Tugs, Tugs, Tugs… Pinakamahabang “ONE NIGHT STAND” (Part 3)

One Night Stand (Photo Credit: millsmfaonenightstand.blogspot.com)
One Night Stand (Photo Credit: millsmfaonenightstand.blogspot.com)

Gumabi na, inihanda na ni Bimbo ang kwarto para sa darating na pagtulog nila ay maayos na ang lahat. Matapos nilang kumain ng hapunan, nagulat si Bimbo nang yayain siya ni Cathy para ihatid ito sa kanila. Wala daw kasing tao sa kanila dahil nasa isang business review ang mommy niya at sa isang araw pa ang uwi.

Nakarating na sila sa bahay na tinutuluyan ni Cathy. binukasan ang t.v at nagkuwentuhan lang sila. Matapos ang maikling kuwentuhan, nagsimula na ang kanilang makamundong ritwal.

Doon nagsimula ang relasyon nila ni Bimbo at Cathy, yun bang wala lang. Hindi naman sila magkasintahan. Basta kung gusto nila ng ligaya at available ang isa’t isa, ay agad silang magtatagpo para magpakaligaya. Madalas ay sa bahay sila ni Cathy dahil laging wala ang Mommy niya. Hindi iniisip ni Bimbo kung mabubuntis niya ito, dahil ang alam nito ay wala silang relasyon.

Tumagal din ng mahigit isang buwan ang “relasyon“ nilang wala lang, naputol lang ito nang malaman ng mga magulang ni Bimbo ang ugnayan ng dalawa. Baka daw madisgrasya (mabuntis) nang tuluyan si Cathy at hindi nila kayang tanggapin na makatuluyan ito.  Ayaw rin namang mangyari ito ni Bimbo (ang mabuntis si Cathy), kaya nalulungkot ito. Dahil kahit puro makamundong pagnanasa lang ang gusto nila sa isa’t isa ay napalapit na rin ang kalooban nito sa dalaga, subalit minabuti ni Bimbo na putulin na ang relasyon nila ni Cathy. Nag-usap sila nang masinsinan at alam ni Bimbo na nauunawaan siya ni Cathy.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng reaksiyon ni Cathy habang nakikipaghiwalay ito sa kanya. Tumutulo kasi ang luha ni Cathy, pero nakangiti at tumatawa siya habang sila’y magkausap. Gustong ipadama ni Cathy na ok lang sa kanya ang paghihiwalay nila, pero iba ang nakikita ni Bimbo sa mga mata ni Cathy, ang kalungkutan. Kalungkutang una niyang nakita kay Cathy noong bago pa lang silang magkakilala.

“Ahhhh” Napabuntong hininga si Bimbo nang oras na yun, napakabigat din sa kanyang dibdib ang paghihiwalay nila, pero kailangan niyang magdesisyon, ang tuluyan nang putulin ang namamagitan sa kanila.

Sa huling sandali ng kanilang pag-uusap, hindi mapigilan ng dalawa ang mapayakap nang mahigpit habang masaganang dumadaloy ang luha sa kanilang mga mata. Luha ng kalungkutang bumabalot dala ng kanilang hiwalayan.

“Salamat sa lahat, patawad, sana’y mag-iingat ka lagi “ ang mga huling kataga na nasabi sa kanya ni Bimbo habang papalayo si Cathy sa kanya. Ngumiti lang si Cathy nang ubod- tamis at tuluyan nang nagpaalam.

Wakas…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.