“Valentine’s Day na? Eh ano ngayon???”

DAHIL buwan na naman ng Pebrero, umaapaw na naman ang peb-ibig sa paligid at orlie heartmga alipores ni kupido. At ang mga inlove, siguradong may kanya-kanya ng mga plano o balak sa darating na Valentine’s day. Pero ‘yung mga tulad ko na single, paniguradong nganga ngayong darating na araw ng mga puso! haha

Pero teka, komo ba single ka ay magmumukmok o magsesenti-sentihan na ang drama mo?

E, ano ngayon kung sa darating na Valentine’s day ay magce-celebrate ang mga friends mo o kaya kakilala kasama ang kanilang jowa o asawa?

E, ano ngayon kung punuan na naman ang mga hotel o motel ng mga parokyano sa araw na ito?

At ano ngayon kung nasa bahay ka lang sa araw na ito at walang date o marereceive man lang na flowers, chocolates and cards?

Isipin mo na lang na ordinaryong araw lang ito. At kung peg mong i-feel pa rin ang okasyong ito kahit wala kang lovelife, then go! Gawin mo ang sa tingin mo ay mag-eenjoy ka. Basta ‘wag mo lang hayaang maramdaman mong maiinggit ka sa mga kakilalang may bonggang lovelife at bonggang date sa araw ng mga puso. At huwag mong isiping malas ka. Naku, lovelife lang ‘yan. Pramis, darating din ang moment mo na ikaw din ang sasalo sa pana ni kupido. In short, magkaka-lovelife ka rin. Tiwala lang.

At sa mga happily in love o happily married ang status o hindi, kesyo may celebration man kayo o wala ng inyong partner, siguradong ang Valentine’s day ay may malaking impact sa inyo. Lalo na’t kapwa kayo in love pa rin ng partner mo sa isa’t isa.

For sure, may mga iba na ngayon pa lang ay all set na ang surprise nila sa kanilang pinakamamahal sa darating na Valentine’s day. Kanya-kanyang trip o pakulo na rin ang iba. Kaya goodluck sa inyo!

Ang araw ng mga puso ay hindi lamang para sa mga married o in a relationship ang status. Ito ay para sa lahat. Love has so many forms, ika nga. Kaya puwede rin natin itong i-celebate kasama ang ating pamilya o kaibigan. And we should always spread love to everyone not only this coming Valentine’s day. Sabi nga nila, dapat ay pag-ibig lagi ang mangingibabaw sa buong mundo. Dahil kung walang pag-ibig, the world will not go round.

Kaya inlove ka man o hindi, siguradong maaalala natin na ang February 14 ay araw ng mga puso.

Pero kung bitter ka pa rin at hindi pa nakaka-move on hanggang ngayon, siguradong masasabi mo ang mga katagang ito:

“VALENTINE’S DAY NA…E, ANO NGAYON?”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.