Walang pang Lablayp o Wala pang Sahod? The Petsa De Peligro Starter Pack

Image via Pexels

Sa totoo lang, mahirap para sakin na pag-usapan to dahil first of all wele akeng lablayp. Pangalawa, wala pa rin akong sahod. Pangatlo, pangit pa ako (joke to). Pero dahil kaligayahan ko to, sige na lang. Lablayp o suweldo? We all know na hindi pa ‘to natatanong sa kahit anong beauty pageant or buy bust operation pero sigurado ako na  natanong na natin ‘to minsan sa mga sarili natin.

Mahalaga ang lablayp sa isang banda ng buhay. But gutom is real, ‘ika nga.

Mas mahirap pakalmahin ‘yung mga naghuhuramentadong bulate sa tiyan kaysa sa pinaglalaban ng mga puso natin. Kaya nga napakaimportante sa atin ang kinsenas at katapusan dahil ‘yun ang magde-define ng existence natin sa mundong ibabaw.

Pero paano nalang kung maabutan tayo ng petsa de peligro?

Ito yung mga alanganing araw (13,14,28,29) bago ang sahod. Mga araw na nakikipaglaban tayo kay kamatayan dahil wala ka nang sapat na pera para sa pamasahe mo at pagkain. Mga araw na nakakakita ka na ng puting liwanag at may kumakaway na sa ‘yo sa malayo.

Ang dahilan? Hindi tayo marunong mag-budget. Magastos tayo; Bitch tayo. So narito ang ilang scenario pag inabutan tayo ng petsa de peligro.

Kapit na, mga beshy….

Petsa De Peligro Starter Pack:

1.) Kinakabahan ka na dahil hindi mo alam kung hanggang saan na lang aabot ang 300 pesos mo.

2.)    Nagre-research ka ng magandang luto ng Century Tuna sa YouTube.

3.)    Nagiging malapit ka sa langit  “mumshie, may sahod na daw ba?” (sabay hawak sa rosaryo).

4.)    Laman ng drawer mo sa opis? Mga pang-zombie apocalypse na pagkain; cup noodles, sardinas, daing na bigay sa ‘yo ng tito mo sa Palawan, inaamag na Gardenia at Katinko.

5.)    Naghahanap ka ng mga pa-free taste sa mall.

6.)  Hindi kana sasakay ng taxi. Instead, handa kang sumabit sa jeep at ipakaladkad ang mura mong katawan makatipid lang.

7.)    Lagi kang may dalang sky-flakes sa bulsa mo.

8.)    Gigil na gigil ka nang gamitin ‘yung points ng SM Advantage card mo at suki card ng Mercury Drug.

9.)    Naalala mo bigla ‘yung 500 pesos na utang ng kaibigan mo 5 years ago.

10.) “Kayo na lang, diet ako” ang lagi mong palusot sa mga friends mo pag niyayaya ka nilang kumain sa canteen habang nanginginig ‘yung labi mo.

11.)  Mas mahalaga na sa ‘yo ang salitang “libre kita” kaysa sa salitang “mahal kita”.

12.) Dahil pumapatay gutom level ka na, nag-uulam ka na din ng fishball sa tanghalian.

Si Jaclyn Jose ang nagpapaalala sa ating lahat na mahirap isubo ang fishball pag bagong hango sa kumukulong mantika…

13.)  Expert ka na sa iba’t-ibang uri ng texture ng pancit canton at brand ng sardinas. Lahat ‘yun binigyan mo na rin ng scientific name.

14.) Naiisip mo nang ipabenta ‘yung isa mong kidney sa Lazada.

15.)  Paranoid ka na. Gusto mo nang tawagan ‘yung direct line ng accounting sa head office n’yo. Dahil feeling mo sinasabotahe ka.

16.) Mga salitang ayaw mong marinig sa mga panahong ‘yan; sale 20% off, Starbucks, extra rice, spare ribs, hindi raw makita ang timesheet mo.

17.)  Naisip mo nang patulan ‘yung isang opismate mo na niyaya kang magkape dahil sa tingin niya  ay open-minded ka raw. Sayang din ‘yun, ‘di ba. Pawer!

18.) Pinaghahalo mo lahat ng leftovers na pagkain sa ref n’yo at nakakabuo ka ng bagong menu na hindi pa nadi-discover kahit ng mga miyembro ng Kadamay.

19.) Magte-text ka na sa mama mo na wala ka nang pera at kailangan ka niyang pahiramin or else masasadlak ka sa prostitusyon, charot!

20.) Atat na atat ka nang magpost sa Facebook ng #FeelingBlessed pero wala pa rin kayong sahod… deym!

Jowa is life but suweldo is lifer. Mas masarap ka-holding hands ‘yung bote ng beer tuwing Friday kaysa sa boypren mo na niloloko ka lang din.

Maaaring magkaiba tayo ng konsepto sa pag-ibig pero ang mahalaga, sanay tayong mag- survive sa mga mala-post apocalyptic na pangayayari sa buhay natin. Sanay tayong harapin lagi ang petsa de peligro at sanay na tayong magbukas ulit ng lata ng sardinas sa susunod na suweldo.

 

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/