Tugs, Tugs, Tugs… Pinakamahabang “ONE NIGHT STAND” (Part 1)

One Night Stand (Photo Credit: millsmfaonenightstand.blogspot.com)
One Night Stand (Photo Credit: millsmfaonenightstand.blogspot.com)

Matapos ang alak session ng mga katrabaho ni Bimbo, kanya-kanya na uling diskarte ang mga magbabarkada. Yung mga tinamaan na nang husto sa gin-pomelo nilang tinira ay nagsipag-uwian na at alam niya na yung mga bitin pa ay didiskarte na naman sa labas. Si Bimbo naman ay medyo may tama na, kaya nagpasiya na siyang umuwi.

Sa paglabas niya ng gate ng bahay ng katrabaho niya, nakasabay niya si Kris, ka-tropa niya rin. May sasakyan si Kris kaya nakisabay na ito. Habang tumatakbo ang sasakyan, nagtanong si Kris kung bitin daw siya sa inuman nila. Sinabi naman ni Bimbo  na ok lang kung magpapainon siya, na kaya pa nito. Bitin daw kasi siya kasi huli na nang siya ay dumating, patapos na ang session. Napag-usapan nila na patakan (sharing) na lang sila kung mag-iinom pa sa labas. Nagkasundo sila na pumunta sa isang place na malimit nilang gimikan kung “magbabanlaw” sila tuwing matatapos ang alak session ng tropa.

Sa isa nilang paboritong hang-out sa Malate, masaya kasi doon, may diskuhan sa ibaba at videoke bar sa itaas. Dahil sa nakainom na, sa videoke bar na lang sila tumuloy. Maaga silang dumating kaya kakaunti pa ang tao, wala pa masyadong kumakanta kaya nakapagkuwentuhan pa sila ni Kris habang umiinom. Habang tumatagal paingay na nang paingay sa bar. Tugs tugs tugs, halos mabingi sila Bimbo at Kris sa beat ng tugtugin dahil “party time” na. Habang tumatagal, lalong parami nang parami ang mga customer.

Kasabay sa pagtigil ng kuwentuhan nila ni Kris ang ingay na lalong nagpalakas ng tama ni Bimbo. Naramdaman niya na kumakapal na ang mukha niya at bumibigat na ang mga mata, kaya binalak nang yayain pauwi si Kris, tutal hindi naman talaga siya puwedeng mag-inom ng marami dahil may dala itong sasakyan.

Ngunit bago pa niya nayakag pauwi si Kris, may lumapit na waiter sa kanila. Tinanong sila kung payag daw sila, dahil may gustong “maki-table”. Hindi pumayag si Bimbo dahil kapos na rin sa budget. Umalis ang waite, ngunitmaya-maya ay bumalik sa kanilang kinauupuan. Hindi naman daw GRO yung gustong tumabi sa kanila, kundi customer din kaya walang ladies drink na pag-uusapan. Napapayag na rin si Bimbo, maya-maya ay may isang babae na lumapit sa kanila, nakipagkilala at pina-upo sa katabing upuan nila.

Si “Cathy”, ang narinig ni Bimbo na pangalan. Bagamat hindi niya lubusang kilala ay minabuting i- entertain na lang niya kahit lasing na ito. Hindi sila masyado makapag-usap dahil sa ingay ng kumakanta at kuwentuhan ng mga customer kaya puro sulyap at ngiti na lang ang ginagawa ng tatlo sa kanilang mesa.

Tumagal pa ang kanilang inuman. Nalalasing na ang bawat isa. Pagbalik sa table ni Bimbo galing cr , sinenyasan na lamang niya si Kris na umuwi na sila dahil marami na ang kanilang naiinom. Buong akala ni Bimbo na magpapaiwan si Cathy sa Bar, pero nang lumabas sila ay sumunod ito hanggang makarating sila sa kotse ni Kris. Tinanong nila si Cathy kung uuwi na rin siya at ihahatid na ito, tumango ito at kanilang pinasakay.

Habang tumatakbo ang sasakyan, si Kris na ang nag “interview” kay Cathy dahil wala na sa ulirat si Bimbo. Nasa likod kasi ng kotse nakaupo si Cathy kaya medyo malakas ang usapan nila nang nagda-drive na si Kris. Ang tanging naaalala ni Bimbo sa pag-uusap ni Kris at Cathy ay – bago lang pala siya sa lugar, nabobored daw siya sa bahay nila kaya naisipan niyang lumabas para gumimik at maghanap ng bagong kakilala o kaibigan. Sa dinami-rami daw ng mga customers na dumating, sila ang “nagustuhang” lapitan ni Cathy dahil mukha daw silang “mababait at mapagkakatiwalaan”.

Maliban doon ay wala nang natandaan si Bimbo tungkol sa “personal information” na ibinigay ni Cathy kay Kris. Ang huling tanong ni Kris ay kung saang lugar daw siya ihahatid. Narinig ni Bimbo ang sagot ni Cathy “siya ba, saan?”

Bagamat hindi nakikita ni Bimbo ay alam nitong siya ang itinuturo ni Cathy. Ginising ni Kris si Bimbo. Sabi niya “Pare, sa iyo daw gustong sumama, paano ba yan?”

Kunyari ay nagulat si Bimbo, “Ha? Bakit?”

Nilingon nito si Cathy at tiningnan nang may pagtatanong. Nakangiti siya sa binata nang ubod ng tamis. Sambit ni Bimbo habang nakaturo kay Cathy, “sa motel tayo, gusto mo?” sagot naman ni Cathy, “Ikaw, bahala ka.

Wala nang budget si Bimbo pang hotel kaya naman dinaan na lamang nito sa biro si Cathy. Pero talagang seryoso si Cathy na sumama kay Bimbo. Kahit anong gawin nitong pang tri-trick sa kanya upang sa kanilang bahay na lang siya umuwi ay balewala pa rin.

“Anak ng buwaya naman… mapapasubo ako nito!” sabi nito sa kanyang sarili. Nahihiya na rin ito kay Kris, kasi panay ang ikot nila, lumulusot kahit saang kalsada at hindi pa sila magkaayos ni Cathy, baka marami nang nakain na gasolina ang sasakyan niya.

“Bahala na ang mga alien, sa bahay ko na lang siya iuuwi!!”

Sa pagpapatuloy…

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.