Vice Ganda, nagbigay ng leksiyon tungkol sa mga “friendly” chats na nakasisira ng relasyon

Image from ABS-CBN Entertainment via YouTube

Hindi naiwasang prangkahin ng komedyanteng si Vice Ganda ang isang kalahok sa Tawag Ng Tanghalan noong naikuwento nito ang tungkol sa nasira niyang relasyon dahil sa pakikipag-chat sa iba.

Ayon sa kalahok na si James Alfafara, nakipaghiwalay umano ang kaniyang dating nobya sa kaniya noong nalaman nitong nakikipag-chat siya sa ibang babae.

Ang daming relasyon ang nagsimula at natuloy nang dahil sa pakikipag-chat, at ang dami ring sinira ng chat na ‘yan,” sabi ni Vice patukoy sa nangyari sa relasyon ni Alfafara at ng kaniyang dating nobya.

Image from ABS-CBN Entertainment via YouTube

Depensa naman ni Alfafara, ang mga chats daw na iyon ay “friendly” chats lamang, ngunit kinontra naman ito ni Vice, “gasgas na gasgas na ‘yang linyang ‘yan — ‘Bilang kaibigan lang,” aniya.

Sa isang parte, ibinahagi ni Vice ang kaniyang sariling karanasan tungkol sa pakikipag-chat. “May mga taong ka-chat mo, pero alam mo kung bakit mo sila ka-chat. Magprangkahan na tayo. Kaya kayo nag-cha-chat, kasi naglalandian kayo.”

Dagdag pa ni Vice, kapag may karelasyon na ang isang tao, dapat umanong tumigil na ito sa pakikipag-chat sa ibang tao.

E, nagkaroon ka ng girlfriend, dapat stop na ‘yung chat ng pakikipaglandian. Kasi puwede ka rin namang makipag-chat sa mga barkada mo, e. That’s normal. Pero alam mo sa sarili mo kung sino roon ang ka-chat mong tropa mo talaga, at kung sino roon ang ka-chat mong kalandian mo,” aniya.

Pagpapatuloy ni Vice, “Alam mo ‘yung, ‘Kumain ka na ba,’ malandi ‘yun, ha. Bakit kailangan mo alamin kung kumain na ‘yung tao, kung hindi naman ganu’n kalapit sa ‘yo?

Alam umano ni Vice ang totoong pakay sa pakikipag-chat dahil siya mismo ay ginawa rin ito, hanggang sa itinigil na niya dahil sa nagkaroon na siya ng karelasyon.

Puwede namang aminin na, ‘Kalandian ko ‘yan dati,’ pero deadma na ako. Kasi kahit naman ako, may kalandian ako dati, pero noong dumating ka, hindi na ako lumandi,” pag-aamin ng komedyante.

Dagdag naman ni Tyang Amy na kasama ni Vice sa pag-host, “siguro lang baka learning experience para sa ‘yo na maybe next time baka puwedeng hindi na. Lesson learned,” na ang tinutukoy ay ang pakikipag-chat sa iba.

Sa huli, sinabi ni Vice na: “Kaya huwag kayong umarteng nasasaktan kayo, kung sa katotohanan ay nakipaglandian naman talaga kayo.”

Image from Its Showtime via Instagram

Nilinaw naman ng komedyante na ang mga pangaral na iyon ay hindi nakadirekta kay Alfafara kundi para sa publiko.

Marami namang mga netizens ang naka-relate sa pangangaral ni Vice.

“Hello sa mga nasirang relationships ng Messenger. Haha!”

“I’m a victim of KUMAIN KA NA BA Lintek”

“CHEATER Tandaan, ang pakikipag cheat di lang physical, once na may iniisip ka na na iba cheater ka na.”

“love u Vice I feel u HAHA”

Napapabalitang magkarelasyon si Vice Ganda at ang kasama nito sa It’s Showtime na si Ion Perez, na kamakailan ay gumawa ng headline nang tinawag niya ang komedyante bilang isang taong “special” para sa kaniya.

Source :

ABS-CBN, YouTube