Usapang Lokohan sa Pag Ibig..

photo credit: book of love triangle
photo credit: book of love triangle

Ano nga ba ang batatayan sa pag-ibig na kinalolokohan nang lahat ng tao..may measurement ba ang pag-ibig? May expiration date ba ito? May contract signing ba ito?

Sabi ng iba, kapag nagmahal ka raw, dapat totoo, galing sa puso at hindi galing sa puson.

Galing sa puso! Hindi dahil sa saging o tahong. Galing sa puso! Hindi dahil sa pera. Galing sa puso! Hindi dahil sa lahi. Galing sa puso! Hindi dahil sa guwapo o maganda. Galing sa puso!  Hindi dahil sa mansion. Galing sa puso!  Hindi dahil may position.

Marami palang choices kapag magmamahal ka? Pero bakit may ilan nang bigo at luhaan? Bakit may ilan na single, pero hindi na virgin? May anak, pero single. May patner, pero hindi pag-aari.

Sabi nila, kapag umibig ka raw ngayon, dapat utak na ang paganahin, na may kasamang libog. Para kung iwan ka man niya, nakaisa ka na may trophy ka pa! Nakaisa ka na, bawi pa ang pinuhunan mo.

Parang nagiging investment na ngayon ang pagkuha ng mapapangasawa. Kasi kailangang may trabahong marangal at hindi pusakal. Dapat na ba nating sundin ang batas ng manlalako ng laman? “Money Down Before Panty Down” 0 “trophy muna bago kasal?”

Maraming sirang relasyon ngayon; kasama na nga ako roon.  Ang nakaaasar kasi ,”pasumpa sumpa ka pa, tang, iwanan din pala mapupunta”.

Hindi ba puwedeng ihain sa senado at kamara na gawing legal ang kasal sa banig? Para maliit lang ang gastos at wala pa sa ‘yong mangungutya na “pasimba-simbahan pa kayo, sa hiwalayan din pala kayo mauuwi.”  Ano nga ba ang silbi ng papel at paglalakad tungong altar? Para lang ba sa mga magulang na mapilit o para sa mga taong makukulit?

Sabi ng ilang praktikal sa buhay, hindi na uso ang kasal ngayon dahil sa Facebook. Kasi mga ilang taon lang daw, hihiwalayan ka na rin ng asawa mo. Pag may naging friend siyang artistahin at sikat or foreigner o athleta. Lalo na kung magaling ito sa showmanship at magaling magpatawa sa chat with pakita ng abs and chest at round trip photo all over the world with matching pose na nakabikini.

Ang ilang relasyon at pag-ibig ngayon ay base na lang sa bilis ng internet signal at sa hightech na gadget. Dahil kung slow ang net mo. Unti-unting magiging slow din ang kbps (kilig bits per second) ng puso ng taong mahal mo. At doon na rin mapuputol ang connection ninyo sa isa’ t isa, kasi naki- wifi na lang sa iba yung mahal mo.

Hirap nang magmahal ngayon; ang mahal na rin kasi ng bilihin, hindi naman tumataas ang sahod. Kaya tuloy nakikisahod na lang yung iba sa mayroon nang mahal. Kasi mas tipid kung makikisahod ka lang at malimit siya pa ang taya. Kaunti lang ang responsibilidad mo kapag nakisahod ka sa iba, kasi yung round ng laban ninyo, pang non-pro lang, three rounds lang, tapos na ang boxing. Back to normal, ligo muna bago umuwi kuskusin ang katawan nang maigi para hindi maamoy na amoy laway ka ng iba. Hingi muna ng pera para may pasalubong ka sa asawa mo’t anak.

Buhay pag-ibig nga naman at relasyon. Parang saging at tahong; matapos kang balatan at buksan. Hahanap muli ng ibang sariwang prutas at sariwang lamang-dagat na masarap amuyin, na matamis-tamis at makatas sa labi.  Sabi rin ng iba  “Sa bagong Paraiso, kailangan ng bagong Eva.”  

“Sa bagong Paraiso, kailangan ng bagong Adan.” 

Ganito ba talaga maglaro ng bahay-bahayan,  imipyerno! Impyerno! Saksak puso, tulo ang dugo!

Oh! Shit, iwan ko muna kayo, tawag ako ni kumare.   Mahina raw yung apoy nila sa kalan; kailangan kong bombahin.   Wala kasi si pare……gusto ko pa sana kayong kuwentuhan, kaso ayokong pinaghihintay ang babae.

2 Comments

  1. very well said Mr.Author..
    bakit nga ba?
    kaya nga wala tlagang kasiguraduhan..
    ibigay man ang lahat or better yet wag muna talgang ibigay lahat..ay ewan..
    minsan tlga masasabi mo na lang bahala na si Batman..

Leave a Reply

Your email address will not be published.