Wives Submit Yourselves To Your Husband

(Photo Credit: onfirefastmovement.blogspot.com)
(Photo Credit: onfirefastmovement.blogspot.com)
(Photo Credit: onfirefastmovement.blogspot.com)

Ephesians 5:22-33 New International Version (NIV)

22 Wives, submit yourselves to your own husbands as you do to the Lord. 23 For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior. 24 Now as the church submits to Christ, so also wives should submit to their husbands in everything.
25 Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her

Hindi ako fan ni Kris Aquino, pero gusto ko ang kanyang show na KRIS TV. Nakaka good vibes tuwing umaga. Nakakahawa ang kanilang energy. Bukod pa sa mga napaka informative na mga episodes nila. Sa tulad ko na hilig ang pagluluto at kumain, ang makita ang mga lugar kung saan kahit sa panunuod lang, pakiramdam ko ay narating ko na rin at nakain ang bawat pinupuntahan at kinakainan nila. Feeling ko nakapag relax din ako habang pinapanood sila.

Isang topic nila ang napanood ko, kung saan na featured si Toni Gonzaga. Tama ako ng hinala na isa siyang uliran na artista. Lalo akong humanga sa kanya dahil hindi pala siya maramot sa kanyang pamilya. Napaka generous pala niyang tao, kahit sa kanyang mga kamag anak.

Tinanong ni Kris si Toni kung ready na ba siyang bumuo ng pamilya. Ayon kay Toni, ready na siyang magka-anak, pero hindi pa siya ready maging asawa ng kanyang boypren. Sa pag aasawa may kasabihang “Submit yourself to your husband” – ito ang dahilan ni Toni. Lumaki pala si Toni na siya ang nagdedisisyon sa kanyang sarili. Hinihingi na lang niya ang opinion ng kanyang pamilya.

Sobra akong naka-relate sa part na ito. Tama si Toni, kapag nag asawa ang isang babae na may strong personality, at lumaki as independent at sanay na ito ang nagdedisisyon sa lahat lalo na sa kanyang sarili; magkakaroon nang kunting conflict sa pagsasama ng mag asawa. Mostly, as my observation, dito nasasaktan ang kanilang asawa. Feeling kasi ng kanilang asawa, domenante at dektador ang kanilang asawang babae. Na in-under o pinapangunahan sila.

Sa isang punto, naiintindihan ko bilang babae ang damdamin ng mga lalaki na nagkaasawa nang may ganitong personalidad na babae. Pakiramdam nila, nawawala ang kanilang pagkalalaki. Feeling nila, hindi sila ang padre de pamilya ng kanilang tahanan. Pero, sa isang banda, minsan may mga lalaki rin na sadyang mahina ang loob. Sa ganitong pagkakataon, lumalabas rin ang ugali ng babaeng asawa ang kailangang siya ay maging isip lalaki, magdisisyon bilang isang lalaki, at umakto bilang isang lalaki.

Sa ganitong sitwasyon, 70% ang posibilidad na mas madalas magtalo o nagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan opagkakaintindihan ang bawat isa. Nauuwi sa pagtatalo o nagtatanim nang samaan ng loob sa isa’t-isa. Sa ganitong sitwasyon rin, mas higit na kailangan ang pang unawa ng bawat isa. Lalo na iyong mga lalaki. Aaminin ko, na kaming mga babae na namulat sa matinding responsibilidad sa buhay, kaming mga babae na maraming hamon at pagsubok sa buhay ang pinagdaanan, kaming mga babae na nasanay na tumayo sa sariling mga paa sa maagang panahon. Kaming mga babae na maaga pa lamang ay nasanay na bilang isang lider o may malaking responsibilidad na ginagampaman sa labas ng bahay; mapa career o anupaman. Sadyang hindi maiaalis sa amin ang may pagka authoritative na ugali.

Alam ko na mayroong mga dis-agree sa mga nasabi sa blog na ito, ngunit nais naming ipaalam sa mga lalaki na may asawang malakas ang personalidad at may pagka bossy o parang padre de pamilya….mataas ang aming respeto at pagmamahal sa aming mga asawa. Mali ang isiping, in-under namin o minamaliit namin ang inyong pagkatao. At sa totoo lang, mas kami ang nasasaktan kapag alam naming na kayong mga asawa naming lalaki ay aming nasasaktan ang inyong damdamin. Mahirap, pero mas madalas sinisikap naming mga babae na ilagay ang aming sarili bilang isang babae na nagpapasakop sa aming mga asawa. Ngunit may mga pagkakataon lang talaga na nailalabas naming ang aming pagka strong personality lalo na kung kinakailangan.

Higit sa lahat, hindi n’yo baa lam na kaming mga may malakas na personality na babae, ay kami iyong mas nakakaramdam na kailangan namin ang pagmamahal, suporta at pang unawa mula sa amin mga asawa? Hindi n’yo ba alam na may nakatago kaming lungkot na hindi masabi sa inyo? Gusto kasi namin maranasan at maramdaman na may asawa kaming magparamdam sa amin na kami ay babae at hindi lalaki.