‘Yah Walleth’ [K-23]

yah walethKabanata 23 – ‘Si Cecille’

Sa loob ng main kitchen ay mabilis na itinuro naman ni Abdul sa binata ang kanyang gagawin.

Nagmamadali din kasi ang Indiano na maihanda ang pagkain sapagkat mayron lamang siyang 15 minutes para sa walong klase ng pagkain.

“We must have teamwork, Rowel, so listen carefully.”seryosong anito

Inilabas nito ang anim na maliliit na tasa.

Ang isang tasa ay nilagyan ng pickles, sunod na tasa ay kikoman soysauce, ang isa ay lemon, next is chilli, tapos ay ginadgad na cheese, at ang panghuli ay garlic sauce.

Ayon kay Abdul, laging ipeprepara at dadalhin ang anim na iyon gagamitin man o hindi.

Ihahanda din ng binata ang lahat ng karampatang lalagyan para sa mga niluluto ni Abdul kaya dapat alam din ng binata ang menu for the day.

Bale si Abdul na naihanda na kanina ang mga gagamitin sa lulutuin ay bato na lang ng bato sa kawali o kaldero at tapos ay ilalapag sa working table, isasalin ni Rowel sa magagandang lalagyan na may mga takip at pagkatapos ay ilalagay sa 3 layers troley.

Pagkaluto at naisakay na lahat ay itutulak na agad ng binata ang troley papunta sa palasyo.

Wala ni isang segundo na dapat masayang dahil dapat na nasa harap na ni Hambal ang mga pagkain kung ano ang sinabing oras ng kain.

2 minuto din ang pagtulak/takbo ng troley mula sa Main kitchen hanggang main door kung saan naghihintay na si Apple.

Isasakay nila ang troley sa elevator at paglabas sa area ni Hambal ay magkatulong silang bubuhat ng pagkain.

Si Apple lang ang papasok sa kuwarto bale abot lang ng abot ang binata.

Sa unang gabi niya ay: “Its 7:31 already, Rowel. Im sure this food is now terrible.” sita sa kanya ni Hambal.

Pinatawag siya nito kay Apple at first time niyang makita ang magarang kuwarto ng Amo.

Isang king size na bed at sa paanan nito ay isang magarang sofa na nakaharap sa malaking telebisyon.

Sa malaking center table na nasa harap ng sofa ilalapag ang mga pagkain, doon kumakain sa kuwarto mismo si Hambal kapag gabi, ang huli ay nakasoot na ng mamahaling pantulog.

“Im very sorry, Sir.” hinging paumanhin ng binata.

Sinabihan siyang dahil sa una pa lang siya ay pinatatawad na siya pero kapag naulit ay 3 days salary deduction.

Pagkasabi ay pinalabas na siya at inutusang pumunta sa ironing room upang kunin ang pinatahing damit kay Cecille.

Ang babae ay personal na plantsadora at mananahi ni Madam.

Sa mabilisang tingin ay parang dalaga pa si Cecille dahil bukod sa hindi rin nabibilang sa tinatawag na pangit ay halata ang rin ganda ng katawan at ayon sa kuwento ni Randy ay may dalawang anak na ito at ang isa dito ay tapos na ng kursong Nursing.

Pormal ang kilos at pananalita ng babae at hindi ang tipo ng palabiro o puwedeng biruin.

Nang ikalawang araw ng binata ay mas maaga pa siya ng dalawang minuto sa takdang oras.

Nang ikatlo ay eksaktong eksakto.

_______________________

Doon nagtapos ang lahat lahat ng ala-ala ni Rowel mula sa umpisa at ngayon nga ay nasa loob siya ng bodega ng cleaning supply para dito ibuhos ang sama ng loob sa nangyari kanina na dahil lang sa pagkain niya ng tinapay ay babawasan siya ng 15 days na sahod at ‘yun ay dahil sa sumbungerong si Kashile.

“Ta*g*** mo ka, Kashille!” ulit ng binata.

