Ukay-ukay

Photo credit to: www perfectdressukmall.com

Ako si Tekla, isang simpleng dalaga, sa paningin ng iba kamukha ko si Zoraida.. pero sa aking namang paningin di kami nagkakalayo ni Angel Locsin.. ewan ko ba sa kanila kapag maitim at di makinis ang balat panget na agad, sobrang manlait! Mahilig ako mag-shopping ng mga imported, syempre!.. sa ukay- ukay nga lang imported pa rin naman, sosyal kasi ako! Nangangati ako sa mga locals..

Photo credit to: www perfectdressukmall.com
Photo credit to: www perfectdressukmall.com

May bago palang bukas na ukay-ukay sa kanto, yayain ko nga si Pinyang siguradong madami naman kaming irarampang imported na damit nito. Makadaan nga muna sa kanila bago magkapag ukay- ukay

“Pinyang! Pinyang! Hoy tara! tama na ‘yang pagkalikot mo sa ingrown mong kay lalim, tayo na sa kanto may bagong bukas n ukay-ukay dun”

“Ikaw talaga, Tekla, kaya puro galis na iyang katawan mo mahilig ka sa ukay-ukay, baka maysakit pa ang may-ari nun.”

“Basta samaham mo ako at ibibili rin kita kapag may nagustuhan ka.. dali at baka wala tayong maabutan at opening sale sila ngayon.”

Walang nagawa si Pinyang kundi samahan ang kaibigan, Laking gulat nila na napakaraming tao na sa shop kaya nagmadali silang maghalungkat ng mga nakatambak n ukay-ukay na damit.

“Tekla, ang ganda naman nitong blouse, kulay rosas mukhang bago pa, kukunin ko to! sabi ni Pinyang ng buong kagalakan.

“Tekla, yong sa kanan mo maganda rin, tingnan mo yang bistidang dilaw.”

Oo nga nuh! para akong si Tita Cory, tara bayaran na natin! excited na akong irampa ito sa estero.. “

Umuwing abot langit ang ngiti ng 2 magkaibigan sa ukay-ukay na damit na kanilang nabili.

Pagkarating sa bahay sinukat agad ni Tekla ang bistidang dilaw, sa dami kasing tao sa shop di na nya naisukat tuloy.

“Hindi ako nagkamali, parang sinukat ng isang mananahi sa maganda kong katawan.. ang ganda kong tingnan sinong magsasabi na isa itong ukay-ukay. “ sambit ni tekla na puno ng paghanga sa kanyang sarili.

Pero ilang segundo pa lang ay parang sobrang init ng kanyang katawan, pumipintig ang bawat butas ng kanyang balahibo..Ang mga galis niya sa mga braso ay unti-unting nag-aanyong mukha.. mga mukhang dumanas ng hirap, humingi ng awa..

“Dyos ko po” tanging nasambit ni Tekla na puno ng takot sa mukha.

Dali daling hinubad ni tekla ang bestidang dilaw at napatapon niya ito sa ‘di kalayuan sa kanya.. nawala biglang ang mga mukha sa kanyang braso, ngunit pagtingin niya sa bestidang dilaw ay nakita niyang tumatayo itong mag-isa, palapit sa kanya.

Hini niya malaman ang kanyang gagawin, napaupo siya sa takot. Pero hindi niya ipinikit ang kanyang mga mata dahil para bang isang magnet na kailangan niyang titigan ito, kitang kita niya ang isang babae na suot ang dilaw na bestida..

PPPPPinyang???? Bakit si Pinyang??sambit ng kanyang isip..

Duguan ang mukha ni Pinyang… luwa ang kaliwang mata at laylay ang balikat. At habang papalapit ito sa kanya ay biglang lumaylay ang dilaw na damit sa kanyang paanan. Naglaho si Pinyang..

“Tekla! Tekla!” sigaw ng kapitbahay. Dhil sa sigaw sa labas ng kanyang pangalan, natauhan si Tekla na kahit nakabra lamang siya ay napadungaw siya.

“Tekla, si Pinyang, nasagasaan ng truck sa kanto,” hikahos na sigaw ni Mang Kado, isang driver ng tricycle sa kanto.

Dali daling pumunta sa kanto si Tekla, naabutan niya si Pinyang na nakatihaya, luwa ang mata, wala nang buhay.

Ang saya saya pa nila nang naghiwalay sa kanto; iyon na pala ang huling sandali na makakasama niya ang kaibigan..

Biglang napansin ni Tekla, nakadilaw palang blouse si Pinyang.. Pagkagulat at kilabot ang naramdaman ni Tekla!

Dumating ang ambulansya at mga pulis, kinuha na nila si Pinyang.. Walang nagawa si Tekla kundi magsambit ng isang panalangin sa kaibigang namayapa.

“Ang dilaw na bestida!”

Patakbong umuwi si tekla, natatakot man siya kailangan niyang itapon at alisin ang dilaw na bestida sa kanyang buhay…

Ngunit pagbukas ng pinto isang babae paupong nakatalikod ang naabutan niya.. suot ang bestidang dilaw. Kilala niya ang babaeng ito kahit nakatalikod pa siya… hindi nya malilimutan ang pag-upo at ang lugay ng buhok nito hangang balikat.. Di niya namalayan ang mga sandaling nakalapit na ang babae sa kanya.. kasing tangkad niya ito… kahit duguan ang mukha.. kilalang kilala niya ito!

“Layuan mo ako! HINDI AKOOO.. IKAWWW..

Ikaw …nakadamit ka ba ng DILAW?????

 

 

 

 

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!