Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon?! (v. 2016)

2/11/2016 10:22:32 PM

For the nth time, Valentine’s Day na naman. Araw ng mga puson, este, puso. Araw ng mga nagmamahalan. Araw ng mga naglalandian — ay, nagmamahalan ba? Sorry — na mga magsyota; habang araw naman ng kabitteran ito sa mga single. Oo, Single Awareness Day daw sa kanila. Ang SAD no?

Eh ano naman ngayon? 2016 na, hindi ka pa rin nagsasawa na magrant bout Valentines Day?! Bitter O ’Tampo ka talaga e no?

Mali, mga t**a lang talaga kayo para manghusga kagad.

heart_nyc

Oo, Valentine’s Day na nga. 2016 na nga! E panay kalandian/”pagmamahal” pa rin yang inaatupag mo samantalang nananatiling wapakels ka pa rin sa mga nangyayari sa bansa. Hindi mo ba napapansin na baka nililigawan na rin yang jowa mo ng pulitikong tumatakbo ngayong eleksyon? Aba, kung gusto niyong bumuo ng future ng jowa niyo, aba magseryoso din kayo sa pagmamahal sa bayan, ano po?!

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon?

Maliban sa talamak ang bentahan ng mga bulaklak, tsokolate at ultimo ang condom at pills, good luck na lang kasi sigurado — kung bihira — na walang bagsakang presyo ang magaganap diyan. Malamang, diyan papasok ang komersyalismo.

At yan ang problema sa araw na yan. Nadadala ang iba sa ganyang klaseng konsepto. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kadalasan ay puno ang mga lugar gaya ng magagarang hotel, motel, restaurant, at ultimong mga sinehan, bar at mall?

Pero espesyal ang valentine’s day e. Talaga lang ha? Para sa mga taong nagmamahalan, bawat araw ay espesyal. P***a. Kalokohan. Ginawan n’yo lang ng titulo ang araw na parang ang dating ay pag ordinaryong araw ay ang hindi ninyo tinatrato ang mga syota/asawa n’yo ng mas espesyal? E paano ‘yung mga minanamahal nilang anak, o magulang, o kaibigan, o dili naman kaya’y malalapit na kamag-anak?

Click here to continue reading.

Author: slickaster | (c) 2016 september twenty-eight productions