“True” SONA Kuno

www.manilalivewire.com
08/06/2015 02:32:00 PM

Noong isang gabi, tinanong ko ang ermat ko sa opinyon niya ukol sa State of the Nation Address ni Vice President Jejomar Binay habang nagbabasa siya ng isang pahayagan.

Ako: “’Nay, naniniwala ka ba kay Binay?”

Si Ermat: “Hindi, anak. Pare-pareho lang sila e.”

Tapos ang usapan; at nagsimula ang panahon para magnilay-nilay.

Masyado na rin talagang masalimuot ang mundo ng pulitika dito, lalo na sa panahon na ito, na may kanya-kanyang pakulo o bersyon ng State of the Nation Address ang mga Pinoy mula pulitiko hanggang komentarista hanggang sa mga tao sa social media.

At sa panahong ito, ultimo ang nag-resign na miyembro ng gabinete-slash-karibal sa pulitika-slash-bise presidente, ay mayroong SONA.

www.manilalivewire.com
www.manilalivewire.com

Oo, naglabas kamakailanlang ng isang “True” State of the Nation Address ang Bise Presidente sa Cavite State University. At dalawang linggo matapos ang opisyal na SONA ng pangulo, ay siya naman ang nagbigay ng “tunay” na estado ng bansang ito.

Sa totoo lang, may punto nga naman. As in maraming mga bagay—as in mahahalagang mga isyu ang inexpose ng TSONA ni Binay. Subalit hanggang sumbat lang ba tayo, Mr. Vice President?

Alam ko, na sa loob ng limang taon sa administrasyong Aquino—halos kabuuan na ng termino ni Pnoy —ay may mga hindi magagandang pangyayari at resulta mula sa mga isyu gaya ng Quirino Grandstand, SAF 44, rescue and rehabilitation operations sa Bagyong Yolanda, at ultimo ang kabulukan sa Metro Rail Transit.

Siyang tunay rin naman: hindi naman kasi porket gumaganda ang ekonomiya—base man sa mga ulat at istatistika nito—ay mararamdaman na ito ng lahat, partikular ng mga nasa sektor ng mahihirap.

Pero para sabihin na ‘inept’ at ‘incompetent’ ang administraysong ito. Aba, teka, hindi ba kabilang ka din sa administrasyong tinutukoy mo? Alalahanin mo, kahit bago ka magbitiw sa pwesto noong Hunyo 22 ay may katungkulan ka sa administrasyong Aquino. Oo, mula noong sumumpa ka noong Hunyo 30, 2010.

Click here to continue reading