Wala Na Nga Bang Himala? Natuloy Ang Hulihan Dito Sa Saudi Arabia!

Crackdown begun yesterday, November 4, 2013 sa bansang may humigit- kumulang na libo-libong kababayan natin ang sinasabing illegal o undocumented pa rin ang status matapos ang ilang buwan na palugit ng hari upang sumunod sa bagong ipinatupad na batas.

Dagsaan na ulit ang mga kalahi sa Bahay Kalinga upang matiyak na hindi maisamasa hulihan.

Ilan na rin sa mga kababayan ay nakaranas na itaboy at sapilitan na pinapalayas ng mga kasera ng inuupahang bahay dahil sa takot na sila ay madamay.

Kung anu-anong balita ang kumakalat ukol sa inspeksiyon at hulihan na magaganap.

Samu’t-saring mga anunsiyo ukol sa mga dapat gawin. Ito ang pinaka-pangunahing balitaktakan ng mga kasalukuyan na nasa Saudi Arabia.

Pati nga mismong si Bise-Presidente Jejomar Binay ay hindi nagpahuli at kung kailan ilang araw na lamang ng takdang araw ng deadline saka kuno susulat sa hari ng bansang Saudi para humiling ng extension.

Kasi kung susumahin ay buwan pa ng Abril nagsimulang nagdagsaan ang mga kababayan natin na dumulog sa embahada para ayusin ang kanilang mga dokumento ay kung may libo-libo na silang naitalang napauwi, may libo-libo pa rin na hindi.

Maglalabasan na naman ang mga epalitiko na sasabihin na, “Bakit itong mga gumagawa ng illegal ay kakapal ng mukha na sisisihin ang gobyerno, samantalang salot lamang sila na dagdag problema ng lipunan!”

“Iyong iba noong kainitan ng hulihan ay nagkukumahog na nakikipagsiksikan sa tanggapan ng gobyerno para makapagayos ng mga papeles ay pursigidong-pursigido pero dahil napagalamanan ang pagkakaroon ng extension ay nagsipaguwi ng mga bahay at tineka-teka ang pagpapatuloy ng pag-aayos. Tapos ngayon na huling sandali na naman ay matataranta at kung sinu-sino ang sinisisi.”

Ooopps! Teka lang! Maghunos-dili ka muna! Kahit pa sabihin mo na alam mo ang sintemyento nila at hirap nila ay maaari ka na lamang humusga lalo na at ang kuwento ng isang “takas” ay hindi naman magkakatulad.

Sa sariling pananaw ko lamang ay hindi naman ito naging lubhang malala kung walang mga ahensiya na simula pa lamang ay sinisigurong hindi balasubas ang amo para hindi takasan.

Siguro ay kung walang ahensya na mapuno lamang ang bulsa nila ay kahit nakapagreklamo na ang mga ipinadalang tauhan na sila ay minamaltrato o inaabuso ay pinakinggan at nakipagtulungan para sa mabuting kapakanan ng kababayan.

Siguro naman hindi dadami ang mas niyakap ang buhay ng pagiging illegal kung ang unang kunong nagsabing tumakas sila mula sa amo ay sasabihing bibigyan sila ng matinong trabaho na may malaking sahod. Ngunit isa rin palang halang ang kaluluwa at inilagay sila sa panganib. Sino ba naman ang hindi maeengganyo kung nakahiga ka lamang sa banig ay bibigyan ka ng napakalambot na kama at magarang kuwarto?

Hindi rin siguro lalala kung may mga Arabo mismo na hindi marunong sumunod sa mismong batas na ipinapatupad sa sariling bansa. Mga walang konsensiya at may hindi makataong pagtrato.

Hindi rin siguro dadami ang bilang ng mga illegal kung sakaling si OFW ay tatawag sa embahada o POLO-OWWA ay imbes na pakinggan ay babalewalain at sa kadulu-duluhan ang magiging payo ay ang pagtakas.

Hindi rin siguro mahirap kung ang mismong Ministry of Labor, Ministry of Interior at Jawasat ay may mabilis na pagproseso ng mga lumalapit na iba’t-ibang lahi na mga undocumented workers.

Hindi lalo aasa ang mga kababayan magpasahanggang ngayon kung ang inaasahang bagong sponsor ay pinapaasa pa rin magpasahanggang ngayon at hindi pa rin kumikilos.

