Walang sinuman ang nabubuhay…. para sarili lamang

Ang ganda talaga ng awiting ito…..

Tila ba tinatamaan tayo kung kaya nahihimig natin nang buong puso.

Nasa isang parte ng ating isipan ang kahulugan…

pero…

ang hirap ipaliwanag nang maliwanag kung ano ang ibig sabihin.

Alam n’yo ba kung bakit?

Ahhhhh……

Simple lang…..
Kailangan mo ng isa pang kawangis mo bilang tao.
Hindi ka kayang tulungan ng iba pang mga nilikha ng Diyos gaya ng mga halaman, hayop, ibon, dagat, hangin at madami pa.

Hindi mo makikita sa kanilang anyo ang sagot.

Hindi mo malalaman ang dahilan kung bakit ka nabubuhay…
Kung ano ang silbi mo sa mundong ito.
Hindi puwedeng iiisa ka lang.
Dapat dalawa kayo o higit pa. Manghihina ka lang at mamatay sa lungkot.

Kailangan natin ng kasama para magkaroon tayo ng rason para mabuhay sa mundo.

Remember? Kaya nga si Adan binigyan ng Eba dahil alam ng Diyos na hindi magiging masaya ang isang tao kung mag-isa lang siya.
Kailangan kasi natin nung taong kukumpleto sa pagkatao natin…yung mag-mo-motivate sa atin.

”Yung magpapaalala at ‘yung aagapay at dadamay sa atin sa mga panahong down tayo at magre-rejoice with us sa mga victories at shining moment ng buhay natin.

Sa madaling salita…
Ang awiting ito ay nagpapakilala sa ating lahat tayo ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang…
kundi…
sa bawat sandali…
kailangan natin ang ating kapwa…
upang mas lalo pa nating makilala ang ating sarili…
maging magaan ang bawat gawain natin sa bawat araw.

Hindi maitatanggi ng bawat tao na kailangan nila ang kalinga ng kapwa upang mas lalo pang maging magaan nilang harapin ang bawat hamon na hinaharap nila sa buhay.

Ayon nga sa isang quotes na nabasa ko sa isang libro…

“Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa pagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal.”

Tayong lahat ay may pananagutan… sa… isa’t isa…

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos… na kapiling niya…

 

 

DFBI KIDS practicing ‘PANANAGUTAN’ song for eventNakakatuwang hapon kapiling ang mga kalakal kids ng Pechayan, Gatchalian

Posted by Joyce Pief on Saturday, May 3, 2014

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")