Usapang Mag-Ina

1MaNY-105-1Marami ang nag-aabang sa pag-uusap ng isang ina at ng kanyang 3 taong gulang na super daldal at bibong baby boy.. “Si Jelo.”

Marami ang nakare-relate lalo na sa isang ina na full time sa kanyang anak na nasusubaybayan niya ang paglaki. Marami din naman ang natutuwa sa kanilang pag-uusap dahil ramdam na ramdam nila ang kulitan ng dalawa. Mayroon din namang hindi makapaniwala na nasasabi ng tatlong taong gulang na bata ang lahat nang iyon…

Gusto ko pong ibahagi sa inyo ang Usapang Mag-ina at iba’t ibang eksena at alam kong makare-relate kayo lalo na sa isang ina na tulad ko…

Sept. 19, 2013

Early in the morning

Jelo: Nay,  gising na, gutom na ako eh..

Me:   Gutom ka na?  Ok, magluto na ako ha

(after 15 mins)

Jelo: Ano luto mo?  Amoy ko na eh…

Me: gulay na malunggay..

Jelo: woooowwwww favourite ko yan ah… kain na tayo!

HEHEEHE ang ANAK KO, MALIGAYA NA SA MALUNGGAY NA GULAY!

Sept 5, 2013

6 am – Sobrang pagod kaya late na ay nakahiga pa rin

Jelo: Nay, gising na; may sun na oh..

Me: bunso, antok pa si nanay.  Tulog muna ako ha..

Jelo: Pagod ka pa?

Me:  Opooo ( nakatulog na at ‘di na ako kinulit)

8 am – waiting sa service para kunin ang gamit at dalhin naman sa another event

Me:  Bunso, si lola ulit ang maghahatid sa ‘yo sa school ha, mag-cater ulit ang nanay.

Jelo:   Ayyy .. akala ko ba pagod ka pa????

Me: Oo nga, pero need ng nanay pumunta dun para may pambili ka ng baon sa school.

Jelo: ( crying)  Gusto ko ikaw maghatid sa akin..

Me:  Promise, ako magsundo sa ‘yo ha.. promise ‘yun ng nanay.. siya, don’t cry na, aalis na ko ha.

3:30 pm – Labasan na sa school, hapit sa pag-drive makarating lang in time sa school.. wait ang lola at bawal pumasok sa school (naka-short).  I saw my co-mother and Ms. Cherry (teacher ni Jelo).

c0-mother:   Si Jelo nandito, ayaw lumabas at sumama sa akin kasi daw ikaw ang susundo sa kanya..

Ms. Cherry:   Mommy, sabi sa akin ni Jelo, ikaw daw po susundo sa kanya, nagke-cater ka lang daw po pambili ng baon niya..

co-mother:   Very good si Jelo, ayaw talaga sumama sa akin.. ikaw daw lang ang susundo sa kanya.

Inabot na sa akin ni Ms Cherry ang Jelo kong makulit..

Jelo: (sobra ang smile.. whispering) Sabi ko ikaw ang susundo eh

Me: Oo nga promise ko ‘yon, ‘di ba…

SAYA NG BUNSO KO AH NANG MAKITA NA AKO ANG SUMUNDO SA KANYA…. HAYYYY NAKAKAALIS NG PAGOD ANG ANAKIZZ..

Aug 23, 2013

Dinner time

Jelo: (eating chicken barbecue 1st bite) mmmmmhhhh TASTY

Me: (amaze! anak ko talaga may natutunan sa class, can speak simple english na, pero ang sumunod na eksena)

Jelo:  (2nd bite sa chicken)…mmmmhhhh CANDY CRUSHHHHHHH….

WAAAAHHHHHHHH SA CANDY CRUSH PALA NATUTUNAN ‘YUN HAHAHHAHAHA.. UTAS TO THE MAX!

Aug 13, 2013

While eating our lunch…

Jelo: Nay, wala akong fork.. ‘di ba ito ang spoon.   Asan fork ko?

Me: (kuha naman ang butihing ina) ito po..

Jelo: thank youuuuu (with smiling face) bakit ulam natin nay pork din.. ‘di ba fork ito at pork din ito… (confusing)

Me: (isip isip na maintindihan niya) ganito kasi bunso ung fork sa tagalog tinidor ‘yun, ‘di ba at pronounce mo siya ng faw–rk at ‘yong pork sa tagalog karneng baboy ‘yon at  pronounce mo siya ng poa–rk..

Jelo:  Mali ka, Nay.   ‘Yung pork kinakain at ‘yong fork gamit ko sa pagkain. Eto oh kasama ng spoon ko….

NGANGA…… HAHAHAHAHAHAHAHA

Aug 8, 2013

Dahil na rin sa kuwento ng co-mother ko  about her daughter Angelina asking WHAT IS LOVE???? and the kiss issue of Jelo to Angelina.. lol

Me: Jelo, kiss mo nga si Angelina?

Jelo:(direct to the point) siyempre, sa pisngi niya!

Me: Bakit mo siya kiniss, bunso?

Jelo: love ko siya eh

Me: ahh eh bakit mo siya love?

Jelo:   ‘Di ba maganda siya at pogi naman ako!!! (feeling confident talaga)

Oh ‘yan confirmed , inamin na nga sa akin… hahahahaha

Aug 2, 2013

BED TIME
Me: bunso, maaga kang mag-sleep kasi punta tayo ng Divisoria ha

Jelo: Sama ako ha, suot ko yong Mac Queen kong shoes

Me:  Huwag na un, magsandals ka na lang…

Jelo: ayyyyyy maputik ba dun, Nay?

Me: OO, bunso eh

Jelo: Parang sa palengke?  ‘Di tulad ng citimart at SM?

Me: Hindi, bunso, kaya magsandals ka na lang ha..

