Usapang Apo (Parents vs Grandparents…LOL!)

Image by BonnieHenderson and zilaseger via Pixabay

Hala!  Malaking issue yan sa maraming pamilya.  Me mga giyera nang nangyari dahil sa apo.  Para bang Plants vs Zombies?   Ang tingin ba ng ibang magulang sa mga lolo at lola ay mga zombies na hindi na dapat iniintindi?  Lalo na kung mga grandparents-in-law?

Grandparents (Photo Credit: Computerclipart)
Grandparents (Photo Credit: Computerclipart)

Ilang beses nang pinagtalunan ng ilang mag-asawa kung pagbabakasyunin ang kanilang anak sa kanyang mga lolo’t lola o hindi.

“Bakit?”  at “Bakit naman hindi?” ang karaniwang palitang-tanong ng mag-asawa.

Hindi kasi malinaw sa mag-asawa ang role na ginagampanan ng mga   abuelo’t abuela (sinaunang tawag sa mga grandparents hango sa kastilang salita; na nang lumaon marahil ay nauwi na sa lolo at lola dahil mas madali itong bigkasin ng mga bata).

Sa totoo lang po, ang  parents na wise ay pinalalakas ang relasyon ng anak sa kanilang mga lolo’t lola.  Kahit nasa malayo ang mga ito, inilalapit nila ang kalooban ng mga anak sa kanilang mga grandparents sa pamamagitan ng pagdalaw,pagbabakasyon, pagtawag, pagsulat o chat.  Pinalalago dapat ang love and friendship between generations.

Ano nga ba ang papel ng mga abuelo’t abuela sa kanilang mga apo?

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga apo ay nakatatagpo ng unique na pagtanggap sa kanilang relasyon sa mga lolo’t lola; malaking boost sa kanilang emosyonal at kalusugang pangkaisipan ang pakikisalamuha nila sa kanilang elderly relations.  Mangyari kasi, kadalasan sa mga grandparents ay nagiging major support kapag may gulo o hindi pagkakaunawaan sa pamilya.  Nagiging tagapamagitan sila, nagiging kalaro ng mga apo, at kaibigan.  Madalas ding nagiging mentors at role models ng mga bata ang kanilang mga lolo’t lola.  Sila din ay nagiging historians na nagtuturo ng mga values, family traditions at — mga kwentong hango sa baul ng kasaysayan.

Ganoon naman pala!  Eh bakit me mga isyu  minsan sa mga pamilya na kaugnay ang mga lolo’t lola?

  • May selosan blues at issues on authority – Sa maniwala kayo’t sa hindi, sadyang may mga taong napakaseloso na pati sariling magulang ay pinagseselosan!

Sino ba ang mas mahal nila?  Ang anak o ang apo?

“Aba, bakit n’yo pinapayagang magparty ang apo n’yo, e ako nga noon, never n’yong pinayagan kahit minsan lang?  Ano siya,  sinusuwerte?””

“Buti pa ang lola mo, binigyan mo ng card at regalo!   Ako, ni kapirasong kendi, wala!”

“Lintik na ‘to!  Kapag lolo n’ya nag-utos, ang bilis sumunod!”

May mga nagsasabi na mas mahal na daw ang mga apo kaysa mga anak… Totoo ba?  At kung totoo, bakit naman kaya?

Sus naman! Simple lang naman yan.   “Ang pagdidisipli

Lolo at Lola (Photo Credit: Joycepief)
Lolo at Lola (Photo Credit: Joycepief)

na ay sa magulang… at ang pang-ispoil ay sa mga lolo’t lola na.”  hehehe

Tapos na ang stress ng mga magulang natin sa atin e.  Mas easy na sila sa apo,

mas maluwag, mas malambing siguro, at mas nang-i spoil nga sa kanilang mga apo.  Wala na kasi sa kanila ang burden ng authority; tungkulin kasi ng magulang ng mga bata ang mag-impose ng batas at disciplinary actions sa kanilang mga anak.  Pang-cushion na lang ang role ng lolo’t lola; taga-alo ng mga apong napalo o napagalitan ng magulang!

In fairness, sila ang taga-balanse.  “Apo, ‘wag kang magtampo sa Mommy mo; ayaw lang n’yang mapariwara ka dahil mahal ka niya.  Kahit naman ako, hindi kumporme na sumama ka sa bar hopping ng mga kaibigan mo, kasi ang minsan ay pwedeng maulit kapag nagustuhan.  Maraming napapahamak sa bar hopping eh.  Tahan na, apo…”

At aminin man o hindi ng ibang magulang diyan, kung titignan mo ay parang mas madaling sumunod ang mga apo sa mga lolo’t lola.  Kasi po, yung pagiging matatanda nila (me white hair na, me wrinkles, me mahinang boses at amoy matanda) ay humihigop ng paggalang at pagsasaalang-alang! (whew!  heavy word!)

O di ba, kahit naman tayo, kapag may nakasabay na matatanda, kahit hindi natin kakilala ay inaalalayan natin, pinauupo sa bus, pinauuna sa pila?  Pwes, ganoon din ang ating mga anak sa kanilang mga lolo at lola.  Mas protective sila at mas nagpapasensiya sa matatanda, lalo pa’t lolo o lola nila. Practice of good virtues din yun.

Walang masama kung mailalapit natin nang husto ang ating mga anak sa kanilang mga grandPs.  Bonggang love, additional support at strong influence ‘yun sa kanila.  Sa side naman ng mga lolo’t lola, mas lalakas pa sila sa dagdag pagmamahal na dala ng mga apo nila; mas dagdag kasiyahan at magpapagaan sa pakiramdam  na may halaga pa sila sa mundo!

Napakasuwerte ng mga batang mayroon pang  mga lolo’t lola.  At napakaswerte din natin na mahal ng mga magulang natin ang ating mga anak!  Kung may anumang dapat pag-usapan, tandaan lang… daanin sa malumanay na usapan dahil ang bottom line naman ng relasyong apo at grandparents ay generational love.  “Mahal ko ang apo ko dahil anak siya ng anak ko!”

Photo by Mommyjoyce with her apos

Lola   :  “Psssst apo, halika, dali… ‘wag ka nang umiyak.  Ako magbibigay ng pambili  mo ng bagong iPhone4s, ‘wag ka nang umiyak.  Barat kasi ‘yang Mommy mo e…o hug na si Mamita.”

LOL!

Pahabol:  Ang mga laki daw sa lola’t lolo ay mas mababait!  ^___^  Kaya pala mas mabait ako? LOL!          I love you, Lola Monang Pineda!  )

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!