Why am I thankful to SAF44 and to Napenas? This is my personal opinion

Photocedit from Even Demata Facebook page
Photocedit: from Even Demata Facebook page

Sinulat ko ito dahil sa panibagong balita na may mga nadukot daw na mga mga pinoy medical worker ang ISIS. Pero yung sa apat na nurses ay kinumpirma naman ng DFA na walang katotohanan ang napabalita.
———–

Naisip ko lang ang tungkol sa “blessings in disguise” na minsan ay nangyayari lalo na sa buhay natin sa araw araw. Iyong akala natin ay hindi naging mabait si Lord sa atin dahil may mga bagay o pangyayari na nagaganap na naging hindi maganda ang resulta, o nangyayari na hindi naayon sa ating kagustuhan. Ngunit lagi naman natin napapatunayan na lahat ay nangyayari dahil may dahilan. Magandang dahilan. Sabihin na natin na may “purpose ang lahat ng bagay”.

Sariling opinion ko ito. Si Pres. PNOY ay naghangad ng kapayapaan at gustong may maiwan na legacy bilang isang pangulo. Kung may hidden agenda man siya, tulad ng mga napapaulat at nababasa sa mga social media ay siya lamang ang tanging nakakaalam. Pero, mas gusto kong tingnan dito na siya ay naglilingkod nang tapat at tanging sa ikaaayos lamang ng bansa at mamamayan ang kanyang ninanais.

Sa totoo lang kasi, bilang isang SME taxpayer, masasabi ko na 70% ay tagumpay ang kanyang kampanya sa corruption. As my personal experience, during his term, nabawasan ang red tape sa mga govt agencies, lalo na sa BIR. Dahil nga nabawasan ang corruption kaya maluwag sa loob ang paglabas ng pera na mula sa dugo at pawis ng mga taxpayer na tulad ko.

Gaya ko, nakikita ko na ngayon kung saan napupunta ang aking ibinabayad. Hindi tulad noon, mas malaki ang napupunta sa kanya-kanyang bulsa. Maraming pumasok na mga investors at kaya rin sinasabi na tumaas bigla ang econony ng Philippines, na pinupuri ng ibang bansa na naisusulat at nababasa na rin kahit sa mga foreign news.. Sabi nga nila, Aquino administration nga lang raw ang nakagawa ng ganito after Marcos regime.

Sabi nga nila marami ang natutuwa sa pamamalakad ni Pres Pnoy at tahimik lamang at nagmamasid. Kung may mga nagagalit man, sila iyong mga taong hindi nararamdaman ang ginagawa ng Pangulo ng bansa dahil iniaasa lamang sa gobyerno ang kanilang kaunlaran. Mga taong naapektuhan dahil sa pagtanggal ng PDAF at paghihigpit at pagsupil sa corruption. Mga taong madaling maniwala sa mga nababasa, napapanood o naririnig na walang sapat na basehan.

Sabagay, mahirap naman talagang magtiwala, lalo na kung sa politika at politiko ang pinag-uusapan. Kaya hindi ko rin masisisi ang kapwa ko kung iba ang pananaw nila. Dahil naniniwala rin ako na may kanya-kanyang paniniwala at sariling dahilan ang bawat isa sa kanilang opinion.

Kung nagbuwis man ng buhay ang SAF44 at nasisi si Purisima, Napiñas at Pres Pnoy. Para sa akin, ako’y nagpapasalamat lalo na sa SAF44 at kay Napeñas. Dahil sa KANILA nagkaroon ng panahon para mapag-aralan ang BBL.

Dahil sa kanila, palagay ko maliligtas tayo sa mga bagay na maaaring may hatid na kapahamakan sa ating kapwa sa Mindanao at pati na ang ating bansa. Dahil sa kanila, nabunyag ang mga dapat mabunyag na maaaring maging sanhi ng mas lalong karahasan sa Mindanao. Baka kasi isang araw, magising na lang tayo, na katulad na rin tayo sa bansang may mga terorista na naglulunsad ng giyera at mga karumal dumal na mga gawain.

Sino ba ang hindi naghahangad ng PEACE?

Ako, na nakaranas manirahan at mag aral kahit sandali lang sa Mindanao (Sulu), alam ko ang karanasan ng bakwit. Alam ko ang hirap ng naiipit sa putukan. Alam ko rin, paano umiyak dahil may mga taong malapit sa iyo na biktima ng kidnapping at ipinatutubos ng mga rebelde. Alam ko rin kung paano iyakan ang mga kaibigang sundalo na namamatay pagkatapos ng kanilang operasyon laban sa mga rebelde.

Pero, alam ko rin kung gaano kasarap mamuhay sa Mindanao na sariwa at napakamura ang mga bilihin. Alam ko rin na simple lang ang buhay ng mga muslim na hindi rebelde. Alam ko rin na hindi lahat ng muslim ay rebelde o masasama. Bagkus naaawa pa nga ako sa mga nasa bundok dahil hindi sila nakapag-aral. Hindi sila nakapag-aaral nang maayos dahil sa gulo. Na ang ilan sa kanila ay mali na ang natutuhan at nakamulatan. Kaya ako rin ay gusto ko sana ng Peace.

PERO, paano nga natin masisiguro na malinis ang intensyon nila sa BBL? Paano natin masisiguro na hindi nililinlang ang ating Pangulo? Paano natin masisiguro na hindi aabusuhin ang BBL? At paano natin masisiguro na PEACE talaga ang hatid nitong BBL? Paano natin masisiguro na para nga nga sa Mindanao ang BBL?

Para sa akin nalulungkot man ako para doon sa mga kapwa muslim na biktima ng giyera, sapat na ang mga nangyari umpisa ng Mamasapano incident. Lalo na nang nakita ko ang mga video  na wala na ngang mga buhay ang kaawaawang SAF44 ay lalo pa nila itong…….

Dahil sa kanila ay patuloy na nabubunyag ngayon sa publiko ang mga bagay o pangyayari na magsisilbing basehan upang tahasan ko nang ayawan ang BBL.

YES to PNOY but NO to BBL.