Hindi rin magiging miserable at mawawalan ng pag-asa sana ang ilan sa mga undocumented OFWs kung walang halang ang kaluluwa na mismong kalahi na magpapanggap na awtoridad na may kakayahan magbigay ng exit visa o travel documents kapalit ng kaunti kuno na halaga bilang tulong, iyon pala sa mismong paliparan ay mauunsyami ang pag-uwi dahil malalaman na napeke.

At marami pang naging dahilan o mga balakid kung kaya’t marami ang nanganganib sa ating mga kababayan ang makalaboso.

Ngunit mas sa tingin ko na talagang matinding sanhi ng maraming bilang pang natitira na illegal ay ang napakakaunting panahon na ibinigay na palugit ni Haring Abdullah.

Sana lamang mga kababayan, hindi na ito panahon ng pagsisisihan bagkus ay matinding pagtutulungan.

Masakit nga lamang isipin ay mayroon pa rin magiging ahas sa ating mga kababayan na siyang mismong magpapasuplong sa kanyang kalahi kapalit ay tumataginting na halaga para mapuno ang bulsa.

Kung iisipin ng lahat, sadyang napakabuti ng bagong ipinatupad na batas sapagka’t ito ay para sa kabutihan ng lahat at maiwasan ang mga colorum na kumpanya na sanhi madalas ng mga problema.

Kung inyong babasahin mula sa panukala na isinalin ng Patnubay Online walang nakasasama kung iyon ay susundin lamang:

Mula sa Patnubay Online, para sa lahat ng ilegal at di pa nakakapag-ayos ng status nila. (Saling Tagalog)

Patnubay Online panawagan pong muli para sa mga ilegal na manggagawa sa Saudi Arabia . Ang 3 Nobyembre 2013 deadline na itinakda ng Ministry of Labor ay hindi na nabigyan ng karagdagang EXTENSION. Simula kahapon ang awtoridad ay nagsagawa ng malawakang pag check ng mga tanggapan, Residences, shopping mall at motorists.

Ito ay ang pagsasalin sa Tagalog ng abiso na pinakalat sa pamamagitan ng Ministry of Interior – Passport Department.

Sinuman na lumalabag sa mga sumusunod ay ide-deport:
1. Nag-expire residence permit ( lqamas )

2. Yaong pagtatrabaho sa mga tao bukod sa kanilang mga sponsors.

3. Mga tao na ang mga posisyon ng trabaho sa kanilang mga Residence Permit o Iqama ay iba sa kanilang tunay o actual na trabaho.

4. Ang mga taong magpatakbo ng isang komersyal na negosyo direkta man o hindi direkta para sa kanilang sariling mga benepisyo.

5. Mga tao na nagtatrabaho sa larangan ng real estate , reception , seguridad at metallic works.

6. Construction at mga lunsod o bayan manggagawa na ang edad ay lumampas apatnapung taong gulang o sino magdusa sakit o pagkamatay ng kabyak ng katawan.

7. Babaeng kasambahay, Family driver at Guards na nagtatrabaho sa mga tao bukod sa kanilang mga sponsor. Ang isang Family Driver ay dapat nagmamaneho lamang ng sasakyan ng kanyang sponsor at ang isang guwardya ay dapat na nagtatrabaho o nagbabantay sa isang gusaling pag-aari ng kanyang sponsor. Ang isang babae kasambahay ay dapat na magtrabaho lamang sa isang bahay na pag-aari ng kanyang sponsor.

8. Lalaki at babaeng guro at lalaki at babaeng manggagawa na magtrabaho sa pribadong paaralan na walang Residence Permit o Iqama na ibinigay ng may-ari ng paaralan. Sa kasong ito, ang paaralan ay isasara at ang lisensya nito ay babawiin at ang may-ari nito ay dapat magbayad ng multa. Ang natitirang bahagi ng mga empleyado ng paaralan ay deportado at ang paaralan ay hindi na papayagang makakuha ng foreign workers.

Bukod dito ang mga sumusunod na pamamaraan ay ipinatupad:

1. Ang Inspeksyon ay ipatutupad sa pamamagitan ng Passport Department, pulis patrols, puklis trapiko, at iba pang kaugnay na mga organisasyon tulad ng City Council, ang Ministry of Labor, ang Ministry ng Edukasyon at iba pang mga organisasyon.