Tinignan ni Rowel ang oras sa gold plated na seiko 5 watch na bigay sa kanya ng Ama bago siya lumipad.

“Soot mo to, Nak. Para lagi mo akong maa-alala. Baka ‘di mo na ako datnan ng buhay, eh!” biro ng kanyang Ama.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Tay! Dalawang taon lang ako ‘dun. Mag ipon lang ako ng pangbukas ng canteen. Lakasan mo katawan mo. Alisin mo na sigarilyo muna.” ani Rowel.

“Mag-iingat ka lagi ‘dun. Lahi natin ang pikutin. Baka mapahamak ka. Huwag kang titingin sa babae ‘dun kahit anong ganda pa huwag mong titignan. Pugot ulo mo dun! ” bilin ng tatay niya.

“Anung pikutin? Bakit pinikot ba kita? Ikaw nagpilit itanan ako noh!” sabat ng nanay niya.

“Pero tinitigan mo ko sa Palengke kaya napansin kitang may gusto ka sakin.” biro ng tatay.

“Sira, ikaw tong kakuripot mong tumawad, eh! Kaya kita tinitigan, eh, sa pag kaasar ko! Tong tatay mo kapal ng mukha!” baling nito sa anak.

“Hahahahaha!” malakas na tawa ni Rowel.

Ganu’n maglambingan ang kanyang mga magulang.

“Basta alagaan n’yo katawan n’yo dito at saglit lang ako ‘dun, Nay. Kukuha lang ako experience sa abroad.”

Ang huli niyang naalala ay ang lungkot sa mga mata ng Ama ng ihatid siya nito kasama ang ina sa airport.

4:15 pa lang sa kanyang relos. 5:30 siya pinababalik ni Hambal.

Araw araw ay pumupunta ang huli sa kanyang Ama na si Hibrada at walang eksaktong oras kung bumalik ng palasyo.

Subalit hindi bababa sa limang na oras ang pagkawala.

Inayos niya ang sarili.

Pinagpag ang alikabok na nakuha sa pagkakaupo sa bodega at nagpunta ng kuwarto’t nagpahinga saglit.

Nag ayos ayos siya saglit ng gamit, naligo at nagtungo na sa palasyo.

Ihahanda ni Rowel ang dalawang pirasong uling na nagbabaga at inilagay sa isang stainles na animo’y kopita ang hugis.

Kapag lalabas na si Hambal ay tatawag sa kanya si Apple.

Itatakbo niya ang kopitang may lamang baga sa itaas at maghihintay lang ng mga isa o dalawang minuto sa paglabas ng amo.

“Good afternoon, Sir.” bati niya ng bumungad na si Hambal na nakasoot ng mamahaling puting mahabang damit.

Kasunod si Apple na bitbit ang clutch bag, sigarilyo at lighter, latest cellphone at isang munting kahon na naka gift wraft at marahil ay para sa Ama.

“Good afternoon, Rowel.” nakangiting tugon nito.

Ganun si Hambal sa kanya simula ng mapasok siya sa palasyo.

Hindi niya kinakitaan ng galit.

Pakiramdam niya ay tila nakuha na niya ang loob nito o sa madaling salita’y napaniwala na niyang siya ay mapagkakatiwalaan at tapat na alalay.

Ang hindi niya alam, nagtitiis na lang ang binata upang maisama siya nito sa Geneva Switzerland sa susunod na taon.

May usapan sila ni Valerie na dalawang taon lang siya doon, mag-iipon lang at pagkatapos ay magpapakasal na sila.

Inilabas ni Hambal ang Mukara, isang napakaliit na kahoy pero naglalabas ng mabangong usok na akala mo ay perfume kapag nasunog sa baga.

Inilapit ni Rowel ang baga at inilagay ni hambal ang Mukara.

Ng magsimulang umangat ang madaming napakabangong usok ay tumapat ito doon at pagkatapos mausukan ay:

“Yalah” sabi nito.

Inabot ni Rowel ang Mukara kay Apple at kinuha ang dala dala nito.

