Wedding Booth (Part 5)

(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)

Naging abala ako sa buong linggo, kinailangan kong tapusin ang tambak na trabaho para makapagbaksyon ako. Si Kim naman ay may pinagkakaabalahan din; halos hindi na nga kami makapag-usap minsan.

“Kim,” tawag ko sa kaniya, sabay katok sa kanyang kuwarto.

“Charie, pasok ka,” tugon naman niya.

Nakita kong may mga damit siyang isInisilid sa kanyang travelling bag.

“May pupuntahan ka?” tanong ko.

“Ah! Oo diba, magbabakasyon tayo sa probinsiya?” nakangiti niyang sagot.

“You, don’t need to do that Kim, alam ko’ng may work ka rin, okay lang ako.”

“Ano ka ba naman Charie, stressed na rin ako sa work at namimiss ko na rin naman umuwi sa atin.”

“Salamat, Kim,” ang simpleng sagot ko na lamang.

Isang yakap naman ang naging tugon niya, hindi ko ba alam bakit parang ang emosyonal naman naming dalawa; hindi ko tuloy napigilan mag biro.

“Ano ba ito? May mangyayari bang hindi ko alam? Makapag drama naman tayo, parang pang MMK lang.”

“Hahahaha! Loka-loka ka talaga Charie, mag-ayos ka na lang din ng gamit mo; maaga pa tayo bukas para sa biyahe.”

Samantala, sa probinsiya naman ay abala si Rye sa kaniyang sorpresa para kay Charie, katulong ang mga magulang at mga kaibigan nila.

“Rye, sure ka ba na ganito ang gusto mong set-up,” tanong ng Mama ni Charie.

“Opo sana, Tita, kasi po gusto ko po maalala ni Charie, iyong unforgettable moment naming dalawa.”

“Naku! Ikaw talagang bata ka, napakahilig mo sa surprises! Pati kami ng Tito mo ay ginulat mo eh.”

“Sorry, Tita, ayaw ko na po kasing patagalin pa eh, doon din naman po mauuwi.”

“Wala naman kaso sa akin Rye, ganun din sa Tito mo; alam naming mamahalin mo si Charie for the rest of your life. Huwag mo lang siyang sasaktan, anak..”

“Promise ko po iyan Tita at Tito, I will make her life happier everyday.”

Yakap at takip sa balikat ang naging tugon ng mga magulang ni Charie sa akin.

Tunog mula sa mobile ni Kim, ang nagpagising sa akin.

“Kim, someone’s calling you,”  panggigising ko sa kanya.

“Hello, hon? Oo, nasa Gapan na kami. Sige, magkita na lang tayo sa terminal ha?”

“Bakit naman nagpasundo ka pa, wala naman tayong dala na marami?”

“Sabi niya eh, at for sure Charie, hindi na rin iyon makapag-antay na makita ako ulit.”

“Lakas talaga ng hangin mo Kim, sabagay that’s love.”

“Nga pala, Charie, ilang weeks na rin naman may pasok, punta kaya tayo sa school sa Thursday?”

“Iniisip ko nga rin na dumalaw doon; kunin na rin natin ang year book natin, balita ko lumabas na raw eh.”

“Perfect! Sige sa Thursday na lang para hindi naman makapag pahinga tayo muna.”

“Saturday pa lang ngayon, ang habang pahinga naman yata kapag Thursday pa?”

“Huwag naman agad-agad friend, pagod pa ako.”

Umayon na lamang ako sa gusto ni Kim, sabagay may point din naman siya. Isang linggo lang naman kasi ang nahingi namin na bakasyon mula sa trabaho.

Sobrang saya ni Mama, Papa at mga kapatid ko pag dating ko sa bahay, parang iba ang kislap ng mata ni Papa, ang higpit ng yakap ni Mama at ang mga kapatid ko naman ay iba ang ngiti.

“Am I just being so senti?” natanong ko tuloy sa sarili ko.

Pinabayaan ko na lamang ang napansin ko, baka nga masyado lang akong senti, baka rin kapag nagsalita pa ako malaman ni Mama na may problema akong dala-dala; napakagaling pa man din ng instinct niya.

Pinakamasaya ko na yatang tanghalian iyon, muli ko kasi silang nakasama. Walang sawang kamustahan para namang napakatagal na panahon na nang huli kaming magkita-kita.  Hanggang napansin kong nakatingin si Papa sa akin.

“Pa, may problema po ba?”

“Ah! Eh, wala naman anak.” Kandautal niyang sagot.

“Alam mo naman iyang Papa mo, namiss ka lang niyan?”

“Hay! Ako rin po lahat kayo namiss ko talaga.”

“Kamusta naman si Rye, anak? Bakit hindi yata ninyo kasama, busy ba sa trabaho?”

“Okay naman siya Ma, busy lang sa work.” tipid kong sagot.

“Sana nakasama naman siya, tumawag kasi si Tita mo minsan parang magbabaksyon din sila.”

“Ah, baka sila lang po nila Tito wala naman po kasing nababanggit si Rye.”

“Baka nga, anak.”

Natapos ang araw kong iyon nang masaya, kahit talaga sa pamilya ko, hindi mawawala na maalala si Rye.  Sana after one week maging okay na rin ang pakiramdam ko. I don’t want to give him up; hindi naman ganoon ka serious ang tampuhan namin, gusto ko lang makapag-isip mabuti.

And one thing is for sure, mahal ko si Rye, mahal siya ng pamilya ko; pagbalik ko sa Maynila ay makikipag-ayos na ako sa kanya.

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."