Utang na Pagtanggap! (The True Meaning of Christmas.)

Christmas season.

Lumalamig na ba ang simoy ng hangin?

Kumukutitap na ba ang mga bahay?

Nakaayos na ba ang mga dekorasyon sa bahay mo?

Naghahanda ka na ba ng mga pang-regalo?

Papalapit na ang kapaskuhan, alam mo ba ang ibig sabihin nito?

  • Bigayan na ng mga regalo sa inaanak!”
  • “Walang sawang chibog!”
  • “Hingi ng aginaldo!”
  • “Bakasyon!”
  • “Sale!”
  • “Christmas BONUS!”
  • “magbibigay na ng regalo si Santa Claus!”
Christmas is not about Santa Claus.
Ano nga ba ang tunay na kahalagahan ng Pasko o Christmas?

Marahil kapag sinabing pasko ay ang unang imaheng tumatatak sa isipan mo ay si Santa Claus. Si Santa o Saint Nicolaus ay isa lamang ordinaryong tao noon na naging santo. Isang siyang pilantropo na namimigay ng regalo sa mga bata noon kung saan nagsimula ang pagbibigayan ng regalo. Nakakalimutan na ng marami na ang pasko ay hindi upang magbakasyo at hindi rin araw ni Santa Claus.  Ang Pasko o Christmas ang araw ng kapanganakan ni Jesus pero bakit sa tuwing malapit nang sumapit ang kapaskuhan hindi man lang natin naaalala na ito nga ay araw ni Jesus? Ang lahat ay abala sa pamimili ng mga regalo at magagarang damit na susuotin, pagdedekorasyon sa bahay, at ang iba naman ay naghahanap na ng kapiling upang hindi maging ‘malamig‘ ang kanilang pasko. Ang pasko ay okasyon upang magsaya hindi dahil makakatanggap ka ng regalo o aginaldo at makakapagbakasyon ka, kundi ito ay araw ng kapanganakan ni Jesus kaya tayo nagsasaya.

Simbang Gabi.

 Dito sa Pilipinas, hindi ko lang alam kung may ganitong paniniwala sa ibang bansa na sa tuwing sasapit na ang pasko ay mayroon ring nakasanayan na siyam na araw na ‘Simbang gabi’ kung saan kapag nakumpleto mo raw ay matutupad ang iyong kahilingan. Naniniwala ka ba dito?!

AKO AY HINDI.

 Dahil hindi porket nagpunta ka sa simbahan at sumubo ng ostiya ay nagsimba ka na… ang iba ay nakikipagkwentuhan lang, pumoporma lang at hindi makapagsimba kung wala ang kabarkada. Parang eskwelahan lang yan, perfect attendance ka nga pero wala ka naman natututunan at pumapasok ka lang para makipagkwentuhan at hindi para matuto!!!

 Sa aking pananaw, ang simbahan o sambahan kung tawagin ng iba ay isang pisikal na tahanan lamang upang makipagkomunikasyon sa Diyos at ang tunay na simbahan ay nasa ating mga sarili na kung hindi natin bubuksan ang pinto ng paniniwala at pagtanggap sa Diyos ay hindi tayo magkakaroon ng koneksyon sa Kanya kahit na magpunta pa tayo sa simbahan oras-oras.

 Huwag nating iaasa ang lahat ng ating kahilingan sa Kanya na para bang wala na tayong dapat gawin na kapag hindi natupad ay sisisihin pa natin siya. Mayroon nga tayong kasabihan na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Kung gusto mong yumaman ay gumawa ka ng paraan, maghintay at magtiwala ka sa Kanya na darating ang panahon na hindi mo man makuha ang eksaktong yaman na talagang gusto mo ay magkakaroon ka ng kayamanang hinding hindi mo inaasahan. Dahil kung akala mo ay kilala mo na Siya at nagtitiwala ka talaga sa Kanya, nagkakamali ka! Dahil darating ang panahon na kung hindi mo pa talaga tinatanggap ang Diyos sa sarili mo ay madali kang susuko sa mga pagsubok na darating sa’yo hanggang sa punto na mawawalan ka na ng tiwala sa Kanya. Huwag ka mag-alala dahil sa kabila nito, ibibigay parin niya ang kaliwanagan na hinahanap mo dahil mahal ka Niya!

 Ikaw ba MAHAL MO BA SIYA?

 Lagi na lang Siya ang nagbibigay sa atin, bakit hindi naman tayo ang magbigay sa Kanya. Sa paanong paraan?

Simula ng namulat ka sa okasyon ng araw ng pasko, nagawa mo na bang…

Happy Birthday Jesus!
  • batiin man lang Siya ng ‘Happy Birthday’?
  • magpasalamat sa Kanya sa mismong araw ng pasko sa napakaraming biyaya na binigay Niya?
  • at higit sa lahat, nagawa mo na bang alalahin na ang mismong araw ng pasko ay ang mahalagang araw Niya na binahagi Niya sa iyo upang maging isang mahalagang araw mo rin?

Kung hindi mo pa nagawa ang mga iyan ay siguraduhin mo nang gagawin mo sa darating na kapaskuhan dahil kumabaga sa inaanak, ang dami mo nang utang sa Kanya…

 hindi utang na pera…

 hindi lang utang na regalo…

 hindi lang utang na loob…

hindi lang utang na pagbati…

kundi ay…

isang napakahalagang..

UTANG NA PAGTANGGAP, PAGMAMAHAL AT PAGKILALA KAY JESUS!!!

ACCEPT GOD!
Note:
 Disclaimer: All of the ideas or written here was self-made and copyrighted except for the pictures… any offensive words/sentences written was my idealistic views and constructive criticisms only and does not mean to provoke or defame anybody.
Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.