‘Yah Walleth’ [K-17]

yah walethKabanata 17 – ‘Si Tony’

“You’re no good! Send me back to the Philippines!!” galit na sigaw ni Tony kay Kashile.

Halata ang kaba ni Kashile, pero pinilit maging relax.

Sa nakikita niyang matinding galit ng kaharap ay maaari siyang masuntok nito kung lalo niya itong paiinitin.

Si Tony ay bago lang at dalawang buwan pa lang sa palasyo bilang isang Yah Walleth.

Matangkad na lalaki at maskulado gawa ng adik din sa weights.

Nang makita nito ang mga barbel ni Michael ay halos gabi gabi itong nagbubuhat kaya naman halos namumutok ang mga muscles.

Tinawag si Tony kaninang umaga ni Kashile at pinaglinis sa water pump room.

Nang matapos maglinis ang binata ay nagbalik na ito sa regular niyang area kasama si Randy sa Family Diwana.

Dumating si Kashile ‘dun at sinabihan siyang hindi maganda ang linis niya na ayon dito ay may bakas ng dumi ang isang bahagi ng dingding kaya babawasan siya ng limang araw na sahod.

Nagreklamo ang binata at sinabing kung may dumi ay maaari namang balikan sandali at linisin, pero hindi siya pinakinggan nito kaya nagwala na ang binata.

Kalmante lang si Kashile na sumagot ng: “Okey, I will tell to our Boss.” sabay talikod at mabilis na umalis.

“Buw*a ng i*a *o!” pahabol na sigaw ni Tony.

Lumingon lang saglit ang Syrianong sekretarya at nagpatuloy na sa pag-alis.

Nang matapos ang party nang araw na iyon ay tinawag ni Hambal si Tony.

Dinuro ang binata sa noo at:

“If you don’t like here, I also want to get rid of you!” Matigas na sabi nito kay Tony. “You will work for 6 months without salary and that will be for your plane ticket and the money I spend for hiring you! Idiot!!!” sabay dura sa binata.

Lumingon ito kay Kashile at nagsalita sa kanilang lengguwahe at pagkatapos ay: “Michael. Take my things,” anito na mabilis namang kinuha ni Michael.

Lumapit si Hambal sa dessert table at itinuro ang chocolate cake na hindi nabawasan.

“Yah! Rowel, Bring this to the apartment and give to Rowena,” utos nito at pagkatapos ay bumaling ulit kay Michael:

“Yalah!” bago tuloy-tuloy nang umalis sa Main Diwania.

Si Tony ay nilapitan ni Kashile: “Tomorrow, you will work to the swimming pool. Clean all the bench and every place there. If you’ll not do it, we will extend your 6 months penalty,” saad nito sabay talikod at umalis na rin.

Naiyak sa galit ang binata at sumuntok sa hangin:

“Ma**tay na sana kayo!” madiing sabi nito sa sarili.”Tatakas ako,” aniya sa kaharap na malungkot na mga kasama.

“May gumawa na niyan. Nakulong pa ng halos isang taon. Pinagbintangang nagnakaw,” ani Randy.

“Huwag, bro, mapapahamak ka lang. Baka masaktan ka lang sa kulungan,” paalala ni Roger.

Inakbayan ni Gary si Tony at: “Hinay-hinay lang muna. Mag-isip muna ng magandang paraan, Tol,” payo nito.

At nagsimula na ang lahat na magligpit ng mga ginamit sa party.

Naramdaman ni Rowel ang papalapit na yabag ng nasa loob pagkatok niya sa pinto.

Alam niyang sumilip muna ito sa butas bago nagbukas.

Ulo lang ni Rowena ang inilitaw nang magbukas ito at ang katawan ay nakatago sa pinto.

“Pinabibigay sa iyo ni Amo,” ani Rowel na iniaabot ang dalang cake.

Gawa ng kailangang abutin ng dalawang kamay ay napilitan itong lumitaw at mabilis na inabot ang cake.

Tumambad kay Rowel ang kaseksihan ng babae.

Nakasuot ito ng puting nighties na pagkanipis-nipis at kitang-kita niya ang dalawang pirasong suot nitong panloob.

Napuna ng babae ang lihim niyang tingin kaya:

“Salamat, teka lang ha, ilalagay ko lang sa table,” tumalikod ito at lumakad nang hindi isinara ang pinto.

Lalo namang natulala ang binata sa hugis ng katawan ng babae nang masinagan ng ilaw ng lamp shade.