2. May posibilidad na magkaroon ng patrols upang suriin ang mga bahay kasama ang ilang babaeng inspectors.

3. Ang mga isang ilegal ay ide-deport kasama ang kanyang dependents . Kung ang isa sa mga dependents ay ide-deport, ang kanyang mga tagapag-alaga o guardian at ang natitira sa mga dependents ay ide-deport din.

4. Ang mga karanasan at mga sertipiko ng mga indibidwal na nagtrabaho sa administrative na trabaho ay ive-verify at sinusuri ayon sa kanilang tunay na mga trabaho at ang kanilang mga sahod. Higit pa rito, ang kanilang aktuwal na pagtatrabaho ay susuriin.

5. Pagdeport ng mga indibidwal na naghihintay ng hatol ng hukuman kahit na ang hatol ay natapos o naipatupad na o kahit na mapatunayang may sala ay napatawad na.

6. Pagdeport ng mga expatriates na lumalabag sa mga patakaran ng trapiko kapag ang kanyang mga paglabag sa trapiko ay lumampas sa pinapahintulutang limitasyon.

7. Lahat ng expatriates na hindi nag-renew ng alinman sa kanyang expired na permit o lisensya ay ide-deport din.

Ang nasabi sa itaas ay gagawin ayon sa sumusunod:

1. Ang proseso ng pag-inspeksyon ay sasaklawan ang higit sa 500,000 na mga gusali na nakarehistro bilang mga organisasyon na nagha-hire ng mga expatriates at hindi nagha-hire ng mga Saudis.

2. Ang multa ay maaring umabot sa higit 100,000 Saudi Riyals at ang pagkakulong ay aabot ng isang taon para sa mga taong nag-eempleyo o nagtatago ng unsponsored na manggagawa.

3. Ang Saudi na nag-hire o nagtatago ng unsponsored na manggagawa ay bayaran ang gastos ng pag-deport ng mga manggagawa.

4. Ang mga kampanya ng inspeksyon ay ipatutupad sa araw at gabi at sa lahat ng mga kalsada at mga kapitbahayan at sa buong Kingdom.

5. Ang mga kampanya ng inspeksyon ay sumasaklaw sa mga ospital, mga paaralan, mga tindahan, mga malls, ang pabrika, ang mga sakahan at iba pang mga entity ng iba’t ibang mga natures ng trabaho at sa lahat ng mga lugar kabilang ang mga lugar sa paligid ng dalawang Banal na Mosque at ang paligid ng mga paaralan at mosque.

6. Ang pangalan deportee ay maililista sa black list at hindi papayagang makapasok sa Kaharian magpakailanman.

7. Ang taong nagtatago o nag-hire ng isang unsponsored na dayuhan ay hindi bibigyan ng bagong visa ng ang panahon na iyon ay pagpapasyahan ng batas.

8. Ang bawat taong nagbibigay ng pabahay / kanlungan para sa alien na walang pahintulot ng paninirahan ay isasaalang-alang bilang paglabag sa patakaran at ang mga batas sa bagay na ito ay ilalapat sa bawat bilang sa bawat sitwasyon.

9. Ang campaign organizers ay umaasang makakapagpa-deport ng 3 to 5 milyong ilegal na residente o mga walang Residence Permit o Iqama.

Walang masama kung sumunod lalo na at dayuhan lamang tayo at nangangamuhan. Wala tayo sa lugar magreklamo.

Kaya mas mabuting ipinalanangin na sana ay maging ligtas ang bawat isang Filipino sa bansang nais lamang ay maitaguyod ang sarili o pamilyang umaasa.

Iwasan din ang pakikinig sa sabi-sabi at matakot sa mga alingasngas sa paligid at mga kuwentong kutsero. May sapat na kaisipan at tamang diskarte ang bawat para mailagay ang sarili sa kaligtasan.

Hindi uso ang “Ignorance Of the Law is an excuse!” Dahil kahit saan ay nagpakalat ng impormasyon ukol dito. Tiyak na magiging uso ang tagu-taguan hindi lamang sa ilalim ng buwan ngunit kahit tirik na tirik ang liwanag ni haring araw.

Marami rin tiyak ang maglilipana na magmamagaling at dunong-dunungan na mga kababayan, walang masamang makinig ngunit matutong magsaliksik pa ng lubusan.

Laging maging listo at handa! Filipino ka tiyak na magagawa!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.