‘Yah Walleth’ [K-9]

Kabanata 9 – “Si Rio”

“Kamusta ‘yung bago mong kasama, P’re. Si Jheny,” tanong ni Rowel habang hinahalo ang kanyang inimbentong lutong ulam.

Naggisa siya ng bawang, sibuyas at pagkatapos ay ibinuhos ang isang latang kernel sweet corn.

Nilagyan ng dalawang kutsarang patis, sinangkutsa at hinalo niya ang hiniwang mga letus. Sa huli ay binudburan ng pinong paminta, konting asin at vetsin.

Maganda ang kitchen nila sa accomodation.

Ayaw talaga ni Hambal na magkaroon ng kahit isang pangit na lugar sa buong palasyo kahit pa tirahan ng alipin.

Bale ‘yun nga lang ang nagustuhan ng binata ‘dun.

Yung akala mo ay nakatira siya sa isang bahay na nasa malaking subdivision.

Ang electric stove ay digital, kumpleto ang mga magagandang hanging cabinet na katerno ng mga mababang cabinet at drawer.

May isang marmol na working table sa center, may coffee table sa tabi ng malaking bintanang ang matatanaw sa labas ay isang magandang hardin.

Kumpleto din sa mga electric kitchen appliances gaya ng oven, microwave, bread toaster, blender, juice maker at iba pa.

Minsan ay naiisip niyang para siyang nasa Pinoy Big Brothers house.

Kung tutuusin nga, baka manalo pa siya kung sasali dun, eh.

Kasi sila ay mahabang taon na nakakulong samantalang ang mga PBB ay buwan lang.

Subukan lang nilang magkaroon ng pang OFW edition at sasali talaga siya.

Napangiti ang binata sa isiping iyon.

“Ayun, P’re. Paglabas ng kuwarto ni Amo. Parang nasusuka na lumapit sa akin sa Bar. Kasunod si Rio na tatawa tawa,” sagot ni Michael.

“Ha? Bakit? At sino yung Rio?”

“Dating masahista din ‘yun. Kaya lang ay kumbaga sa prutas, eh, over ripe na. Ang gusto ni Hayop ay 25 yrs old lang pababa.

“Ganun?”

“Ilang taon na ba yun?”

“27.”

“Dalawang taon lang nilampas ah.”

“Oo, kaso nga me bago na, eh. Kinuha lang muna para tatlo kaming magmamasahe. Padating na raw ‘yung makakasama namin ni Jheny,” pagbabalita ni Michael.

“Eh, ano naman itsura ng Rio na yan? Lika na, kain na tayo, luto na oh,” sabay kuha ng mga pinggan at inilapag sa lamesa.

Kinuha ni Michael ang kaldero sa rice cooker at inilapag sa lamesa: “Siyempre naman sariwang sariwa pa. Parang college student lang na baby face eh,” sagot nito. “Wow, mukhang masarap ito, P’re, ah,” sabay kuha ng plato at sumandok ng kanin.

“Sino kamukhang artista?”

“Medyo hawig kay Bea Alonzo.”

“Lupet, ah! Chubby din?”

“Konte. Hehehehe!”

“Natikman mo na rin?” biro ng binata.

Nabulunan ang kaibigan at: ” Ubohh! Ubohh! Ulol! Tubigggg nga, paabot!” senyas nito sa pitsel sa tapat ni Rowel.

“Hahahahaha!” inabot ng binata at nagpatuloy sa pakikibalita. “Bakit naman parang nasusuka. Ano daw nangyari?”

“Magaling naman, P’re. Hindi nadale. Napapayag niyang hanggang bate lang ang kanyang trabaho.”

“Ayos. Hehehe! Binigyan ko ng tip ‘yun kung ano gagawin eh,” pagtatapat ni Rowel.

“Ganun? Loko ka, P’re. Huwag mo nang uulitin ‘yan! May gumawa dati niyan. Nasampal ni Amo.”

“Ha?”

“Kasi ‘yung binigyan ng tip ay nagsalita ng; “They say you are like this, like that” at nang tanungin ni amo kung sino, eh, ayun itinuro. Nasampal na pinaglinis pa ng buong rooftop sa palasyo sa kasagsagan ng init ng araw. Nasunog ang katawan at nanginginig na nang patigilin ni Kashile.”

Nakadama ng matinding takot si Rowel at naidasal niyang: “Lord, help me. ‘Wag mo pong payagan na maging ganun si Jheny.”

