Turning 18, Height Pang 13

Photo Credit: the3dstudio.com
Photo Credit: the3dstudio.com
Photo Credit: the3dstudio.com

Katoto ba kitang medyo kinulang sa height? Ang title ng blog post na ito ay kagaya ng status ko kani-kanina lang. Nagsisimula na kasi ang countdown ko to legal age. Kung naghahanap ka ng seryosong usapan, may oras ka pa para lumipat sa ibang article. Timer starts now.

Masakit ba sa loob maging maliit? Medyo pero, huhuhu, mag-e-eighteen na po ako, kaunting height pa po please. *puppy eyes*

Hindi ako makapaniwala na sa araw na ito, isang buwan nalang ang natitira ng pagiging minor ko. Isang buwan nalang, puwede na akong makulong. Isang buwan nalang, hindi na ako nene. Hindi na ako dalaginging, dalaga na ako(pero mukha paring bata, haha!).

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, pero isa lang ang ibig sabihin n’un, legal na ako(bakit, illegal ba ako dati?). Hehe!

Sa araw na magiging eighteen ako, isa lang ang hiling ko, ang madagdagan pa ang height ko pero kung hindi talaga puwede, ayos lang. Tanggap ko naman na(medyo) na ganito na ang height ko forever.

Magla-labing walong taon na pala akong nabubuhay sa planetang ito(bakit, nabuhay ba ako sa ibang planeta? Okay, korni.). Ilang taon na bang 4’8 ang height ko? Wala na kayang idadagdag ‘yun? Oo na, sige na nga, maliit na ako.

Suwertehan lang siguro talaga ang mabiyayaan ng “killer and model like features”. Kasi ako maliit at mataba na, maitim pa. Oh ‘di ba? Combo. Napakaraming beses na iniyakan ko ang mga taong kumukutya sa hitsura kong pisikal. Tao rin naman kasi ako, may puso at nasasaktan. Pero habang nagdaan ang mga panahon(MMK lang?), natutunan ko ang phrase na “So what?”

So what kung mataba ako? So what kung maliit ako?  So what kung hindi ako maputi? So what kung ganyan, ganito ako?

Minsan kasi, kaya hindi tayo natutuwa sa sarili natin ay dahil may hinahanap tayo na wala naman talaga sa atin. Ako, natutunan kong hindi ako payatot, pero pamatay naman ang shape ko(na kita lang kapag nakatalikod ako, haha!). Hindi man ako maputi, pero cute naman ako(weh, lakas makapuri ng sarili). Hindi ako katulad nila, pero may mga bagay na kaya kong gawin na walang kahirap-hirap.

Tanda ko pa ang naging usapan namin ng kaklase ko noong high school:

Me: Wala na ngang natira sa akin eh. Lahat ng pangit napunta s’akin: maliit, mataba at maitim ako.

Kaklase: Inggit naman sila sa utak mo.

Naging speechless  ako noon.

Oo nga naman. Hangad pa ako nang hangad na mag-iba ang hitsura ko, hinahangad naman pala ng madaming tao ang kakayahan at talino ko. Ganda o talino? Talino nalang po. Hehe.

Tsaka, “Life is not meant to be fair” ika nga ng naging teacher ko. So kung ano’ng mayroon ka at kung ano’ng binigay sa iyo, tanggapin mo, ingatan at pahalagahan. Sa tingin ko, doon nagsisimula ang pagiging masaya. Sa maliit na pagiging kuntento sa sarili nagsisimula ang salitang “happiness.”

Hindi man ako nabigyan ng malaking porsyento ng kagandahang pisikal, mayroon naman ako ng kagandahang “malalim at mahirap hukayin.”

Ang ganitong uri ng kagandahan ay dapat na makita mo muna sa sarili mo, bago ito makita at ma-appreciate ng ibang tao. Ang lalim po ano? Dito na pumapasok ang kasabihang “Beauty is skin deep.”

Maliit na kung maliit, pero masaya naman ako, pero kahit kaunting height pa po please. Hehe.

Salamat po sa pagbabasa at God bless!

ememalberts

4:25 PM 11/5/2013

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts