Wikang Pilipino

Malawak, malaki, malakas ang naging impluwensiya ng wikang english sa buhay ng Pilipino. Sadyang napakahalaga ng wika, komunikasyon ang nakasalalay dito, isa sa pinakamahalagang sangkap sa pag-usad ng sibilisasyon ng sangkatauhan.a2

Bago pa man natin talakayin ang mga kabutihan at kahinaan na dulot ng wikang english sa buhay at lipunan ng Pinoylandia, bigyang daan muna natin ang ating opinyon sa kasaysayan ng wikang english.

Marahil alam nating lahat na ang pinagmulan ng wikang english ay ang bansang Englatera (England, Great Britain, U.K.) isang napakaliit lamang na isla, ngunit sa panahon ng pamamayagpag ng makapangyarihang bansang ito (noong araw)napakarami ng nasakop at naging kolonya nito na mga bansa sa buong mundo kasama na dito ang Amerika (U.S.A.) na dati lang kolonya ng Britanya o Englatera, na lubusang kumupkop (U.S.) at nakinabang sa wikang english.

Umusog tayo at baybayin pa natin ang kasaysayan ng mundo. Noong unang panahon, ng kalakasan at kapangyarihan ng bansang Griyego (Greece) ang namamayagpag, o ng makapangyarihang “Roman Empire” marahil ang salitang (wika) english noong mga panahong iyon ay itinuturing lang din na wika ng mga walang alam o sabihin na lang nating ‘uncivilized language’ kumbaga sa atin ‘bisaya’ (dialect) na wika ( sorry, hindi natin ibig sabihin na ang bisaya ‘uncivilized’, isa rin akong bisaya’ tubong Samar’ island). Marahil sa maikling kasaysayan na ating nabanggit masasabi na ang wika ay sumasabay lamang sa pag-unlad ng bansa o lahi na gumagamit nito.

Bilang OFW, nakakatuwa din kapag naririnig natin sa mga ibang lahi (Indian(Hindu),Arab,Sri Lankan,atpb., atpb.) na matatas at natutunan nila, pinag-iinteresan ang ating wika. Sa KSA (Saudi Arabia) halimbawa, lalo na sa mga pagawaan at mga pamilihan karamihan sa mga ibang lahi na makakasalamuha ay magugulat ka lalo kung baguhan ka lang (sa Saudi) na karamihan sa mga ito ay matatas managalog, ang iba marunong pa nga maski mga dialect natin gaya ng Ilokano o mga salitang bisaya.

buwan ng wika 2012

Kasaysayan ang magbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon upang mahalin, pahalagahan at pagyamanin ang ating SARILING WIKA.

….itutuloy  (pasyalan ang ating facebook page)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.