WORKING STUDENT- (A student’s sacrifice)

Karamihan sa mga estudyante sa panahon natin ngayon ay nag-aaral at nagtatrabaho ng sabay. Maswerte ka na lang kung mayaman ang pamilya mo o di kaya’y andyan ang mga magulang mo na handang tumulong sa lahat ng bagay at mga pangangailangan mo. Swerte ka rin kung may katuwang ka sa buhay para mapagaan ang mga gatusin mo.

Bilang isang working student marami kang kailangang i-give up. Boyfriend, mga kaibigan, lakwatsa, at minsan pati na rin ang iyong sariling pamilya matupad lamang ang iyong pangarap.

Bilang isang working student kailangan mong igugol ang iyong panahon sa trabaho at sa pag-aaral ng iyong leksyon sa eskwela. Madalas kulang ka sa tulog pero sige pa rin sa aral at trabaho. Para sa ‘yo okay lang yan tutal naman kapag nakatapos ka na marami kang magiging oras para sa pagtulog at sa mga ibang bagay. Sa dami ng mga gawain sa paaralan wala ka na halos panahon para sa sarili mo. Kung minsan nakakaligtaan mo pang maligo at magsipilyo makarating ka lamang sa paaralan sa takdang oras para hindi ka n=mahuli sa mga leksyon. Ni hindi mo lang napansin na ultimo buhok mo ay hindi mo man lang nasuklay.

Sa pagnanais mong makapagtapos ng iyong kurso nakalimutan mo na ring kumain sa tamang oras. Tuloy napabayaan mo na rin pati ang iyong kalusugan.

Sa dami ng iyong pinagkakaabalahan, wala man lang natira ni katiting na panahon para sa iyong sarili. Nakalimutan isa ka ring tao na minsan ay dapat maglibang. Pero alam mo ba na higit sa lahat, you’ve forgotten for how to live life, to experience your youth, and do the things that a normal person should be doing. Sa kagustuhan mong maging isang successful you’ve let the years go by without even thinking about the present.

As a working student I know what it feels like to give up something for something. Sa mundo nga namang ito we can’t always get what we wished for. I’m not the kind that would give up everything for the sake of my studies and I do, I really do admire those who have the ability to do so.

To all the working students out there, I wish you all the best luck in the world, and hope that as you pursue your studies and go after dreams, that you shouldn’t forget that you are also a human being who needs to relax every-once-in-a-while and to experience life.

About l0sts0uL

Writing is my solace. Most of the time, I write to express my feelings or write what I cannot say in person.