Jelo: ah mura dun nuh?? (eyes sparkling)

Me: at bakit????

Jelo: Buy mo ko toys ha… pleaseeee! parang sa palengke mura ang fish.. maputik kasi nuh… pero mura naman!

ahhhhh kapag pala maputik mura sa anak ko ah…. may logic nga naman.

July 7, 2013

BED TIME

Me: Bunso, magkuwento ka naman. Ano study n’yo sa school?

Jelo: Study nga kami, Nanay.

Me: Ano study n’yo?

Jelo: tracing the broken lines

Me: (amazed) talaga? galing naman ng bunso ko, eh what kind of lines ba yon?

Jelo: mmmh straight lines, horizontal at vertical lines (sobrang amazed

Me: very good naman pala si Angelo ah (sabay kiss)

Jelo: Siyempre, Casabal Zolina ( sinabi ko kasi ang Angelo kaya dinugtungan niya lol..)

Pero nang i-check ko ang lessons for the week, vertical lines lang ang study nila.. tanda pa niya ang study nila sa Montessori last year.. hehehe

Tatay Jerome Zolina, 100 stars na daw siya pag-uwi mo hehehehehe..

.

June 21, 2013

Kagulo na sa bahay ni Jelo

Me: magbihis na bunso PE n’yo now ha..
(nang makita ang PE Uniform)

Jelo: ayaw ko ‘yan, pantulog naman yan, Nay… (cry cry cry)

Me: ito, bunso, ang PE uniform n’yo; lahat ng classmate mo ito ang suot.

Jelo: (grabe ang iyak habang sinusuot ang uniform) ‘di ako pogi, ‘di ako pogi, ‘di ako pogi… ayaw ko ito, gusto ko ‘yung Mac Queen… (cry cry cry)… ang panget koooooo

Me: pogi ka ah kahit anong suot mo pogi naman ang anak ko AH

HAHAHAHAHAHAHA

May 26, 2013

Eksena bago pumunta sa church
Jelo: Nay, picturan mo ko.. ‘yong tolen lang ha..

Me: Anong tolen?

Jelo: ‘yong kunyari ‘di ako nakatingin… (may diin pa ang pag-eexplain)

Me: ahhhh stolen…

Jelo: tolen nga.. siyempre! sunglass lang ako ha…

Nalalamang tolen at tolen pa eh.. model yata ito hehehehhe

Happy Sunday.. simba muna ang toleng mag-ina!

 

Dec 23, 2012

Usapang mag-ama

Tatay: bunso, I love you, merry christmas

Jelo: love you, mwah mwah tsup tsup.. happy new year!
wi ka na, tatay, pasko amin! patay ayo kambing sa likod, tsarap yon!

Tatay: lapit na, bunso, uwi ni tatay pagkatapos ng new year andiyan na ako! patay tayo ng kambing ulit..

Jelo: (palakpak sa galak) tapos ng matagal na fireworks uwi ka na ha.. tsuup tsuup, mis you!

WE MISS YOU NA TATAY MERRY CHRISTMAS! WE LOVE YOU SO MUCH

 

Dec 13, 2012

usapang mag ina:

while taking a bath..

Jelo: ang sarap maligoooo.. (with matching buhos ng water at lundag)

Me: bakit naman masarap maligo nak???


—-
—-
—-
—-
—–
—–
—–
——
——-
——-
———

Jelo: kasi masarap maging pogiiiiiiiiiii (with Mr. Pogi sign)

HAHAHAHAHAHAHA anak ko ah

Nov 25, 2012

Fiesta na amin may banderitas na…
Me: wala tayong handa, nak, fiesta na eh..

Jelo: patay tayo, nay, kambing likod.. dating tatay (nagpapatay kasi lagi ng kambing tatay niya; tanda pa niya)

Me: wala naman si tatay, bunso, si chuchu (dog namin) na lang ihanda natin???

Jelo: Patay chuchu????

Me: oo, lutuin ko..

Jelo: waaaaaaaaaahhhhhhhh (cry ever!, tulo luha) then he said..

BAD KA, MAMA.. LOVE KO CHUCHU…

Me: ah love mo ba, don’t cry na.  Si Chuchi (isa naming dog pa) na lang..

Jelo: ah ah ‘wag… ako na lang, mama. (habang naiyak)

hehehehehehe anak ko kayang ibuwis ang buhay para sa mga alagang aso niya heheheheehe…

Nov 23, 2012

4:30 pm na time to play na Jelo sa Labas with his friends..

Jelo: mama, labas na ko suot ko na slippers ko.. doon na robin play na ko ha.. (asking permission)

Me: ok, lagyan muna kita ng towel sa likod..

Jelo: ‘wag tatanggalin ha, ‘wag din likot, ‘wag takbo, dapa ako…

HAHAHAHAHA ALAM NA LITANYA KO AH.. INUNAHAN NA AKO.. TSK TSK

Nov 5, 2012

Galing sa school

Jelo: saan punta natin, Mama????

Me: Uwi na tayo..

Jelo: Sa Labac???

Me: opo

Jelo:  Saan ang Labac????

Me: mmmmmh (kunyari ‘di ko alam para siya ang magsabi kung saan)

Jelo: Taalllll

Me: mmmmhhh

Jelo: tangaasss (batangas)

Me: mmmmhhh

Jelo: illippines (Philippines)

Me: mmmmmh

Jelo: earth

Me: mmmmh

Jelo: universe

Me: mmmhhh

Jelo: alaxy (galaxy)

Me: mmmh

Jelo: imik ka, mama

Me: MMMMMMHHH

Jelo: mmmh SA ILONG KO…

HAHAHAHAHA WALA NANG MAISIP…

More usapang mag-ina po… salamat po sa pagbasa!

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!