Where’s that Weird Tsinelas (Fliplops)?

Noong bata kayo nabilang niyo ba kung ilang beses kayo napigtalan ng tsinelas dahil sa paglalaro niyo ng habulan, sipa o tumbang preso? Kung hindi niyo na mabilang, pare-parehas lang tayo. Noong mga uhugin pa kami madalas ang payabangan pag bago ang mga tsinelas.
Rambo pa nga yung tatak. Yung tsinelas na itim tapos sobrang kapal. Yan ang ginagamit namin dati. Ayaw namin ng plain white. Ganyan kami ka sosyal noon. Hindi ka kasi in kapag hindi rambo ang tsinelas mo. Anong masasabi ng havanna mo dyan? Walang wala yan kung ikukumpara sa tibay ng mga rambo namin. Matibay na mura pa. Punong puno pa ng lead.

Naalala tuloy namin yung kwento ni Rizal at ang kanyang tsinelas. Ganito daw kasi yon. Nang hindi sinasadyang maanod ng ilog ang isang tsinelas ni Rizal ay ibinato rin niya ang isa pang kapares. Katwiran niya, mas ok na yon para magamit pa ng iba yung pares ng tsinelas. Kung inyong iaanalyze talagang malalim pa sa balon ang kahulugan nito. Kaya pala andaming nagtatapon ng kung ano ano sa mga ilog. Halos umapaw na nga sa sobrang dami. Tapon dito, tapon doon. Bato dito, bato doon. Ganoon din kaya yung katwiran nila? Malamang hindi.

Sa aming pagmamasid, kahit sa panahon ngayon madami pa ring batang Pinoy ang walang disenteng tsinelas. Anong ibig sabihin non? Marami pa rin talaga ang naghihirap dito. Halatang halata naman diba? Hindi lang natin napapansin kasi busy tayo kakalaro ng angry birds sa iphone. Hindi lang natin napapansin kasi busy tayo sa pag-iisip kung ano ang magandang ilagay na status sa facebook. Hindi lang natin napapansin kasi busy tayong lahat sa pagbabantay at pagpapayaman sa Empire & Allies. Pakeng seven! Aray! Tinamaan kami don ah.

Mabuti na lang madami pa ring mga taong taos puso ang pagtulong sa mga batang kapos palad. Isa sa mga ito ang tsinelas.org. Ang Tsinelas Association Inc. ay isang non-government, non-profit organization na tumulong sa mga batang mahihirap sa aspeto ng edukasyon. Ang pangunahing layunin nila ay mabigyan ng sapat na pangangailangan ang isang bata habang siya ay nag-aaral. In short, nagbibigay sila ng scholarship. Ang mga miyembro ay binubuo ng mga volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Merong estudyante, mga guro, mga social workers at mga professional na mayroong iisang adhikain, ang matulungan at mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga batang kapos-palad. Sa mga taong nasa likod ng tsinelas.org. Mabuhay po kayo!

Pero saglit lang, kaya pala namin naisulat to ay dahil kanina pa namin hinahanap yung pinapahanap saming tsinelas. Bwisit naman kasi, napakawirdo ng tsinelas na ‘yon. Malamang kinain na ng mga pusa ni Aling Nena ‘yon. Kapag nakakita kayo ng kaduda-dudang pusa na may dala-dala ng ganitong tsinelas (see below). Maaring ipagbigay alam na lang samin. Where’s that weird tsinelas ba?

1 Comment

  1. naalala ko un ung rambo na tsinelas, ung mga kaklase ko nung elementary un ang suot pag papasok sa iskwelahan..naiinggit nga ako skanila kasi nka tsinelas sila, noon kasi ok lng kung nka tsinelas ka papasok.

Leave a Reply

Your email address will not be published.