Hindi kasi ito nagbukas ng chandelier bago binuksan ang pinto at marahil ay gawa ng nasilip nitong siya lang naman ang dumating at may bitbit pang cake kung kaya hindi na nagbihis o nagbalot man lamang ng kumot.

Pero ang iniisip ng binata ay iba sa iniisip ng babae.

“Mailap ka ha. Tignan ko nga,” bulong nitong nakangiti at sinadyang bagalan ang lakad upang mapagmasdan ng binata ang kanyang katawan.

Pagkalagay niya ng cake sa lamesa ay paseksi pa siyang naglakad pabalik sa pinto, pero wala na ang binata.

“Superrrrrrrrrrrrr! Hmmmp! Kuhhhhh!” nainis na bulalas ng babae sabay sara nang malakas sa pinto.

Habang nililigpit ni Rowel ang kanyang dining and dessert table set up sa natapos na party ay hindi mawala sa kanyang isip ang pagsungaw ng ulo ni Rowena sa pinto.

Tila naging malabo ang kanyang mata at si Valerie ang naging unang tingin niya dito na luminaw na lang na si Rowena nang lumabas na ang babae sa suot nitong pantulog.

Hindi niya maitatanggi na sa kanyang sarili ay nabuhay ang isang pagnanasa.

Iniling-iling niya ang ulo upang mawala ang nakatutuksong katawan ng babae.

“Ano ba itong lugar na napuntahan ko? Bakit ako nagkakaganito? Marami din namang magaganda sa pinagtrabahuhan kong hotel at sa resort ‘nun ay mga halos kapiraso na lang na saplot ang mga suot na pangligo. Huwag, Rowel, huwag! Si Valerie, hinihintay ka,” bulong nito sa sarili.

Bigla ay naalala niya ang kanyang panaginip.

Ang paghingi ng tawad ng katipan sa kanya dahil mas mahal nito ang iniwang nobyo.

“Puwede, puwede. Sagad ang pagmamahal ni Valerie dun. Kahit pinagpalit na ay umaasa pa siya noon na magkakabalikan. Matagal silang mag on samantalang kami ay sandali lang,” sabi ng kanyang isipan.

Binuo niya sa sariling dapat maging handa at huwag nang masyadong umasa upang hindi masaktang muli.

Pagkatapos ng ginagawa, gaya ng dati ay nagpunta siya sa lugar ng tree house, pero malungkot na tinanaw na lang niya iyon saglit at lulugo-lugong umalis.

Walang istambay sa kanilang living room gawa ng marahil ay mga pagod na kaya naupo muna siya doon at nanood ng tv.

Ilang sandali lang ay pumasok ang naka-jogging pants at pangbahay na t-shirt ng si Michael na may bitbit na indomi noodles.

“Kain tayo, P’re,” yaya nito.

“Hindi ka ba nakapagtabi ng pagkain?”

“Binigay ko lahat kay Apple ‘yung pinatabi ko kay Roger,” sagot ng kaibigan

“ah.”

“Kan****n day ngayon ni Amo kay Madam. Kaya walang masahe. Dumiretso na ‘yun sa kuwarto ni Madam.”

“Eh, si Madam ngayon ang magjajak** sa kanya?” biro ni Rowel.

“‘Di lang yun, ibo** j** pa,” sagot ni Michael sabay subo ng kutsarang may noodles.

Nagtawanan ang magkaibigan.

“Ba’t ngayon ka lang, ikaw siguro ang nagpamasahe,” tukso nito sa kaibigan.

“Tado! Kanino naman.”

“Hindi ka nag-iingat, P’re. Nakita ka na ni Mayvel at Jheny. Darating ang araw mapapahamak ka niyan.”

Natahimik ang kaibigan.

“Ingat lang ha. Parehong mawawala ang Geneva natin.”

Tumango lang ang kaibigan.

“Si Rowena, ba’t parang hindi pa nagtatrabaho. Nakaharap na ba ni Hambal ‘yun?”

“‘Yun nga, P’re. Iba ang naging pangyayari. Super pakitang gilas si Amo. Pinakilala sa akin na magiging secretary daw niya sa mga gawain. Sabi ni Weng, ‘ nung magkausap kami nang utusan ako sa apartment ay dinala daw siya sa palasyo ni Madam ‘nung wala si Madam dahil naghatid ng anak sa school. Inikot-ikot doon at ang sabi ay ganu’n din ang ibibigay niyang lugar kung magkakaroon siya ng pangalawang Madam. Pinapasok pa raw siya sa walking vault. Ang dami daw perang nakasalansan. Parang sa bangko. Sa left side ay dollar, sa right side ay riyals at madami pa. Sinisilaw muna si Weng, P’re,” pagbabalita nito.

