Wedding Booth Part 3

(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)
(Photo credit: kasal.com)

Hindi naman kami nagtagal na tumambay sa probinsiya, agad din kaming lumuwas ng aking mga kaibigan sa Maynila. Si Rye ang tumulong sa amin na mag hanap ng matutuluyang bahay, kapag may oras siya’y sinasamahan din kami sa pag hahanap ng trabaho. Sa awa naman ng Diyos ay pinalad kaming makahanap lahat. Naging busy man hindi pumalya si Rye, na dumalaw sa apartment tuwing araw ng pahinga. May dala-dalang kung anu ano; ulam na luto ni Tita, chocolates at flowers. Ako pala iyong tinutukoy niyang binabalak ligawan, dahil matagal naman na akong may lihim na pagtangi sa kanya; kaya hindi ko na rin siya pinahirapan sa panliligaw.

Naging maayos naman ang lahat, ngunit sadyang lahat ng relasyon ay daraan talaga sa mga matitinding pagsubok para raw maging mas matibay ito.

“Charie, hindi kita masusundo ngayon nagkaayaan ang tropa, birthday kasi ni Yas, kilala mo naman siya ‘diba?”  pagpapaalam niya.

Oo, si Yas, iyong ex mo?” may bahid panibugho ko namang sagot.

“Ayan nanaman tayo Charie, selos ba ang nahihimigan ko?” pang-aasar pa niyang tanong.

“Ewan ko sa iyo Rye, wala namang problema sa akin na lumabas ka, pero kasama si Yas?”

“Babe, hindi ba at may tiwala ka naman sa akin?”

“O sige, wala na akong sinabi. Tumawag ka na lang kapag nakauwi ka na ng bahay, para hindi naman ako mag-alala, I love you, babe.”

“Oo, tatawag ako. Thank you, babe. I love you too,” pagtatapos niya sa kabilang linya.

Ang minsang paglabas ay nasundan pa ng maraming beses, na naging dahilan ng madalas naming pagtatalo. Napapagod na nga akong makinig sa mga paliwanag niya, alam kong wala naman siyang ginagawang masama na ikagagalit ko pero ang hirap lang kasi iwasan ang makaramdam ng selos minsan. Sa bawat tampuhan naman ay bumabawi talaga si Rye, hindi naman na rin kwestyon ang pagmamahal niya sa akin, ewan ko ba ganito talaga siguro ang mga babae, masyadong ma emote.

Charie, hindi ba anniversary ninyo ni Rye, ngayon?” si Kim.

“Uso pa bang i-celebrate iyon Kim?” kunwaring hindi ako apektado sa tanong niya.

“My gulay Charie! Anniversary kaya iyon? Hello? Si Nathan nga kapag nakalilimutan niya akong batiin kahit monthsary lang galit na galit na ako sa kanya.”

“Napaka insensitive mo Kim, of course nasasaktan ako na parang hindi man lang naalala ni Rye na anniversary naming ngayon, kailangan ipagdiinan  pa talaga?”

“Oh! Sorry Charie, ano ba naman kasi itong pagiging taklesa ko minsan hindi ko napipigilan,” pagsusumamo niya.

“You’re forgiven, sa isang kundisyon, lalabas tayo mamayang gabi, dalawa tayong magcecelebrate.”

“Ay! Game ako diyan Charie, sige mag-enjoy ka, hayaan mo nga iyong Rye na iyon.”

Nagpunta kami sa bar ni Kim nang gabing iyon. Wala naman kaming balak uminom, magsasaya lang at ako mag-aalis ng inis kay Rye. Kahit sinong babae naman siguro maiinis talaga sa pambabalewalang ginawa ni Rye, at take note ANNIVERSARY kaya namin.

“Hello? Rye?” si Kim.

“Kim, nasaan kayo? Bakit sarado itong apartment ninyo?”

“Haller! Ikaw na lalaki ka, may gana kang mag tanong kung nasaan kami? Ikaw ang nasaan, kanina ka pa hinihintay ng kaibigan ko!” pagalit na sagot ni Kim. Habang ako ay nagmamasid at nakikinig lamang sa kanilang pag-uusap.

“Sinadya ko talagang huwag siyang tawagan, may sorpresa kasi ako sa kanya.”

“Charie, may sorpresa pala siya.”

“Sabihin mo, sorpresahin niya mukha niya. End call mo na nga iyan Kim.” Galit kong tugon.

Dahil sa dagdag na inis namin ni Kim, umuwi na rin kami agad. Naabutan naming naghihintay si Rye sa pintuan.

“Charie, si Rye.”

“Hayaan mo siya Kim, mamuti ang buhok niya diyan hinding hindi ko siya kakausapin.”

“Charie, so……”

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita, dagli-dagli kong binuksan ang pinto at pumasok, baka kung ano pa kasi ang masabi ko sa kanya.

“Kim, kahit ikaw man lang makinig naman sa paliwanag ko.”

“Ewan ko sa’yo Rye, ilang araw na nga kayong nagkakatampuhan, dinagdagan mo pa. And come to think of it, anniversary kaya ninyo? Anong ineexpect mo, salubungin ka ni Charie, dahil may dala kang flowers at chocolates? Tinignan mo na ba ang relo, thirty minutes to go at tapos na ang anniversary ninyo.”

“May mahalaga kasi akong inasikaso Kim, kanina pa kaya ako dito kaso sarado nga. Tapos hindi pa siya sumasagot sa tawag ko.”

“So, iyong inasikaso mo, mas importante pa sa anniversary ninyo ganun ba? Talagang hindi sasagot si Charie dahil inis na inis na iyon sa’yo.”

“Kim, kung sasabihin ko bang ang inasikaso ko ay sorpresang wedding proposal ko para kay Charie, tutulungan mo ba ako para mawala na ang inis niya sa akin?”

“We-wedding proposal?”

“Oo, Kim, kaya please help me?”

“Oh gosh! Rye, are you serious? Willing akong tulungan ka Rye, pero please lang huwag mo munang ipilit kausapin ngayon si Charie, ako na bahala diyan sa flowers and chocolate mo.”

“Sige, Kim, hindi na muna ako magpipilit kausapin si Charie, just let me know kapag okay na siya at pupunta akong muli dito. Yun nga palang plan sa wedding proposal, pag-usapan na lang natin. Alam na rin ni Nathan at iba pang kaibigan ninyo sa probinsiya ang detalye. Sige Kim, salamat, pasensya na kung nasasaktan ko ang kaibigan mo, pero mahal na mahal ko siya, pakisabi na lang.”

“Sige, Rye, makararating. Ingat ka sa byahe pauwi.”

 

Itutuloy…..

 

 Part 2: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/02/16/wedding-booth-part-2/

 Part 1: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/02/14/wedding-booth/

 

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."