We Make Love, But Not Enough

You call it madness, but I call it love (Photo Credit: wn.com)
You call it madness, but I call it love (Photo Credit: wn.com)

Ako si Marlon, dalawangpu’t isang taong gulang. Nandito ako ngayon para ikuwento ang buhay pag-ibig ko. Halika pag-usapan natin.

Sa tuwing matatapos ang aming rambulan, dahil sa kung may anong pinag-awayan; selos, hindi pagkakaintindihan at kung anu-ano pa, “we make love” Palaging ganun na lang kami, away bati kung sasabihin. Hindi matatapos ang araw na hindi kami mag-aaway, pagkatapos ay “we make love” Pero alam ko noong huling gabi naming “mag-make love” ay tapos na kami, iiwanan niya na ako. Kaya ibinigay ko ang lahat noong gabing ‘yun. Umaasa kasi ako na maayos pa kami, na maibabalik pa namin ang dati naming pagsasama.

Parang lagi kaming mga batang naglalaro lang sa kalsada. Pero ako lagi ang talo, kasi mahal ko pa siya, pero hindi niya na ako mahal. Sinugal ko ang lahat, lahat ginawa ko para mapasaya ko siya, para hindi niya ako makalimutan. Pero sobrang madilim na madilim na ang relasyon namin. Parang wala nang pupuntahan, kung hindi ay paghihiwalayan lamang.

Napakasakit kapag pinapanood ko siyang nagbibihis. Dahil alam kong hindi na siya papapigil pa, baka siguro ayaw na talaga niya. Hindi maipinta ang itsura ko sa gilid ng dingding, kung saan nakapuwesto ang aking kama, nakatitig lang ako sa kanya na para bang nagmamakaawa. Hindi na ako makakilos, hinang-hina na kasi ako, hindi ang katawan ko, kundi ang puso ko.

Limang buwan din ang itinagal ng aming relasyon. Malambing siya noong una, pero siya na rin ang nagsawa. Baka siguro may nakilala na siyang iba, nawalan na kasi siya ng gana. Pinigilan ko siyang umalis, pero hindi na talaga nagpaawat pa. Niyakap niya ako, at hinalikan, animo’y parang kanyang huling paalam.  Iniisip ko nga na yung huling halik niya ay halik kaibigan na lamang. Paano na naman ako? Mag-isa na naman ako. Walang katabi sa gabi.

Noong nagbreak kami, parang natapos na ang mundo ko. Napakalungkot ko, napakabigat ng gising ko araw-araw. Parang hindi ako mapalagay tuwing sasapit ang gabi.  Sa araw-araw na nagdaan, parang lagi akong may hinahanap. Hindi ko maintindihan, dahil ang gusto ko lang ay yung huwag akong mag-isa sa aking kuwarto.

Madilim na naman, wala na naman akong kasama. Kung saan-saan pa ako nagpupunta, kahit maliit na iskinita ay pinapasok ko, baka kasi may tao. Parang ginagawa mo, naghahanap kahit na sino. Kung minsan ay ilang yosi ang nauubos ko sa gabi, maganda kasing instrumento ang sigarilyo, marami kang makikilala. Kung minsan hindi ako natatakot magdala ng kung sinu-sino sa kuwarto ko. Siguro dahil na rin sa makamundong umiiral sa isip ko o hindi kaya’y sa sobrang lungkot, kaya gusto ko ng kasama.  Sandali ko kasing nakalilimutan ang kalungkutan kapag may kalaro na ako sa kama. Kapag mas magaling ka makipaglaro, mas nakalilimutan ko siya. Ginagawa ko ang lahat, pero natatakot din akong magkasakit, pero mas nananaig sa akin ang kalungkutan kapag gabi. Pero panandalian lang ang lahat, “One Night Stand” kung tawagin.

Minsan pati standard ko ibinaba ko na, makalimutan lang ang kalungkutan na aking nadarama. Kahit sino na lang ang pinapatos ko. May mas matanda sa akin, may mas bata pa kung minsan. Para akong nagmamadaling makakita ng ipapalit sa “ex” ko. Hanggang sa makilala ko na nga siya, si Cindy na mas matanda pa sa akin.

Hindi na ako makapaghintay, nanggigigil na ako.  Pero isa lang ang sinabi niya sa akin, “Huwag ngayon Marlon, hindi ka pa handa” Ipinaliwanag niya sa akin, “Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi kapag may nakita ka lang na gusto mo, minamadali mo kaagad siya. Kaya nagiging marupok ka, kasi minamadali mo kaagad, pinipilit agad ang relasyon. Dapat, kapag may nagustuhan ka, huwag susugod agad. Umatras ka muna at irespeto mo ang panahon . Dahil panahon ang magsasabi kung karapat-dapat ba kayo sa isat-isa”

Masarap din pala yung dahan-dahan, yung feeling na may gumagabay sa ’yo.  Masarap magmahal, dahil tinuruan niya ko.  Magdamag lang kaming nagkuwentuhan. Marami akong tanong na sinagot niya lahat. Kahit gabi-gabi man akong may makilala, hindi naman nila totoong natatanggal ang nararamdaman ko, ang kalungkutan ko.

Naging close kami ni Cindy. Palagi kaming nag-uusap tuwing nalulungkot ako. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Minsan nga ay niligawan ko pa siya, pero mas pinili niyang pagalingin muna ang puso kong sugatan.

Sa kuwento ng buhay kong ito, hindi ko alam kung nasaan na ako, hindi ko alam kung nakapag “move on” na ba talaga ako. Hindi naman siguro masama kung nagawa ko ang mga ‘yun. Wala na kasi akong maisip na ibang paraan kung paano lulunasan ang aking kalungkutan.

Hindi ako nanloko; ako pa nga ang naloko at iniwan. Masisisi mo ba ako kung ganito ako? Hindi ko naman pinilit ang sarili ko na gawin ang mga bagay na alam kong mali sa paningin ng maraming tao. Naramdaman ko lang, kaya hinayaan ko na lang. Tao lang din ako, nagmamahal na tulad mo.

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.