usap tayo facebook.com/myJamsPH