Two Years After OTWOL

Dalawang taon nang tapos ang On The Wings Of Love, pero sa maniwala kayo’t sa hindi — that serye saved me from my self destruction.

Sabay ng pag air nito sa madla ay ang pagsubok ko naman na maging OFW.

Nakita ko siya randomly lang sa YouTube. Sabi ko sa sarili ko,”ganda nito ahh… ” Sinubaybayan ko siya.

It was one of my exciting and heartbreaking experience. Nakikita ko ang sarili ko kay Leah Olivar. Confused, takot pero lumalaban.

Naiintindihan ko ang serye kasi ‘yun ang pinagdadaanan ko that time. ‘Yung nagkasakit si Tatay Sol niya,umiyak ako kasi ganoon din ang nangyari sa Papa ko. I wasn’t able to save my Papa kaya masaya ako that Leah (Nadine’s character) was able to save her dad.

Ang dami kong naramdaman sa seryeng ‘yun.

Pinatawa ako sa mga panahong malungkot ako. Naging sandalan ko sa mga panahon na sobrang kinakain ako ng homesickness.

Hindi madali mag-abroad. Pag magkasakit ka at wala kang kasama, ikaw lang mismo ang kikilos. Ikaw mismo ang aangat sa sarili mo. May time na sobrang nagkasakit ako, hindi ako makabangon ng buong araw. Wala akong makain if hindi ako babangon at magluto. Umiyak ako nang bongga noon kasi iniisip ko bakit kailangang nandito ako at mag-isa.

Kumayod ako nang kumayod para sa pamilya.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko,”Ikaw si Leah Olivar, achieved mo ‘to. Push lang nang Push”. It helped me to get hold of myself. 2015 was my trial times. Sobrang dinapa ako ng mundo. At si OTWOL ang naging outlet ko.

Feeling ko, journey naming dalawa ni Leah ‘yun (wala nga lang akong Clark Medina sa buhay).

Alam ko maraming naka-relate sa buhay nila kasi ‘yun ay parang piping saksi sa mga pinagdaanan mo. ‘Yun ang ikaw na ‘di mo masabi-sabi sa pamilya mo. Ilang balde din ng luha ang iniyak ko sa seryeng ‘yun. Bawat linyang binibitawan ay ramdam na ramdam ko.

Nakakatawa kasi alam kong kuwento lang ‘yun pero tagos na tagos.

Ang break up scene, hindi ako makakain nang maayos. Hahaha Nakakatawa man pero masyado akong affected. Na-realize ko na kahit gaano n’yo man kamahal ang isa’t isa, may mga bagay na magkakasakitan talaga kayo. Ganoon ang pagmamahal, hindi laging okay; hindi laging masaya.

Sabi nga niya: “Ang pag-ibig ay para lang sa matatapang, ‘yung kayang magmahal pa rin kahit nasasaktan na”.  

At ‘yung “Kung mahal mo, babalikan mo pero kung mahal ka talaga niya, iiwan ka ba niya?”

Sinampal ako nang paulit ulit!

Ang gulo ng pag-ibig, mga kaibigan. Ang hirap arukin.

Tunay na maraming aral ang mapupulot sa seryeng ‘yun. Mapapaisip ka na minsan, ibaba ka muna bago ka itaas.

Nag-eemote ako ngayon kasi after two long years, ganoon pa rin ang epekto sa akin.

Babaunin ko ang alaala ng OTWOL dahil kakabit nito ang alaalang kinaya kong mamuhay sa malayo.

Salamat, OTWOL sa ligaya, sa luha, sa lessons na iniwan mo sa amin. Hanggang sa muli.

Ang iyong tagahanga,

OFW fangirl

 

 

About WandererGirl

Just a girl who's trying to make a difference