Wag Kang Tanga, Pls. lang

Photo courtesy of http://paimeiitguy.files.wordpress.com

Photo courtesy of http://paimeiitguy.files.wordpress.com
Hindi ko alam kung nag-tatanga-tangahan o sadyang tanga lang talaga ang ibang Pilipino. Sa araw-araw na buhay mo paglabas mo pa lang ng bahay makakakita ka na ng TANGA! ( hindi ko gagamitin ang salitang “bobo” dahil wala daw taong bobo). Ito ang mga halimbawa ng mga tanga na alam kong madalas mo rin nakikita pero dedma ka lang.

“BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY” Bakit ba parang ang tatamad na ng taong maglakad papunta sa tamang tawiran? Ilang milya ba ang layo ng overpass o pedestrian lane mula sa pinagtawiran nila? Baka naman gusto lang nilang laging may thrill, yung tipong para kang si Agent 007  habang nakikipag-patintero sa rumaragasang mga sasakyan. Wag mo sa aking idahilan na hindi mo napansin na bawal palang tumawid dun. Kulay pink na nga, hindi mo pa rin napansin? Mag-bigti ka ng engot ka.