Usapang Classroom

(Credits: m.tecca.com)
(Credits: m.tecca.com)
(Credits: m.tecca.com)

Being a clinical instructor; I am expected to teach and share knowledge… pero unconsciously, ako pa ang may mas natutunan sa mga students ko…. Hindi nursing concepts, pero mga bagay na ‘di ko matututunan sa school.. mga bagay at katotohanan na tanging totoong karanasan lang ang puwedeng magpaunawa…

Marami akong students na hinahangaan.  Although I tend to verbalize my admiration for SOME students, yung iba hindi ko naman sinasabi.. ayaw ko rin naman kasing lumaki ang ulo nila, pero deep inside I really look up to them. Oo, may mga students na pasaway, mga students na tamad, mga students na hindi yata dapat tawaging mag-aaral dahil hindi naman “pag-aaral” ang ginagawa. Bakit hindi natin sila tawaging “mag-dodota” instead..? hehehe….

Gusto kong ibahagi ang ilan sa natutunan ko sa kanila.

May isang student ako na sabi ng karamihan ay isip-bata. Hmmmmmm at nagkasundo naman kami. (hehehe bakit? Eh isip bata rin naman ako.. hahaha…) Seryoso na. Isip-bata, hindi naman in a sense na iresponsable siya, kundi ang simple ng pananaw niya sa buhay. Ang dali niyang pasayahin, ang dali niyang malungkot, ang dali nyang magtampo, pero ang dali rin niyang magpatawad. Seryoso ang mabuhay… tama.. pero yung pagiging bata siguro ang nakalimutan ng halos lahat sa atin… ang pagtingin sa buhay nang simple… Naiinggit ako sa kanya minsan, ang dali kasi niyang pangitiin, at sa likod ng ngiti niya na yun, alam ko na totoo siyang masaya. Sana, kaya din nating lagngi maging ganun.. Sana kaya ko rin.

May student din naman na hindi matatawaran ang taba ng utak. Na sa kabila ng napakarami niyang alam, ay hindi pa din niya itinuring ang sarili niya na matalino siya. Gustong-gusto ko yung ganun na tao, walang ere, walang hangin, walang yabang. Siya yung tipo na gagawin ang best niya sa kahit anong ipagawa mo sa kanya. Nakatutuwa, kasi ramdam mo ang effort. Ang mga tipo nila ang dahilan kung bakit sa kabila ng puyat at pagod nung nakaraan gabi para iprepare ang lecture, ganado pa rin ako magturo sa umaga. Sulit ang paghahanda mo sa tipo nila. Para siyang sponge na kayang i-take–in lahat ng binibigay mong information sa kanya, at sa oras na hilingin mo na ilabas niya yung naipon niyang knowledge galing sa ’yo.. sasabihin din niya yun.. tulad ng kung paano mo yung sinabi at ipinaunawa sa kanya… Kung kaya lang ng mga students na magaya kahit kalahati ng kasipagan niya. Ang sikreto daw ng matagumpay na buhay ay pinaghalong talento, tiyaga at suwerte… kung kulang ka ng talento at suwerte… bawiin mo sa tiyaga…

May isang pa akong hindi malilimutan na student; madalas ay tahimik siya, walang imik, pero sabi nga nila, ang malalim na tubig ay tumatakbo nang tahimik. Madalas akong nagugulat sa sinasabi niya, may mga ideolohiya siya na kung pakikinggan mo ay parang magulo, pero subukan mong gamitan ng analization, mapapaisip ka, at masasabing, oo nga, may punto siya. Kaya niyang tingnan ang isang sitwasyon o pagkakataon sa paraang iba. Tipong magtatanong ka ng sampung tao tungkol sa isang bagay, at asahan mo, walang kamukha yung sagot nya. Sa kanya ko naalala, na hindi masama maging iba… na hindi porke pinili yun ng marami, yun na ang tama..

May isang student pa ko na hindi ko makalilimutan, sa kabila ng ‘di naman angat sa buhay niyang kalagayan, nagtiyaga siyang mag-aral. Umisip ng paraan kung paano tutulong sa magulang. Ginamit ang kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos para kahit paano ay kumita ng pera na makatutulong upang mabawasan ang dinadalang hirap ng magulang. Madalas siyang lokohing “batang-iskolar” dahil sa dami ng inaaplyan. Matuwid siyang nag-aral, naniwala na sa huli ang estudyanteng malinis ay pagpapalain. May mga gabi na ibinababad ang paa nyia sa malamig na tubig, ‘wag lang makatulog sa pagrereview, uminom ng isang litrong kape at namuti ang nguso kakukutkot ng butong pakwan matapos lang niyang basahin ang mga pinag-ipunang libro…

Sa kanya ko naalala, kung paano ang magtiwala at manampalataya.. ang pagsubok ay ginawa hindi para sukuan… walang madaling pagsubok, kasi kung madali yun hindi mo ito tatawaging “pagsubok”, pero may sikreto para malagpasan yun..

Ano?   Eh ‘di “subukan” mong lagpasan… subok lang naman… pag nabigo, subok ulit… :)

About Mga-sulat-kamay

Hindi ko sasabihin ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto... pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. ^_^