Ang Utang ay Dapat Bayaran Pero Kapag Sobra na Dapat Nang Kalimutan…

Habang nanonood ako ng aking paboritong teledrama sa hapon, isang katok ang narinig ko sa aking tahanan…

Sino naman kaya eto?  ‘yang mabubuking na kung sino ang totoong Cecilia” sabi ko lang po sa sarili ko at baka marinig. Ipakilala ko muna si Cecilia, bida po sa Sana’y Ikaw na Nga, teledrama sa channel 7, pakisubaybayan na rin po at kayo ay kikiligin…

Balik po tayo sa aking istorya. Nasa kumakatok na sa aking tahanan po tayo.

Oy, mare, ikaw pala ‘yan, bakit naman kainitan ay napasugod ka?  Parine, pasok at makapagkape tayo..” (mainit na nga pala ang kape, ito pa ang inalok ko)

Eh kasi, mare, p’wede ka bang maistorbo?  Ggusto ko lang ng kausap.”

Oo naman ah, pasok muna at maraming tsismosa d’yan, baka marinig tayo” patawa ko pa sa kanya na alam kong malaki ang problema niyang dinadala.

Upo, mare, saglit lang at hinaan ko ang TV ha, ……….. kumusta ka na ga?

Isang iyak na parang kay tagal na niyang inipon ang tanging sagot n’ya sa aking tanong. Bawat luha at hikbi ay nagpapakita ng hirap ng kanyang kalooban.

Sige lang, mare, iiyak mo muna ‘yan,” sabi ko habang haplos haplos ko ang kanyang likod at may pag-aalala akong baka samaan siya ng pakiramdam.

 

Kwento mo lang sa akin kapag ready ka na ha.. nandito naman ako at anuman ‘yan alam kong may solusyon d’yan mare,” sambit ko sa kanya sa pag-aalong lumakas ang kalooban n’ya sa anumang problema na kanyang kinahaharap.

Mare, hindi ko na kaya, wala akong masabihan ng aking problema.” Sa bawat salita n’ya ay kasabay ang hikbi at sinok.

Nandito lang ako, mare, handa akong makinig sa ‘yo at kung may maitutulong ako sa ‘yo, handa ako!”

Isang sulyap ang binigay n’ya sa akin, na tila nagtatanong sa kanyang sarili kung sasabihin at pagkakatiwalaan n’ya ako.

Mare, alam mo naman ang pinagdaanan namin, nalugi ang business namin habang nag-aaral ang mga bata, si Jun nga ay napatigil na at si Clara lumipat na sa public school. Ang tangi naming pinagkakakitaan na maliit na sari-sari store sa tapat ng aming bahay ay hindi sapat upang tustusan lahat ang aming pangangailangan at mabayaran ang aming mga utang na naiwanan. Ang masakit pa, mare, ang mga taong inutangan namin, sobra ang mga pananakot at pagbabanta sa amin sa  araw-araw. Akala mo ako’y isang kriminal kung ituring nila, masasakit na salita na tagos sa aking pagkatao na para bang ako’y pag-aari na nila.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ilang text at calls ang narerecieve ko, mare, nagkakaphobia na ako sa tunog ng cellphone ko, sobrang stress na ako sa mga maniningil na kung tutuusin naman ay bayad na ako sa kanila sa laki ng kanilang interest. Bakit, mare, may mga taong tulad nila?.. lubog na nga kami lalo nilang nilulubog sa kumunoy. Ang ating ibang kaibigan, nagsasabi lang ako ng aking saloobin, akala mo uutang na ako,  Ang masakit pa, after ng conversation namin i-block na pala ako. Pag nagsabi ba ako sa ‘yo ng problema, pera agad ang kailangan ko???  Emotional support, ‘yong makinig ka lang sa aking hinaing ay napakaimportante na nun sa akin, mare.

Kilala mo ako, hindi ganun ang pagkatao ko. nangutang ako at pinilit kong mabayaran sila, pero dahil sa laki ng interest na 20%, meron pang 30% a month, ‘di na ako makaalis sa pagkakautang sa kanila.  Oo, alam ko na iyon ang usapan namin, dahil nang mga panahon na hiniram ko ‘yong pera, tuliro na ako, mare, wala na akong choice sa interest rate nila.. pero sana naman maging makatao sila sa kalagayan ko..”

Photo credit: woodkey

Kitang-kita ko ang sama ng loob ng kumare ko at ang bigat ng kanyang dalahin, ramdam na ramdam ko ang kanyang katayuan dahil minsan sa aking buhay ay naranasan ko ang dagok ng aking kapwa…

Mare, maitanong ko lang sa ‘yo, may kasulatan ba kayo nang humiram ka ng pera sa kanila o any collateral tulad ng post dated check???

Bakit, mare?  Wala akong pinirmihan o collateral sa kanila, wala naman akong checking account,” tanggi nito.

“Iyon naman pala, mare, eh kasi, mare, wala naman silang habol sa ‘yo kung wala kayong pirmahan na ginawa.. wala namang nakukulong sa utang, mare.. huwag kang pumayag na tinatakot ka nila. Pumunta ka  sa barangay then file a complain against them; sabihin mo tinatakot or hinaharass ka ng mga taong ito.  You can file them a criminal case like unjust vexation threats (ano daw po ‘yon).

Actually puwede mo silang sampahan ng coercion eh, sigurado ko, sila pa ang makukulong, maniwala ka. Saka sabi mo nga sobra-sobra sila magpatubo. Ang the best na gawin mo let them file a case against you for collection for sum of money at sigurado ko sa ‘yo ‘yong utang mo is siguradong ubos. Kasi ayon sa batas, dapat ang interes lang ay  3% per month lang or 35% per annum, anything more than that is “UNCONSCIONABLE”… Ang ibig sabihin ay immoral or hindi makatao. Walang sinumang tao ang papayag sa ganoong kalaking tubo… patunayan mo ‘yon sa korte then bahala na ‘yong judge magsabi kung magkano lang ang dapat mong bayaran.   Puwede mo pa silang tawaran at hulugan kung magkano lang kaya mo.

Tsaka walang kulong yan…sila pa ang makukulong sa ginagawa nilang pangha-harass… try to file a criminal case against them at sigurado ko sa ‘yo, sila pa ang makikipag-areglo.. Ang utang is just a civil case. what they are doing is punishable by imprisonment..!!!”

“Talaga mare???   Saan mo nalaman ‘yan??”

“Aba’y nabasa ko ‘yan, isang payo ni Attorney Arresto Minor sa isang taong pareho ng kaso mo.. kaya huwag kang mag-alala ah.. if ever na dumating nga kayo sa kasuhan,,, don’t worry, hindi mo kailangan ng attorney d’yan, kailangan mo lang ng witness na ihaharap mo sa judge.. Napakaliit naman ng utang mo, mare ah.. at p’wede mo akong witness.. ok, huwag mo hayaang takutin ka nila…” SMILE..”

Bakit kaya may mga taong mapagsamantala sa kapwa? Pera na lang ba ang mahalaga sa kanila? Masakit man isipin, pero marami sa atin ang nagiging alipin ng pera kahit makasagasa ng pagkatao ng iba..

Tandaan mo… sa langit ay walang pera.. itatanong sa ‘yo ng Diyos kung ano ang ginawa mong mabuti sa ‘yong kapwa…

…at hindi ‘ kung magkano ang pera mo!’

 

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!