“Utang”

(Photo Credit: tvhhub.co.uk)
(Photo Credit:  tvhhub.co.uk)
(Photo Credit: tvhhub.co.uk)

“Nabubuhay tayo sa Utang!”

Mga katagang madalas kong naririnig sa kahit sinong taong nakahahalubilo; sino ba sa atin ang walang utang?

Kahit pa mga elementaryang bata ay marunong nang mangutang ng papel o ng ice candy sa kaklase at babayaran na lang kapag binigyan ng baon ni nanay. Isang batang paslit ay nakapangungutang na sa tindahan ng chichiria.

Mga empleyado? Nakooow! Nauuna nang i-loan ang mga suweldo nng mga iyon. Mga Atm ay nakasangla sa mga nagpapautang at sukli na lang ang natitira para sa kanila. Makikita mong makakapal ang mga wallet sa likod ng pantalon? Resibo at mga kung anu-anong id at papel ang laman ng mga iyon. Mga nakade bag na mga LV, gucci, o pradang mga imitasyon sa tuwing gagala, ang iba pahulugan iyon ng mga bombay. Suklay at pulbos lang ang nasa loob nun..

Ang isang simpleng mamamayan, kahit ayaw mangutang, kahit tinitikis na ang mga sariling hindi mangutang. Sila naman ang pinupuntahan ng mga nagpapautang.

Tulad ng mga MICROFINANCING COMPANY, magka-conduct pa ng libreng seminar sa mga tao sa barangay at mag-ooffer ng napakaraming mga benepisyo. Tulad halimbawa ng medical assistance.o insurance, kapag namatayan ang miyembro, may libreng bigas at korona ponebreng ibibigay bilang abuloy. At kung ano-ano pang pakulo para maraming magpapamiyembro.

Hindi na iyan nakapagtataka dahil kahit pa ang mismong Pilipinas ay balot ng utang sa World Bank. Mga malalaking negosyante, mga mayayaman at mga nagkakamal ng salapi ay ‘di mo akalaing may utang din pala ang mga iyon. Mga simpleng mamamayan pa kayang isang kahig, maraming tuka ang walang utang?

Marami ngang pangyayaring mga kilalang tao ay nagpapatiwakal dahilan lamang sa utang.

Ako si Cindy, kuwarenta anyos, isang simpleng OFW, HSW(household service worker). In short, DH, iyan na raw kasi ang bagong pangalan sa mga katulong ngayon para sumosyal naman nang kaunti. Kasi masyadong hinahamak kapag sinasabing dh ang trabaho sa ibang bansa. Masyadong minamaliit, pinagtataasan ng kilay at nginingiwian ng bibig. Tila’y isang kriminalidad ang nagawa kapag binanggit ang katulong na salita. Pinandidirihan at ikinahihiya. Bakit ba ako mahihiyang iyon ang aking trabaho kung dito ba naman umaasa ang aking mag-anak sa trabahong ito at maaaring dito rin ako makababayad ng mga pagkakautang ko?

Tulad ng ibang istorya ng OFW, na balot na balot sa utang noong nasa Pinas pa, mula sa sardinas hanggang bigas at iba pang pangunahing gamit pang-araw-araw ay inuutang lahat sa mga tindahan. Hanggang sa pang-proseso ng mga papeles para makapangibang-bansa ay mas lalong inutang dahil walang-wala.

Ayon nga sa kasabihan ng mga nagpapautang. “Ang pera ko ay babae, ito ay nanganganak. Hindi ito pihikan sa anak kundi produktibo.” Ibig sabihin ay may interest ang pagpapautang.

Mas lalo akong nagpursiging makaalis ng bansa dahil sa ako’y nalulunod na sa utang.

Sa awa ng Diyos ako ay nakaalis at nakapagtrabaho nang maayos sa mga among okey lang naman makitungo.

Habang ako ay nagpapaalila sa ibang bansa, unti-unti kong nababayaran ang aking mga pagkakautang. Kahit pa sigaw-sigawan ako ng aking mga amo ay walang problema basta suweldo ko ay kompleto.

Katatapos ko lamang magbayad ng utang ko ng buwan na ito nang may masamang balitang akong natanggap.

Panganay na anak ko ay may tumor sa utak at kailangang maoperahan sa lalong madaling panahon. Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng pampaopera sa aking anak?

Utak ko ay litong-lito hindi ko malaman ang gagawin. Tumawag ako aa aking kaibigan upang magpatulong mag-isip para sa aking problema.

Sagot ng aking kaibigan, “utang ka sa isa kong kakilala, limang porsyento lang naman ang tubo.”

Pag utang ko ay 20% pala ito. Wala nang atrasan dahil pera ay nais ko nang maipadala dahil kailangang-kailangan ng anak ko.

Kapit sa patalim ng 5-6 upang maligtas ang aking anak. Pikit-matang binabayaran ang utang kasama ang napakalaking interest nito.

Sa bawat bulyaw at sigaw ng aking mga amo sa akin, bawat pagkuskos ko ng inidoro at butil-butil ng pawis ang tumutulo dito, pati luha’y nakikipag-unahan pa minsan. Kayod-kayod upang mabayaran ang mga utang.

Sinasabi ko na lang sa aking sarili, bakit? Ako lang ba ang ganito? Si William Chiongbian nga na may ari ng William lines ay nabangkarote dahil sa utang. Isa iyon sa pinakamayaman sa Cebu. Ako pa kaya na isang ordinaryong tao?

Alam ko, balang-araw, matatapos din ito. Makaaahon din ako.

Sa Panginoon lamang ako umaaasa, sa KANYA ko utang ang buhay ko.

5 Comments

  1. Just want to say your article is as astounding. The clearness
    in your post is just cool and that i could think you are an expert on this subject.
    Fine along with your permission let me to take hold of your RSS feed to keep updated with impending post.
    Thanks 1,000,000 and please continue the rewarding work.

Leave a Reply

Your email address will not be published.