“Uwian na, may nanalo na!” Reaksyon ng mga netizens sa Ultra Lotto winners, nakakaaliw

GMA Facebook post

Oo, napagwagian na ang Ultra Lotto 6/58 na pinakaasam-asam ng milyun-milyong mananaya. Ang makasaysayang jackpot na umabot na ng Php 1,180,622,508 ay may dalawang winners, ayon sa resultang inilabas ng PCSO.

Bumuhos ang reaksyon at komento sa pangyayaring ito na sa wakas ay may nagwagi na rin. Bago pa ang draw nitong October 14 ay umugong na ang maraming haka-haka, kumalat na ang viral video ng dalawang matandang nagtalo at marami rin ang nagduda kung totoo bang may nananalo sa malaking halaga. Gayun pa man, sige lang na bumuhos ang mga pagtaya kaya lalong lumaki nang lumaki ang mga jackpot prize sa Lotto games; hindi lang sa Ultra Lotto.

Kamakailan lang ay may 2 winners sa 6/45 at may isang winner naman sa 6/42 na puro usapang milyones ang jackpot. Grabe ano! Nagsitaas talaga ang mga jackpot sa iba-ibang games ng PCSO.

Mangyari kasi’y marami ang umaasa na sa pamamagitan ng lotto ay mabago ang kanilang buhay, ‘di ba? Kasama na ako riyan bagama’t hindi ako palagiang nakatataya…hahaha Inggit much sa winners.

“HUMOR IS LIFE”

Well, ang mga Pinoy ay likas talagang mataba ang utak pagdating sa HUMOR, at mga talunan man, mababakas ang “resilience” sa mga komento at reaksyon.

Narito ang ilan na talaga namang naghatid ng tawanan dito sa amin. Hango ito sa post ng GMA News sa Facebook kung saan ay lampas 30,000 comments ang bumuhos; pwera pa sa ibang pages na nakakaloka talagang mabasa.

“UWIAN NA MAY NANALO NA HAHAHA”

“Hay salamat may nanalo na, malapit na maubos puhunan ng tindahan ko sa kakataya, salamat Lord. yes may nanalo na! ang saya ko.”  ^_^

“Sa wakas. Makakahinga narin ang bulsa ko at puso ko. Congrats sa dalawang nanalo. Pahingi nMan ng pangparetoke. Papa Vshape lang ako sa Korea”

“Buti na lang, yung pangtaya ko dapat, nakaipon ako ng pampatayo ng bahay! Yehey! No regrets at all!”

“Ako rin, di makatulog sa gabi kung saan ko ba gagastusin ng mapapanalunan ko. Ang kaso never pa akong tumaya.”

“Badtrip yan ah! Haha Malas ko talaga kahit simpleng raffle lang sa school di manalonalo. Pero kapag recitation ako unang nabubunot. Bat ganon”

“Sa wakas. May nanalo rin. Hinde na ako uutusan ni papa tumaya ng lotto pag hapon.hahaha”

“Hayyyy Salamat sa Diyos, may nanalo na. Di na ako mastress sa kapaplano kung ano ang gagawin ko sa 1 billion kung ako ang mananalo. Di na rin ako mapipilitang tumaya. Grabeee I’m free… hahaha”

“Salamat at may nanalo na. Salamat at balik normal na uli ang mga tao sa Pinas. Wala na uli napakahabang pila. Sa dalawang nanalo, ako nga pala yung nawawala nyong kamag anak at matagal ko na kayong hinahanap. Namimiss ko na kayo.”

“Skeptics and Doubters”

“Sana kahit picture ng ticket lang i-post ng PCSO may date naman na naka-indicate don para naman makita ng mga tao na talagang may nanalo .. Just Saying!”

Let’s all hope that the Two (2) winners are for Real… Not just another ghostly winners and the money will be used for next year’s elections… Better luck next time guys.”

“Nung umugong na ang usap-usapan tungkol sa gagamitin ang jackpot na ito sa eleksyon sakto namang may nanalo na. naisip ko lang.”

“Sana lang mapatunayan ng PCSO na totoong may mga nanalo at walang magic.”

“Thankfuls”

Mayroon din namang mga nagpahayag ng kasiyahan hinggil sa PCSO at sa charity na hatid nito; sabay banggit na may mga kaanak at kaibigan silang nabiyayaan ng tulong ng PCSO sa panahon ng mabigat na karamdaman.

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Source :

Facebook