Sila lang dalawa ni Hambal ang bababa at ang babae ay maiiwan para iligpit ang pinagbihisan at ayusin ang kwarto ni Hambal.

Mabilis na umuna si Rowel papunta sa elevator lobby.

Dapat siya ang pipindot ng button at pagkatapos ay una siyang papasok bago ang Amo.

Siya bale ay nasa likuran.

Pagbukas ng elevator uunahan niyang lumabas ang Amo upang pag buksan naman niya ng pinto.

Sa labas ay nandu’n na ang magarang kotse at nakatayo na din ang driver.

Matapos magbatian sa kanilang wika ay bubuksan ng driver ang pinto ng kotse at kapag nakasakay na ang Amo ay kukunin ang dala ni Rowel at aalis na.

Si Rowel ay babalik sa itaas para suklayin ang carpet na dinaanan ni Hambal.

Ang nais kasi ng huli ay laging walang bakas ng paa ang carpet.

Pagkatapos ay isasara niya ang mga ilaw sa buong gym o area at iiwanan lamang ang sa Bar.

Bale mga pin light na lang sa mga tomb o lalagyan ng mga display o collections ang nakabukas.

Kung pagmamasdan ang paligid ay napaka romantic ng dating.

Pagkatapos ‘nun ay maari na munang magpahinga ang binata sa kuwarto o sa yah walleth living room o kahit saang parte ng hardin.

Yun ding pag labas ni Hambal na iyon ang oras na nakakahinga ng maluwag ang lahat ng tauhan sa palasyo o nakakapahinga.

Nang matanaw na nakalabas na ng gate ang sasakyan ng Amo ay pumasok na si Rowel sa pinto at tinignan kung may dapat siyang linisin sa elevator lobby sa ibaba.

Nang masigurong malinis ang paligid ay sumakay na siya sa elevator.

Muli ay tinignan muna niya ang elevator lobby ng second floor paglabas niya bago nagpatuloy sa gym.

Magsusuklay na sana siya ng carpet ng may madinig siyang tila impit na pag iyak.

Hinanap niya kung saan nagmumula at nagulat siya ng makita si Apple sulok at nakaupo sa sahig ng Bar habang nakatingalang umaagos ang luha sa mga mata.

Nanginginig nginig pa itong sinasambit ang: “Bakit ‘di n’yo ako sinamaaaaa? Bakit? Huhuhu!”

“Apple?”

Nang marinig nito ang binata ay tuluyan nang humagulgol ang babae:

“Huhuhuhu! Bakit di nila ako sinamaaaaa? Nahihirapan na ako dito eh! Huhuhuhuhu!”

Labis na naawa si Rowel, lumapit sa babae, umupo at niyakap ang babae.

“Natakot sila sa iyo, eh. At isa pa ay umayaw ka kasi nang niyaya ka ni Michael kaya hindi ka niya sinama,” malumanay na sabi ng binata.

Kumalas si Apple sa pagkakayakap niya: “Minahal ko siya. Tapos ganu’n, iniwan ako?” may luhang anito.

Sumagi sa isip ni Rowel ang pag-uusap nila ni Michael.

“Isama mo na din si Apple, kawawa naman eh,” sabi ni Rowel sa kaibigan.

“Hindi puwede, Pre. Napakaselosa. Hindi ‘yun papayag na maging kami ni Rowena ‘dun. Kung gusto mo, eh, isama mo. Ipaalam mo munang si Rowena ang mahal ko. Para maka move on siya.”

Hinawakan ni Rowel ang mga kamay ni Apple: “Huwag ka nang umiyak. Kapag isinama ako, tatakas tayo. hindi kita iiwan,” bulong ng binata.

Napatingin muli si Apple kay Rowel at naunawaan agad ng una ang pinaplano ng binata.

“Magpahinga ka na… Mamaya ay mapapalaban ka na naman sa pagod at puyat sa pagmamasahe kay Hambal.”

Itutuloy…

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")