‘Yah Walleth’ [K-15]

yah walethKabanata 15 – ‘Si Rowena’

Halos gabi gabi pagkatapos ng trabaho ay tumatawag si Mayvel kay Rowel na napansin ng binatang nagiging dahilan upang malimutan niya si Valerie sapagkat kinasasabikan niyang matapos ang araw at sumapit ang gabi para magkausap na naman sila ng dalagang marunong sumakay sa mga biruan na minsan ay may mga sandaling nakakaramdam ang binata ng pagkaalinsangan.

“Bakit ba kasi gustong gusto mo ng kiss?” tanong ng binata.

“Gusto ko kasing maranasan ang naranasan ni Valerie,” sagot ng dalaga na labis niyang ikinagulat.

“Ha? Bakit nagkuwento ba sa iyo si Valerie?” naguguluhang tanong ng binata.

“Lumabas kasi ako noon, sumunod ako kay Valerie, nakita ko kayong dalawa sa ibaba ng tree house, nakasandal sa puno si Valerie, kising kising kayo, tapos may luha pa nga si Valerie tapos kinis mo ulit tapos yumakap siya sa iyo, parang sarap na sarap, hihihi!” kwento ng dalaga.

Naalala ng binata ang nag-iisang sandali na nakasandal si Valerie sa puno habang hinahalikan niya.

“Oh, ngayon, wala nang istorbong molokiya na lalamig pa. Aamin ka na ba?” tanong ni Rowel kay Valerie.

“Anong aamin?” natatawang sagot ng dalaga.

“Na tama ang balitang namimis mo ako lagi at kung liligawan kita ay sasagutin mo agad ako?”

“Nanligaw ka na ba?” matamang tanong ng dalaga.

“Kailangan pa ba? Nang dumating ka ngayon ay niyakap kita at mas mahigpit pa ang yakap mo kesa sa akin,” anang binatang may panunuksong nakangiti.

Tumingin sa mga mata ng binata si Valerie: “Iba pa rin sa bibig mo galing. Ang yakap ay puwedeng gawin ng magkaibigan.”

Hinawakan ni Rowel ang isang kamay ng dalaga at itinapat sa kanyang puso: “Ikaw ang isinisigaw nito ngayon… ” anang binatang sinalubong ang mga tingin ng dalaga bago kinuha ang isa pang kamay nito at itinapat sa kanyang sentido: “Ikaw ang lagi laman at iniisip ko bawat sandali,” ang pagpapatuloy ng binata: “Mahal kita, minamahal kita, Valerie, sweetheart,” seryosong pagtatapos ng binata.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Valerie: “Nadarama ko, Rowel. Pinangako kong hindi na ako magmamahal pa. Pero nadarama kong mahal din kita. I love you,” nakangiting anang dalaga kasabay ng pagpatak ng luha.

Nagyakap ang dalawa.

“Eh, puwede na ang kiss?” mapanuksong tanong ng binata.

“Alam mo, kaya siguro ako pinalitan ng ex ko ay dahil sa ipinagdamot ko sa kanya ang mga ganyan. Kaya ngayon, hindi na ako papayag na ipagpalit mo ako sa iba dahil diyan. Kahit ano na hilingin mo ibibigay ko, huwag ka lang mawala sa akin. Nararamdaman kong mas mahal na mahal kita kesa sa ex ko,” anang dalaga bago isinandal ang ulo sa puno at pumikit.

Inilapit ni Rowel ang mukha at ginawaran ng halik ang katipan.

Natuklasan niya ang kainosentihan ng dalaga sa bagay na iyon; tanda ng ito ang unang halik ng minamahal.

Na marahil ay naging dahilan nang pumatak sa mga mata nitong luha ng kaligayahan: “Sana huwag mo akong lokohin, sana ako na ang kapalaran mo.”

“Sinisiguro ko sa iyong, tayong dalawa na hanggang wakas,” tugon ng binata bago naganap ulit ang punong-puno ng pagmamahal na paglalapat ng kanilang mga labi.

Iyon marahil ang nakita ni Mayvel; ang ikatlong pagkikita nila ni Valerie.

Una ay sa Kitchen, ikalawa ay sa Christmas party at ikatlo ay nang araw na sagutin siya ng dalaga.

Kaya naman gumawa ng paraan ang binata kung paano matatakasan ang napakalakas na hamon ng tukso at mapunta sa pagiging parang magkapatid lang ang kanilang pagiging malapit sa isat isa.

Iniwasan niya ang magbiro sapagkat ang dalaga ay tila nanabik sa kakaibang pagmamahal bukod sa gumaganti pa ito ng biro din at mahirap nang mauwi sa hamunang totohanan.

