When It Rains, It Really Falls (a true story)

Crying in the Rain (Phote Credit: Justdancingintherain.blogspot)
Crying in the Rain (Phote Credit: Justdancingintherain.blogspot)
Crying in the Rain   (Phote Credit:  Justdancingintherain.blogspot)
Crying in the Rain (Phote Credit: Justdancingintherain.blogspot)

Isa akong Nurse dito sa London, sa ilang taon kong pagtratrabaho dito nabigyan ko ng kaginhawaan ang aking pamilya, pinasyal man o sa mga materyal na bagay. Napag-aral ko rin ang aking mga kapatid, kaya sabi ng mga nakakakilala sa akin napakasuwerte ng aking magiging partner in life.

Nang aking kabataan, sa aming barangay ay malimit akong napipiling muse sa mga patimpalak lalo na sa mga basketball league. May kagandahan daw akong taglay, siguro wala na akong mahihiling pa kung iisipin ng iba.  Nag-asawa ako sa tamang edad. Kahit tutol ang aking pamilya sa lalaking pinili ko dahil wala itong permaneteng trabaho, pinaglaban namin ang aming pagmamahalan.  Alam kong mabuti siyang tao at liligaya ako sa kanyang pagmamahal.

Pagtapos ng ilang buwan ng aming kasal, sinama ko siya sa London at doon namin sinimulan ang aming buhay bilang isang pamilya. Napakasaya ko nang mga araw na iyon… Pero lumipas ang ilang taon bago kami binayayaan ng isang anak, ngunit matapos ko siyang dalhin sa aking sinapupunan ng siyam na buwan, pagkaanak ko lamang nang ilang araw ay kinuha na siya sa akin ng Maykapal.. HINDI COMPATIBLE ANG AMING DUGONG MAG-ASAWA kaya nagkaroon ang aming anak ng “Thalassemia.”

Ang Thalassemias ay minanang sakit sa dugo. “Inherited” means that the disorder is passed from parents to children through genes.

Thalassemias cause the body to make fewer healthy red blood cells and less hemoglobin than normal. Hemoglobin is an iron-rich protein in red blood cells. It carries oxygen to all parts of the body. Hemoglobin also carries carbon dioxide (a waste gas) from the body to the lungs, where it’s exhaled.

People who have thalassemias can have mild or severe anemia . Anemia is caused by a lower than normal number of red blood cells or not enough hemoglobin in the red blood cells.

Normal hemoglobin, also called hemoglobin A, has four protein chains—two alpha globin and two beta globin. The two major types of thalassemia, alpha and beta, are named after defects in these protein chains.

Four genes (two from each parent) ay kinakailangan upang gumawa ng sapat na alpha chains globin protina. Typically, Alpha thalassemia ay nangyayari kung ang isa o dalawa ng apat na genes ay nawawala. Kung higit sa dalawang genes ay nawawala, katamtaman sa malubhang anemia ang nangyayari.

Ang pinakamalubhang anyo ng alpha thalassemia ay tinatawag na alpha thalassemia pangunahin o hydrops ng mga fetalis sa Sanggol na ito disorder ay karaniwang mamamatay bago o sa ilang sandali matapos maisilang. At ito ang naranasan ng aming anak, hindi namin siya nabigyan ng sapat na hemoglobin dahil  hindi compatible ang dugo naming mag-asawa.  Napakasakit sa akin ang mga pangyayari, pero hinarap ko ito kasama  ang aking mahal na asawa.

Magsisimula ulit kami at naniniwala kami sa kapangyarihan ng Diyos Ama sa langit, walang imposible. Pero hindi pa kami nakababangon sa aming kalungkutan sa pagkawala ng aming anak, eto na naman ang isang pagsubok na tanging pananampalataya at aming pagmamahal sa isat-isa ang aming sandata.

Nadiagnose ang asawa ko na may Colon cancer, gusto ko nang sumuko pero kailangan kong maging malakas para sa asawa ko  at ipakita sa kanya na kaya namin itong lampasan. Lahat na yata ng expertong manggagamot dito sa United Kingdom ay napuntahan namin, lahat ng aming naipon ay naibuhos namin sa kanyang medication, aanhin ko naman ang pera kung ako’y nag-iisa at nakikita ko na aking asawa ay nahihirapan sa kanyang karamdaman. Ngunit malupit ang tadhana sa amin, kumalat na ang cancer sa buo niyang katawan!

Sa ngayon, pauwi na kami ng Pilipinas, binigyan na lamang siya ng dalawang buwang taning at mas pinili n’yang ilagi ang mga natitira n’yang panahon sa aming inang bayan, kung saan doon namin sasariwain ang aming mga masasayang alaala kasama ang aming pamilya at kaibigan.

Paano pagkatapos ng dalawang buwang taning sa kanya? Kaya ko bang makita ang kanyang paghihirap?  Kaya ko pa bang maging matatag sa harap niya? Kaya ko pa bang harapin ang panibagong buhay na wala siya???Ang mga yakap at halik niya at bilang aking asawa???

Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay maging masaya kami sa ilang araw na kasama ko siya, pero hangang ngayon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na gagaling siya sa ngalan ng Diyos Ama…

– – – – – –

Mabasa mo man ito, mahal kong kaibigan, nandito kaming mga kaibigan mo, hinihintay ang pagbabalik mo! Miss na namin ang mga halakhak mo, walang imposible sa ating Panginoon!”

 Lagi ko kayong inspirasyon sa wagas n’yong pagmamahalan…

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!