When The Philippines Need “The Punisher.”

1/23/2014 3:17:29 PM
http://www.globalpost.com/

Siguro, kung may isang tao na kailangan sa Pilipinas ngayon – ito ay ang mga katulad ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Oo, seryoso.

Tinaguriang “The Punisher” ng Time Magazine, pero isa sa mga pinakatauhan sa likod ng pagbabago diumano sa pinakasikat na lungsod sa Katimugang Pilipinas. Mula noong umupo siya, bumaba ang crime rate nila, bagay na mapapansin mo lang kapag may laban si Pacquiao (noong nananalo pa siya via knock out).
Alam ko, aalma ka – “e sobrang haras ng ginagawa niyan eh.” Alam ko rin. Napakarahas. Sa mata ng natural na kamalayan natin – baka barbaric pa ngang maituturing. Pero tignan mo naman – epektib ang ginawa niya at halata na ito sa statistika at kasaysayan.
Kung may nabubulabog sa kanila, siya mismo ang magsasalita at kikilos. Eh dito, kaya bang gawin ba ng mga alkalde natin?
Marahas na kung sa marahas. Pero ito ang problema eh. Masaydo nang kampante, kalmado, at diplomatiko ang lugar natin. Okay sanang gamitin ‘to kung ganun din naman ang mga criminal (and aasahan mo bang mangyayari ang mga ganyan? Eh di sana at peace na sana tayo).
Alam ko, masaydo na siyang matapang. Pero may binuga naman ang tapang niya kahit papaano. At actually, sa tingin ko, hindi naman siya ang dapat kalabanin ng CHR eh. Kung hindi ang sistemang ginagalawan natin mismo, lalo na kapag sa usapin ng krimen. Bagay na sinabi naman ni Commission of Human Rights chairman Etta Rosales sa kanyang panayam sa programang Wasak last year.
Tignan mo, sa ganung kinalalabasan, mas napoprotektahan pa yata ng mga ‘to ang mga nasasakdal kesa sa mga nabibiktima. Kawawa naman tayong mga tao pag ganun, kaya tuloy hindi maalis-alis sa ating kaisipan ang ‘victim mentality.’

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.