Wedding Booth (Part 7/Finale)

(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)

Unti-unting inalis ang piring ko sa mata, at habang nanlalabo ito ay unti-unti ko ring nakikita ang mga tao sa paligid. Si Mama, Papa, mga kapatid ko at ilang kamag-anak, ang mga magulang ni Rye, kapamilya, si Sir Dela Cruz at ilan pa naming mga malapit na teachers at kaibigan.

Si Rye, na hindi ko malaman kung iiyak ba o ngingiti? “Ano ba ito?” nais ko sanang tanungin.

Hanggang sa nagsalita na si Rye, at narinig ko na ang sagot sa tanong ko sana.

“Charie, sa harap ng ating mga magulang, mahal sa buhay, kaibigan at malalapit sa ating puso, nais kong hingin ang iyong mga kamay at iharap ka sa dambana kasama sila.”

“Gusto kong ikaw ang makasama ko sa habangbuhay, maging ina ng aking mga anak, makatuwang ka sa hirap at ginhawa at maging bahagi ng buhay mo hanggang sa huli.”

Habang matiim akong nakatingin sa kanyang mga mata, hilam ako sa luha at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.  Yakap ni Mama at Papa ang tila nagpagising sa akin.

“Anak, alam namin na masyado pang maaga para ikaw ay mag-asawa; ngunit hindi naman natin puwedeng pigilin ang itinakda ng tadhana para sa inyo ni Rye,”  si Mama.

“Kung saan ka magiging masaya, anak, suportado namin kayo ni Rye, alam namin ng Mama mo na hindi ka niya pababayaan,” si Papa.

Lumapit din ang kanyang mga magulang at nagsabi rin ng ilang mga salitang hindi na magsink-in sa akin. Ngunit alam ko, katuld ni Rye, ay nangangako rin sila na hindi nila ako pababayaan at taos puso ang pagtanggap nila sa akin.

Humarap din sa akin si Kim, at ako’y niyakap nang mahigpit. “Best, go for the gold,” ang bulong niya na nakapagpangiti sa akin.

Biglang nangantiyaw si Sir Dela Cruz, sa kabila ng seryosong scene na iyon.

“Naku sabi ko na nga ba eh, at mauuwi sa totohanan ang kasal nila noon. Ano na, Rye, lumapit ka na kay Charie at ibigay ang singsing.”

Parang naging slow motion ang paglapit niya sa akin, nakaramdam ako ng takot, pangamba, kaba, pero higit sa lahat ay saya. Habang papalapit siya ay naisip kong si Rye na nga ang taong gusto kong makasama habambuhay.

Sa awit na pumapailanlang sa paligid…

From this moment, life has begun…”

“From this moment, you are the one…”

“Right beside you, is where I beleong…”

“From this moment on….”

Bagay ang awiting ito para sa amin ni Rye, at naisip ko pa talaga ito ha? “ bulong ko sa aking sarili.

Inabot niya ang aking mga palad na napakalamig na sa kaba, at ang kanyang mga palad naman ay nanginginig;  katulad ko marahil ay kinakabahan din siya.

“Charie, will you be my wife?” simpleng tanong niya.

Huminga ako nang malalim, tinignan ko lahat ng tao sa aking paligid; mga nakangiti silang lahat, masayang-masaya para sa amin ni Rye. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, pero gusto kong sumugal sa larangan ng pag-ibig. Hinding-hindi ako papayag kahit kailanman na ako’y matatalo sa gagawin kong desisyon.

Nagbilang ako….

Isa…………….

Dalawa………………….

Tatlo…………….

Huminga ulit nang malalim……

Nagdasal nang taimtim sa Diyos, na sana ay gabayan niya kaming dalawa ni Rye….

Isang matamis na halik sa kanyang mga labi, ang aking naging kasagutan.

Nagpalakpakan ang lahat, at isa-isa silang lumapit sa amin. Mahihigpit na yakap ang naging tugon nila sa kasiyahan na pagsasaluhan namin ni Rye sa darating na panahon.

Wakas………

Autor’s Note:  Salamat po sa matiyagang paghihintay at pagbabasa.

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."