Nagpatuloy si Michael: “Pero ligtas ka na, kasi nga nakaiwas na si Jheny. At mukhang ‘di sipsip. Nagtanong daw si Hambal kung nagka bf na ba siya at ang sinagot daw niya ay oo at may dalawa na siyang anak, pero hindi siya kasal kaya single ang nasa bio data niya. Nagsinungaling lang daw siya kay Hambal. Kaya ayun, ang maniac ay dismaya.”

“Eh, bakit nga parang nasusuka?”

“Sumenyas daw si Hambal ng kamay na bate at sinabing; “Can you do this to me?” at ang sagot daw niya ay; “No, I can’t. I’m not prostitute. I’m a teacher in my country.”

Ang sagot daw ni Amo ay; “Yes, you’re not a prostitute if you’ll do it to me. Prostitute has many man. Here, only me and you’ll do it as part of your job,” pero todo iling daw si Jhen at sinabing: “No! No! No! Im aftraid to God. That is a sin.” Kaya lang ay napilitan siyang gawin ang inuutos nang takutin siyang; “Okey, choose. You’ll do it to me every time I’ll say with… 200 riyals or you will work for 1 yr without salary?”

Napanganga ang binata: “T***a,” bulalas nito.

“Psstt, kumakain tayo,” paalala ni Michael. “Kaya ayun, nakahawak na siya ng mahabang batuta. Kaya siya parang nasusuka ay dahil sa sobrang libog ni hayop, nilabasan agad at sa mukha niya tumalsik. Napa shit nga daw siya. Kaya natatawa si Rio,” natatawang sabi ng kaibigan.

“Grabeh talaga. Nagpapagawa ng kahalayan nang kaharap pa ‘yung Rio.”

“Ganun talaga. Isang taga bate at isa ang may hawak ng towel at siya ang magiging taga punas.”

“Posible bang mangyari kay Jheny ang nangyari kay Joy?”

“Medyo malabo. Ayaw ‘nun ang hindi siya ang nakauna. Kung siya ang nakauna, tuloy tuloy ‘yun. Parang si Zuma ‘yun. Ayaw ng hindi Birhen. Hanggang bate lang kapag butas na. At hindi naman araw araw yun. Isa o dalawang beses lang isang linggo. Kung me kasama na si Jheny ay palitan sila. Bale isang beses na lang siya isang linggo.”

“Anong klaseng lugar ito. Kung magkakaanak ako o kung may pupunta ditong sino mang kamag anak ko ay hinding-hindi ko papayagan. Kawawa pala ang mga babae dito,” ang nasa isipan ni Rowel.

“Si Valerie, ligtas na ba? Birhen daw ‘yun?” tanong niya kay Michael.

“Hmm… crush mo si Valerie noh?” panunukso ng kaibigan.

Kinuwento ni Rowel ang kanyang napanaginipan.

“Huwag lang mangyaring mapunta ulit si Valerie doon dahil baka kunin sa paspasan,” ani Michael.

“Posible bang mapunta siya doon?” tanong ulit ni Rowel.

“Kapag ipinahiram ni Madam kay Hambal gaya ni Rio kung walang darating na makakasama namin. Dapat tatlo kaming nagmamasahe. Dapat may dumating pang isa,” paliwanag nito.

“Ikaw na lang kasi tagahawak ng pamunas,” biro ng binata.

“Kung p’wede nga lang eh. Kahit nga tagabate, payag ako. 200 riyals ‘yun. Pag me topak daw nagiging 500 pa. Kaya nga kuwento ni Glenda, ang utangan daw dati dito ay ‘yung mga masahista. Buo na sahod, eh, may sideline pa. At kita mo mga cp nila ‘nun, latest nokia n95. Nakakatawa nga daw, kapag may isang nangangailangan ng pera, ang dasal ng masahista ay sana ako ang pag***in, ” kwento ng kaibigan.

Si Rowel naman ang nasamid at hiningi ang pitsel ng tubig. Pagkainom ay: “Kawawa ‘din ‘yung bagong darating. Ano ba yan?!” sabi nito.

“Kung ‘di na virgin ay hindi magiging kawawa. Yayaman pa sa kababate,” ani ng kaibigan na idinilat pa mata na tingin ni Rowel ay nagpapatawa.

Napailing ang binata.

“At huwag mo na ulitin ang ginawa mo. Puwede ‘yun kung nakilala mo na ang ugali. ‘Yung hindi pahamak. Huwag kang mag-ala superman, P’re,” bilin ng kaibigan.

“Tan**a kung ako si Superman, ililipad ko sa kalawakan ‘yang Amo mo at itatapon ko sa araw…”

Itutuloy…

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")