Long lost twin? Grab rider, driver magka-‘lokalike’

Image via Instagram | Topik Netizen
  • Pasahero at GrabBike rider nagkagulatan sa isa’t isa
  • Para kasi silang kambal
  • Kinatuwaan ang pagkikita ng magkamukha

Nakakita ka na ba ng magkamukhang-magkamukha pero hindi naman sila kambal, at ni hindi rin magkamag-anak?

Viral ngayon sa social media ang mobile footage ng isang pasahero nang mapagtanto niyang kamukha niya ang kanyang GrabBike rider. Makikita sa kuha ng phone cam video recording sa Indonesia ang pangyayaring ito.

Image via Instagram | Topik Netizen

Umabot na sa 1.28 million views ang video sa Instagram nang i-post ito ng isang social media site.

Ilang segundo lang itong mapapanood ngunit lubos na nasiyahan ang netizens sa reaksyon ng pasahero nang makita niya ang kanyang maituturing na “nawawalang kambal.”

Usap-usapan din sa Twitter ang viral video kaya naman gumawa sila ng Spiderman meme tungkol dito na umabot na rin sa 18,300 retweets.

Image via Twitter | aadnwd

Hindi man mahanap ang orihinal na source ng video sa Instagram, ito naman ay nagbigay ng panandaliang saya sa mga nakapanood nito.

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung makita mo ang iyong kamukha na tila “doppelganger” mo sa ‘di inaasahang pagkakataon? Tunay na nakakaloka, ‘di ba? Pero ang dalawang ito, labis labis ang tuwa sa pagkakataong nagkita sila.

Panoorin ang kanilang video sa pamamagitan n gpag-click sa image nila:

Image via Instagram | Topik Netizen

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.