Iniwasan niyang makipagkita dito at tinanggihan ang pag-aaya nitong magkwentuhan sila paminsan minsan sa tree house dahil alam niyang malakas ang sex appeal ng dalaga at baka matangay siya ng lakas na iyon at isa pa’y ramdam niyang mahina din ang debosyon nito gaya niyang nagpipilit lang labanan ang tukso.

Sinabi niyang mahirap kung matsambahan pa sila ni Kashile na magkausap at mapag-isipan ng masama.

Puro mga payong pangkapatid ang kanyang sinasabi, mga spiritual at inspirational message at mga kuwentuhang pang kabuhayan lamang.

Na…

nakasanayan din naman na, ni Mayvel at naituring na siya bilang isang kuya.

Sa ganun ay lalong nakalimutan ni Rowel ang pagkainip at pangungulila sa katipan pero hindi ang kanyang pag-ibig.

Gabi-gabi bago pumikit ay nakikita niya ang maamong mukha ng katipan na nagsasabing: “Hihintayin kita.”

“May darating na makakasama namin, nakita ko sa lamesa sa living room ni Hambal yung resume at litrato. Ang ganda. Supervisor ng House Keeping sa Midland Plaza. At 4k riyals ang contract. Ang laki noh?!” balita ni Jheny nang makasalubong niya. Papunta ito sa laundry.

“Tsk! Tsk! Again.” iling ng binata.

“Baka ‘di mangyari iyang iniisip mo. Kasi may isang anak na rin pero hiwalay din sa asawa.”

“Hmm… Ganun ba? Ayos matitigang na talaga si Bosing.”

Natawa si Jheny: “Hahahaha! Di naman. Ji**jak*l naman namin ni Apple eh.”

Napabunghalit ng tawa ang binata

“Nyaahahahahahaha!suwerte talaga ng tanda na yan,” ang napapailing na binata.

“Gusto mo bang swertihin din?” may laman ang salita ni Jheny na ikinabigla ni Rowel.

“Ayaw ko. Nag-iipon ako. May pagdedepositohan ako nito pag-uwi ko. Hahahahaha!”

Muling natawa ang dalagang nagpanggap kay Hambal na may anak na: “Puwede bang mag-loan ng konti lang hangga’t hindi mo pa dinideposit, konting-konti lang?”

“Hindi puwede! Hindi konti ang isang loan mo dito, madami agad naku, baka mamaya lagyan mo pa ng interest na isang poging baby na kagaya ko. Problema pa.”

“Ay type.” kunwa’y kinikilig na biro ng kaharap.

“Eh, hindi ko type ang Bonsai.”

“Tseeeee! Ang yabang moh!!! Cute at sexy naman noh!” nakalabing sabi ng dalaga.

“Ah, d’yan hindi ako kontra dyan. Hawig mo nga si Jolina eh.”

“Talaga naman.”

“O siya, Magsalang ka na ng labahin mo,” taboy ng binata.

“Samahan mo ako sa laundry,” yaya nito.

“Huwag na, baka reypin mo ko diyan,” tanggi ng binata.

“Ba’t alam mo?” pagbibiro ng dalaga.

“Hahahahahahahahaha! Loka ka talaga.”

“Lika na. Naiingit ako kina Michael at Apple. Buti pa sila maligaya lagi,” sa arteng sad face ng dalaga.

Muling natigilan na naman ang binata.

Dalawa na ang nagsasabi tungkol sa kanyang kaibigan at kay Apple.

“Biro mo, supla-suplada. Ahhh… Baka hindi ako type.” Nangingiting naiisip ng binata.

“Sige naaaa…” ang dalaga na umarte pang papadyak-padyak.

“Hala, si Kashile dumarating oh!” panloloko ng binata.

Nataranta ang dalaga at mabilis na lumakad papunta sa laundry.

“God, nagkalat ang tukso,” sambit ng binata na lumakad na papunta sa kanyang kuwarto.
_____________________

“Maiwan muna kita, Ger. Nandyan na daw ‘yung magiging assistant secretary ni Hambal,” paalam niya kay Roger na abala sa panonood ng movie sa MBC 2 channel.

Ganun sila kapag nakalinis na sa Main Diwana at naghihintay ng tawag o utos mula kay Kashile.

“Pinay?” tanong ng kasama.

“Oo, At maganda daw sabi ni Jheny.”

“Piling-pili talaga yan. Nung nandu’n pa ako, ang kapal kapal ng mga resume ‘dun na puro may whole body at close up picture. Walang ginawa si Hambal kundi tumitig. Minsan nga tinatanong pa ako habang nagmamasahe ako sa balikat niya kung beautiful daw ba?” kwento ng kasama.

“Sana sinagot mo ng ‘Yes, Ada Mafi Muk beautiful.”

“Hahahahahahaha!” tawa ng kasama.

“Ibalita ko na lang sa ‘yo kung ganu’n nga. Labas na ko,” paalam ng binata.