Hindi nakaligtas sa pandinig at isip ni Rowel ang tawag ni Michael na Weng kay Rowena pero minabuti niyang huwag punahin ang kaibigan.

“Ibig bang sabihin ay gagawing asawa si Rowena,” nagtatakang sabi ng binata.

“Hindi mo ba napansin, kahawig ni Valerie? Nang unang makaharap ni Amo si Weng sa gym ay lumingon si Hambal kay Kashile at sinabing: “She looks like Valerie.” si Kashile naman sabi ay: “Aiwa.”

Matindi ang tama ni Hambal kay Valerie. Nung nagmamasahe ako sa gym ay nasambit ‘nun na Stupid girl. Tinanggihan daw ang kaginhawahan. Kaya kung ‘di nakatakas si Valerie ay mayayari ‘yun. Hindi na gagamitan ng condom ‘yun,” ani Michael.

“Kung wala ako dito,” sa isip ng binata.

“Ano ang ginagawa ng Weng na ‘yan araw araw?”

“Ako nagbibigay ng tip. Hindi niya makukuha si Weng,” anito, sabay kain ng noodles.

“Akala ko ba, delikado magbigay ng tip?”

“Kapag hindi mo pa gaano kilala kung sipsip ba o hindi. Madalas umuupo si Weng sa Bar kapag umaga habang hinihintay na lumabas si Jhenny at Apple. Tapos ‘nun papasok na at sasamahan si Hambal sa living room at kasabay na mag-aalmusal,” paliwanag ng kaibigan.

“Eh, ‘di ba tatlo kayong nagmamasahe sa umaga?”

“Pagkamasahe ko ay maiiwan ‘yung dalawa. Si Apple ay magliligpit sa kuwarto, si Jheny ihahanda ang bath room at ako ay lalabas para itawag kay Abdul na ihanda na ang breakfast. Tapos ako naman ihahanda ko ang mga iinumin. Ayun, nasisimplehan ko ng tip si Weng.”

“Sabagay tingin ko naman, mabait ‘yang Weng na yan,” ani Rowel.

“Di lang ‘yun, Ang lupit ng dating, P’re. Makalaglag brief.”

“Oo. Alam ko,” sa isip lang ng binata. “Kung hindi nga ko umalis agad sa apartment kanina, ‘di lang brief ko ang nalaglag. Pati lahat ng suot niya,” sa kanyang isip pa rin.

“Bakit nakahubad ba?” kunwa’y nagtataka siya.

“Hahahahaha! Hindi. Puro bakat ang korte sa suot na damit eh. Naka-pencil cut pa. Hayop sa legs. Mahaba na, maputi pa. Pinagalitan ko nga. Kaya nagmaong na lang at blouse na mahaba. Sabi ko, sino pinopormahan niya dito? Si amo? Kapag nadalaw dito si Madam at napagselosan ka, eh, gagawan ka ng kaso. Magpormal ka lang at huwag kang magaslaw dito, sabi ko. Kaya ayun, nagbago ng damit. Sabi ko huwag kang maniwala diyan na special ka. Pinadadama ka lang niyan. Titirahin ka rin niyan sa puwet. Natakot. Aray daw, virgen pa daw puwet niya.”

“Hahahahahahaha! Eh, ingat lang ke Apple, baka magkaselosan sa taas. Dun ka pa magkaproblema,” payo ni Rowel.

Natahimik ang kaibigan.

Di nagpahalata si Rowel pero sa kanyang isipan ay: “Hule ka.”

“Oo nga pala, sa katapusan ang alis namin, P’re, puntang Geneva. Inihabol ni Hambal ang visa ni Weng. Kasama din. Bale apat kaming kasama,” pagbabalita nito.

Bagama’t natuwa ay lihim na nakadama ng inggit si Rowel.

“Si Madam, isasama lahat ng katulong,” dagdag pa.

“Goodluck, P’re. Mag-ingat kang mabuti dun,” bilin ni Rowel. “Kung sakaling hindi ako maisama, limusan mo ako kapag nakita mo ako sa kalsada balang araw na puro grasa kapag mayaman ka na,” ani Rowel.

Pabirong binatukan siya ng kaibigan. “Tado! Ihahanap kita ng trabaho ‘dun kapag legal na ako. Mag-aaply ako ng amnesty ‘dun.”

Itutuloy…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.