Worth Fighting for

1“Tomboy ka ba? Bakit wala ka pang boyfriend?”

“Ah, Siguro choosy ka!”

“Talaga? Baka naman ang taas ng standards mo, teh”

Maaaring choosy nga ako at may standards, pero definitely, hindi ako tomboy!

Ito ang mga reaksyong nakukuha ko sa tuwing sinasagot ko silang ‘No Boyfriend Since Birth’ ako.

Pag NBSB tomboy agad-agad? Hindi ba puwedeng hinihintay lang si “the one” o ‘di kaya’y takot na takot lang masaktan at maiwanan? Sabi naman nila, “Paano mo nalaman na iiwan ka lang at sasaktan kung hindi mo pa sinubukan?”

Sa totoo lang, gustuhin ko mang magkaboyfriend at ma-experience ‘yung sinasabi nilang magical feeling,  hindi naman puwedeng basta basta na lang ako hahablot kung sino mang lalaki ang makita ko sa daan. Dapat din kasi may kasamang spark at samahan pa natin ng Chemistry para bongga.

Sa henerasyon na K-POP na ang sikat, hindi na uso ‘yung ang mga magulang ang pipili para sa ipapakasal sa anak nila. Ngayon, we are given chance to choose whom we are going to spend our lifetime with.

Freedom, right?  Pero minsan nga naisip ko, sana ipinagkasundo na lang ako ng magulang ko para hindi na ako mahirapan maghanap at maghintay pa, total naniniwala naman ako sa sabi nilang “Mother knows best”. ^_^

In my never-mind years of existence, I’m okay being single and I enjoy being single. Until such time na ma-feel ko na tumatanda na pala ako, I need a bit of romance in life, I need someone whose gonna be my gallant knight. So, I tried to open my heart to someone who has been trying to capture it, but it seems that someone is not so serious about winning it. Sabi ko na nga ba, kaya ayoko sa love love na iyan kasi masasaktan lang ako.

Sometimes, you can’t always get what you want, but you’ll always end up with what you truly deserve. So I told myself, “If one day, true love will find me, I will make sure it’s worth fighting for.”

About ColorMeYellow