Habang papunta sa Audio Visual Room ay inulit niya sa sarili ang instructions ni Kashile sa kanya:

“Don’t talk to her. Don’t say anything to her. Just bring her to the vacant guest room at the apartment down stair. I already open it last night,” ang malakas at tila ipinaiintindi sa kanya ng husto na ani Kashile.

“Langya! Ba’t kaya? Imposible namang nagsabi si Jheny kay Hambal. Siya lang naman ang binigyan ko ng tip sa gagawin ‘nung dumating. Hindi kaya sinabi ni Apple na kinausap ko siya nang dumating? Dapat talagang mag-ingat ako sa babaeng yun. Ba’t naman itong si Pareng Michael ay pinatulan pa yun?” sa isip ng binata.

Nakarating siya ng Audio Room na isip nang isip.

Nang makita niya ang babaeng dumating na nakaupo sa sofa ay napatulala siya.

Hawig kay Valerie!

Ang naging pagkakaiba lang ay ang katawan dahil mas hinog na ito at marahil ay dahil sa may anak na pero kahit ganoon ay halata ang kaseksihan sa suot nitong tila yata parang uniporme ng isang flight stewardess.

Ang tindig at ngiti nito ay parang isang magandang receptionist o guest relations officer sa hotel.

Mas smart na ‘di gaya ni Valerie na parang laging nahihiya.

“Hi, Hello, Rowel. Shall we go?” Basag nito sa kanyang pagkatulala at nakangiti na tila alam na darating siya na marahil ay nakausap na sa telepono si Hambal o Kashile.

Ngiti at tango lang ang nagawa ng binata sa pagkatulala at pagkatapos ay inabot niya ang dala nitong maleta at siya ang nagbuhat bago inilahad ang kanang kamay bilang senyas na lalabas na sila.

Humanga ang babae sa ganda ng paligid na dinaraanan nila at puro wow at wow ang madidinig, pero nanatili siyang tahimik.

Sa kanyang tingin ay sanay na sanay ito sa sapatos na 4 inches yata ang taas samantalang ang kanyang si Valerie ay parang matatapilok sa soot na 3 inches heels nang unang makita niya itong dumarating ‘nung christmas party.

Bawat tingin ng babae sa kanya ay parang nalilito siya dahil parang nakikipag eye contact at pinipilit siyang sumagot kung kaya kapansin-pansin ang ganda nito sa simpleng ngiti.

“Don’t talk to her,” ang umaalingaw sa kanyang utak na sabi ni Kashile.

“By the way, Im Rowena, Rowel,” sabi nito at ‘yun na naman ay may kasama na namang tingin na parang nang-aakit.

Ngumiti lang ang binata at: “Welcome here, Mam Rowena..” sabay iwas ng tingin.

Ang hindi niya alam na nasa isip ng babae ay:

“Akala ko kanina sa iyo ay crush mo ako dahil parang hinuhubaran mo ako sa tingin mo, pogi. Ang ilap mo naman pala. Batuhin kaya kita ng t-back ko?!” naiinis na anang isip ni Rowena.

Nang makarating sila sa pinto ng kuwartong nasa ibaba ng hagdan na dinadaanan niya papunta sa bar ni Hambal ay nakita niya ang kislap ng mga mata nito sa tuwa pagkabukas ng pinto sapagkat tila isang unit sa condomium ang loob.

Isang magandang sala sa pagbungad at ng ihatid niya ang gamit sa kuwarto ay naalala niya ang biro ni Randy sa kanya nung tinitignan niya ang isang kuwarto sa Family Diwania.

“Ang sarap magk*ntu..n diyan, p’re.”

Iwinaksi niya sa isip iyon, bumalik sa sala at naghintay sa paglabas ng babae sa kuwarto na kasunod niyang pumasok.

Nang mainip ang binata dahil mahabang minuto na ang nagdaan ay pinasya niyang sumilip sa kuwarto.

Nakita niyang nakalabas na ang lahat ng damit nito sa maleta na nasa ibabaw ng kama at si Rowena ay nakaupo hawak ang isang litrato at umiiyak.

“Mam, aalis na po ako, po.”

“Salamat ha, Rowel,” sagot nitong nanatiling nakaupo, nagpahid ng luha at nagpilit ngumiti.

“Ilock mo lagi ang pinto, Mam. Iba ang rape dito. Patuwad.”

Nanlaki ang mata ng babae, mabilis na tumayo’t sumunod sa kanya at mabilis ding hinawakan ang door knob ng pinto. “Alalayan mo ko ha. 1st time ko dito. Kailangan ko ng kaibigan,” seryosong sabi nito.

“Huwag kang lubos na magtitiwala. Mag-iingat ka lagi. Huwag kang magpapakita ng kagaslawan dahil madidigrasya ka. Sara mo na ang pinto”

Itutuloy…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.