Vice Ganda’s 2010 Election Jokes

10:42 PM | 02/10/2013
http://img.youtube.com

Flashback to 2010. Hindi ako fan ni Vice Ganda, at aminado ako na hindi na ako masyadong fan ng kanyang “makapilosopong-babaw na jokes” (na nauso salamat sa Showtime at natampok sa Vice Ganda Syndrome ni Juan Mandaraya).

Pero mas trip ko ang mga komedyante na bumibitaw ng satire comedy jokes. Tulad nito, ang simpleng pamimilosopo sa mga sa mga tagline ng mga campaign ads sa mga pulitiko, lalo na umaakma ito sa panahon ng eleksyon noon.

Ang ilan sa mga kataga na binitawan niya sa videong ito na kinunan sa gig ng nasabing komedyante sa Islang Cove at inupload sa YouTube channel ni Ivan Sinsin noong Abril 27, 2010 ay mga ito…

“At hindi naman porket kumain ka sa kalsada, mahirap! Pa’no kapag nagdrive-thru ka?”

“Aalagaan kita!” “ Sana noong maliit ako… Kaya ko na nga gumawa ng lahatKaya ko na nga magbate no?!”

“Ganto kami sa Makati!” “O pano kung taga-Cavite ako, ba’t luluwas ako? Okay naman buhay ko sa Cavite, ba’t iinggitin mo ko sa Makati?”

“Gusto ko happy ka!” “Sana tinanong mo ko kung ano makakapagpa-happy sa akin e. Hindi yung… parang tanga! Kaloka!”

“Hindi ako magnanakaw.” “Weh, ano, mangungutang lang? Tapos wala nang bayaran?”

“Erap para sa mahirap!” “Papano yan mayaman na ako, ‘di na ‘ko kasali? Dapat para sa lahat! Sa mayaman at sa mahirap, pantay pantay. Pag mayaman special? ‘Pag mayaman ‘di pwede? Gago!”

“Naligo ka na ba sa dagat ng basura?” “Ang baho-baho dun, maliligo ka?”

“Ano yung kay Gibo? Yung naka-eroplano siya? Puta ka traysikel nga wala pang masakyan!  (Nilo)loko niyo kami!”

Pero sa kabila ng mga patawa, isa lang ang pinunto ni Vice Ganda dito. Mag-isip-isip ang mga tao para sa kinabukasan ng bayang ginagalawan. Para sa ikabubuti ba ng bayan at ng sinumang tao, maging maligaya ang bawat isa.

At sabay segue sa kantang Ligaya.

Well, malay natin… sa ating pagagala sa mga comedy bar at panunood ng mga gag shows e may makikita ka pa na ganito kahit papaano.

At sa totoo lang, mukhang ito na lang ang paraan para sa mga tao sa lipunan na makialam sa mga nangyayari sa lipunan. Oo, idaan sa mga patawa ang lahat ng kaganapan sa pulitika.

Panoorin ang video na “Vice Ganda:Jokes about Philippine Election 2010” sa http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=-DA0eRKz040.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions