Walang Sorry Sorry! (From Bitterness to Betterness)

sorry_no_apologiesMabuti naman at alam mong galit na galit parin ako dahil sa ginawa mo. Hindi ako na-ta-touched dahil alam mong masakit parin sa akin ang pang-iiwan mo sa akin sa ere. Aaaminin kong mahal na mahal parin kita pero this time, AYOKO NA. Wala ka sa mga panahon na kailangan kita. Tapos ngayon sasabihin mong SORRY?

Walang Sorry Sorry sa ngayon. Dahil kung lahat na lang ng bagay ay ihihingi mo ng tawad, mawawalan ng saysay ang bawat pagkakataon na ibinibigay sa atin ng mga mahal natin. Sa ngayon, ang sorry mo ay ‘di nangangahulugan ng pagpapatawad at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa ngayon, ang sorry mo ay para sa isang nasayang na pagkakataon at ang katotohanang hindi na magiging tayo ULIT.

Noong iniwan mo ako, parang wala lang sa’yo. Hindi ba’t isinumbat mo pang selosa ako? Na masyado akong kinakain ng emosyon ko? Kailan lamang ba nagbago ang pananaw mo sa damdamin ko? Noong nakita mo akong umiyak dahil hindi ko na kinaya ang mga sinasabi mo? Na-realize mong ang bawat hagulhol ko ay katumbas ng mga binigay mong sakit. Ang bawat luha ko ay katumbas ng mga hinagpis na ibinigay mo sa akin. At sa bawat tingin ko sa’yo, makikita mo sa mga mata ko na wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin at intindihin ka. Tapos sasabihin mo ngayon na hindi mo sinasadyang saktan ako? Na kasalanan mo lahat? Na insensitive ka at immature? Tapos ngayon hihingi ka ng tawad sa akin na para bang humihingi ka lang ng ice candy sa kalaro mo? Mabuti naman at alam mong hindi na ako maniniwala sa’yo at kahit sa ano mang paliwanag mo. Tama ka, wala ng dapat pang ipaliwanag dahil wala namang magandang paliwanag sa mga bagay na ginawa mo.

Ngayon, sinasabi mo sa akin ang mga bagay na na-realize mo. Na maswerte ka pala na may isang kagaya ko na kahit hindi perpekto ay minahal ka ng walang alinlangan at tinanggap ka ng buong puso. Sinasabi mong nagsisisi ka dahil hindi mo nakita ang mga effort ko. Na bulag ka dahil hindi mo nakita ang bagay na hinahanap mo dahil sa pambabalewala mo? Ngayon iiyak-iyak ka dahil nami-miss mo ako? Dahil na-realize mong hindi mo dapat binitiwan ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng sobra. Ngayon, lilitanyahan mo ko na narealize mo na totoo pala ang kasabihan na “You will only realize how much you love a person when she’s gone.”

Ang sabi mo sa akin, bigla mong naalala lahat ng mga pinagsamahan natin. Mula sa pagsusulat ko hanggang sa kaligayahan ko. Sabi mo namimiss mo ang katahimikan kasama ako, pero sabi mo noon napaka-boring ng buhay ko. Sabi mo noon ang babaw ko dahil napakadali kong mamangha sa simpleng bagay gaya ng magic tricks at kung ano ano pang pambata. Ngunit huli na ang lahat. Huli na para marealize mo na kahit mababaw ako, madali akong suyuin at mapatawa. Minsan nga bago ka pa mag-sorry ay napatawad na kita.

Sabi mo sa akin ay inuusig ka ng konsensiya mo lalo na at alam mong hindi na ako babalik sa’yo. Sabi mo ramdam mo ngayon ang sakit na ginawa mo sa akin noon. Na nakokonsensiya ka at gusto mong saktan ang sarili mo dahil sa mga nagawa mo. Hindi mo malubos maisip na nagawa mo akong saktan ng paulit-ulit when all I did was loving you unconditionally. Ngayon inaamin mo na hindi mo alam kun saan nagsimula ang lahat ng pananakit mo sa akin at nagulat ka na lang na ako na ang nagkusang umalis dahil hindi ko na kaya. Tama ka, inilagay mo ako sa lugar na puro sakit hanggang sa pati mga pangarap ko sa atin ay bigla na lang naglaho. Pinaranas mo sa akin ang sakit na hindi ko deserve. You let me through the dark times but still I loved you. I tried to cope with you. Kahit na napaka-childish mo at kahit napaka-immature pinili ko parin na samahan ka. Ngunit lahat ay may hangganan dahil kailangan ko din isipin ang sarili ko.

Hindi mo ako masisisi kung pinili kong isara ang pinto ko sa’yo. Masyado ng masakit ang mga nangyayari at kapag pinili ulit kita, hindi ko na alam kung makakaya ko pa. Mas mabuti na munang ganito. ‘Yung sarili ko muna iisipin ko. Kailangan mahalin ko muli ang sarili ko dahil kahit ako, nawawalan na ng bilib sa sarili. I need space and time to heal my shattered wings. And besides, you suck the chances you had with me. And I guess, its just fair for me not to accept you AGAIN.

Sabi mo sa akin mahal mo parin ako. Na nariyan ka parin at hihintayin ako kahit na malabo. Hindi ako mangangako sa’yo. This time bahala ka na muna sa buhay mo. Kaya kasi kitang patawarin pero hindi ibig sabihin ay magiging okay tayo ULIT. Kailangan kitang patawarin para sa sarili kong katahimikan. Para sa sarili kong kapakanan. And I guess, even forgiveness isn’t instant.

Kailangan ko ng panahon para muling maniwala na hindi lahat ng lalake ay kagaya mo. I deserve a man who would put me first above anyone else. I deserve a man who would not judge my imperfections. I deserve a man who may not be perfect but would exert an effort to make things work. Not all guys are out to break my heart at sigurado ako, somewhere darating din siya.

Sa ngayon, determinado akong kalimutan ka kahit mahal na mahal parin kita. Kailangan ko itong gawin dahil sobra na ang sakit para sa akin. Alam ko na hindi ito magiging madali, pero sa bandang huli I know it will be worth it. So paalam sa’yo na nanakit sa akin. Paalam sa mga masasakit na ala-ala na naglulugmok sa akin. Paalam na sa mga pagtyatyaga ko sa’yo. Kailangan ko na din talikuran ang pagmamahal ko sa’yo so I can love myself even more. Wala ng U-Turn pabalik sa’yo.

And at this point, WALANG SORRY-SORRY!

About PirmaAtPluma

Mahilig Sa Yellow, pero hindi kay Pnoy|| Madaldal|| A Fan of MSK, RAGubalane, Mike Portes, Kara David and akoposijayson || Fan ni Bob-Ong|| Proud Pinay|| Adik sa Clash of Clans