Wishlist On A Throwback Playlist

7/24/2013 2:50:35 PM
www.abstractinfluence.com

Pre-script: Una akong nagsulat ng draft nito noong Pebrero 2012 pa. Sa kasamaang palad nga lang ay ‘di ko siya naretrieve. AT siguro, mas okay na siyang isulat ko sa wikang Filipino tutal aminado naman ang inyong lingkod na sumasablay din ako paminsan-minsan sa pagsusulat ng Ingles. Anyway….

I-set aside muna natin ang dahilan na “meron namang Jeepney Tv eh!” o pati yung Fox Filipino.Tol, hindi lahat sa atin ay may cable (kahit ang inyong lingkod – wala ring cable). Kung may time machine lang ako, siguro babalik ako sa mga araw at gabi na umeere ang mga ganitong palabas.

Pero maliban pa sa mga sitcom at gag shows, isama mo na rin ang pagpapalabs ng mga pelikula, ito ang mga palabas na sa tingin ng inyong lingkod, at dapat na umeere pa as panahon ngayon. Ang mga tinampok o sa artikulong ito ay ang mga palabas na umere sa nakalipas na mga taon (sensya na, di ko matantiya).

Usapang Lalake. Ito ang palabas ng mga Tunay Na Lalake. Dito mo malalaman ang mga  kalokohan ng ilang kalalakihan, at ang mga bagay na kinalolokohan nga naman. Dito rin nabigyan ng break ang ilang mga personalidad tulad ni Kuya jobert Austria at Alex Calleja. Nakakaaliw lang sila kahit Rated SPG ito at t’wing Miyerkules ng gabi ito umeere sa Studio 23 nun. 4 na seasons din sila nagtagal, ‘di ba?

Pilipinas, Game K N B? Alam ko, merong playback episodes ‘to sa Jeepney TV. Pero mas aliw ako sa mga panahon na si Doods pa ang host nito. The other side ni Edu Manzano, ika nga. Sobrang ibang-iba mula noong nag-host siya ng The Weakest Link sa IBC 13, na matapang o maangas. Dito, kwelang kwela kahit ganun ang datingan ng kanyang persona. Naalala ko na pinapanood namin ‘to twing lunch time noong high school kami.

The Front Act Show. Tatlong bagay kung bakit: Stanley Chi, Mike Chan at Bogart The Explorer.

Tayuan Mo At Panindigan. Isa sa mga paboritong talk shows ko noong 2011. Pinakapaborito ko sa channel na Aksyon TV. Lalo na’t ibang klase ang on-air chemisty ng apat na tao na may pangalang Aida Sy, Carlos Celdran, Lourd de Veyra at Direk Joey Reyes. May pagkakataon pa nun na napansin ang aking Facebook comment nun na nagsasabing dapat may Facebook account na ang babaeng host nila nun.

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.